Being an introvert and shy is kinda hard.
alam kong malaki ang pagkaka-iba ng introvert at ng pagiging shy.
yung tipong nasa public place ka tapos ikaw lang mag-isa, di ko alam kung saan ba dapat ako lulugar.
I'm not people person.
I have a small group of friend, pero madaling akong ma-drain. good thing na naiintindihan nila ako. lumagpas ako sa pagiging teenager ng di pumupunta ng bar(club). pumupunta ako ng mga party pero maya maya di mo na ako mapapansin na nawawala na ako. I'm very very very very very very AWKWARD. at higit sa lahat minsan pang out of this world ang mga sinasabi ko at ako lang ang nakakaintindi.
I hate crowds.
People and crowded places makes me crazy. mas gugustuhin ko yung magkulong sa kwarto na nagbabasa ng libro/stories o kaya nanonood ng movies kesa pumunta sa mga party o gatherings. ang pinakakaiwasan ko talaga eh yung Sale ng mga mall, palengke o kaya payday ng mga may trabaho dahil sobrang dami ng tao. pag pauwi kasi ako galing school kailangan kong bumaba sa isang mall dahil doon lang may terminal. feeling ko talaga nabubugbog ako ng sobra pag maraming tao.
I'm a thinker not a talker.
one time nung pagkakataong nahiwalay ako sa mga kaibigan ko ng section sa isang subject namin eh feeling ko buong sem akong pinagsakluban ng lupa, dahil sabi ng prof nami eh di siya tumatanggap ng "Observer" sa klase niya kaya dapat makihalobilo kami sa isa't-isa.
kada class activities, recitation or whatever na pinapagawa niya eh feeling ko sa start ng klase pag may class activities or recitation hanggang sa dismissal ng klase eh lalabas ang puso ko sa sobrang kaba, di makahinga at namumula ang pagmumukha ko sa hiya. most of the time kinakausap ko ang sarili ko(di ako nababaliw).
ayokong nag-aaral pero gusto kong nagbabasa ng kung ano ano. himala nga at nakasurvive ako sa subject na yun, at least nag-improve naman ako sa pakikipag-interact sa mga tao.
Stuttering
ito yung problema ko during recitation, thesis defense, public speaking. kung di ako makapagsalita, nauutal naman ako. minsan gusto kong mag-explain pero di ako makapagsalita o nauutal ako.
Social anxiety
takot akong makakuha ng atensyon.
ayoko ng may nakatingin sakin dahil naiilang ako.
takot akong makihalobilo dahil nakatikim ako ng panghuhusga at negative comments sa mga filthy muggles at pansycakes(Harry Potter and Divergent fan can understand these C: )
Gusto ko pa sanang dagdagan, but hey! Do yah feel me?!
YOU ARE READING
Random Thoughts in my head
Non-FictionI just want to share what's on my mind and random thoughts and rants that I can't tell to anyone.
