ANG PAGDEKLARA NG MALAKING DIGMAAN

Magsimula sa umpisa
                                    

AZULAN'S PROVERBS

Nandito kami ngayon sa pagawaan ng armas upang tingnan ang mga armas na bagong gawa para sa parating na malaking digmaan.

AZULAN:Napaganda ng iyong gawa kaibigan(Sabi ko habang hawak-hawak ang baril na kagagawa pa lang)

HATHOR1:Avisala eshma Rama!

YBRAHIM:Natitiyak ko rin na matibay din iyan.

HATHOR2:Oo nga Rama hindi lang iyan ang gawa namin meron din kaming bagong mga espada at mga bagong kalasag para sa mga kawal.

MEMFES:Talaga?maari ba naming tingnan?

HATHOR2:Oo,dito po tayo mga kamahalan at Mashna Aquil.

Pagdating namin sa silid kung saan inilagay ang mga bagong armas ay hindi mapigilang mabighani ni Aquil.

AQUIL:Sadyang napakaganda talaga ng inyong mga armas Rama Azulan!

AZULAN:Avisala eshma Mashna!sa katunayan mga tatlong araw mula ngayon ihatid na mga iyan sa tatlong kaharian!

MEMFES:Mabuti naman kung ganon Rama! aankat rin ako ng kalasag para sa aking mga kawal.

YBRAHIM:Mabuti na rin na sinabi mo agad iyan para bukas na bukas makabayad na kami.

AZULAN:Narinig mo ang kanilang sinabi kaibigan bukas na bukas babayaran na kayo ni Rama Ybrahim at ni Rehav Memfes.

HATHOR2:Avisala Eshma sa inyo mga kamahalan.

AQUIL:Wala talagang kupas ang inyong kagalingan sa pagawa ng armas!

HATHOR3:Avisala eshma Mashna tungkulin namin na matiyak ang kalidad ng aming mga gawa.

GENERAL'S PROVERBS

Pagkatapos ng ilang sandali ng pag-uusap ang babalik na sana sina Amihan sa Sapiro at sina Pirena sa Hathoria ngunit narinig nila na nagkakagulo sa labas ng palasyo kaya pinuntahan ito ng magkakapatid at pinapasok muna nila ang mga bata sa silid ni Dasha.Paglabas nila ay nakita nila si Ether kasama ang ilang kawal.

PIRENA:Pashnea!anong ginagawa mo dito?

ETHER:Huwag ka munang magalit Pirena hindi ako naririto upang manggulo.

ALENA:Pwes anong kailangan mo?!

ETHER:Nandirito ako upang makipagkasundo.

DANAYA:May ganon ka pang nalalaman ha!

AMIHAN:Ano naman ang nais mong ipahiwatig?!

ETHER:Nais nating lahat ng kapayapaan di ba?

PIRENA:Ano namang alam mo tungkol sa kapayapaan?natitiyak ko na ang tanging laman lang ng iyong isipan ay manggulo at manakop!

ETHER:Humanahon ka muna Hara ng Hathoria makinig muna kayo sa aking sasabihin.Alam niyo naman kung ano ang aking mga nais hindi ba?

AMIHAN:Ang makuha ang apat na kaharian ng Encantadia?!hindi namin hahayaan na mapasakamay mo iyon Ether pagkat alam namin na ipapahamak mo lang ang aming nasasakupan.

ETHER:Matalino Hara ng Sapiro,kung ibibigay niyo iyan sa akin ibibigay ko ang kapayapaan na inyong hinahangad para sa encantadia!kung hindi ay maraming dugo ang dadanak at idadamay ko rin ang mga inosente!

ALENA:Kung magdekalara ka ng digmaan hindi ka namin aatrasan at sa ano mang oras handa ka naming harapin pati na rin ang iyong mga walang kwentang mga alagad!

ETHER:Tandaan niyo nasa inyong mga kamay ang kaligtasan ng inyong mga nasasakupan hindi lang dadanak ang dugo,kukunin ko rin ang mga bagay na napakahalaga sa inyo!

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon