mmisk 7

28 10 0
                                    

Umaga pa lang at natapos na kaming kumain. Pinayagan naman ako na sumama at wala na ring magagawa si kuya Eugene dahil si mommy na mismo nagdesisyon na sumama ako para hindi naman kalawangin ang buto ko dito.

Nang sumakay ako sa sasakyan ni kuya Eugene ay bumungad agad sa akin ang maiingay at malilikot na kaibigan niya. Idagdag mo pa ang napaka-lakas na music na parang masisira na yata ang speaker dahil sa sobrang sagad ng volume nito.

"Hi Eunice!!" Bati ni Yvannia sa akin. Kilala ko siya kasi pareho kami ng school na pinag-aaralan.

"Guys, kapatid ko nga pala. Kilala niyo naman na siguro." Walang emosyong-sambit ni kuya Euran.

Nagulat nalang ako nang biglang may nag-abot ng kamay sa akin. "Hi," He winked at me pero mukhang pabiro lang yon kaya na-weirdo-han ako. "Kaize, by the way."

Aabutin ko na sana ang kamay niya pero narinig kong sarkastikong tumawa si Navy na katabi ko. Umandar na pala ang sasakyan.

"Apir." Sabi ni Navy kay Kaize out of nowhere. Kumunota ng noo nung Kaize pero agad din namang nakipag-apir kay Navy.

Hindi ko inakala na ganito pala ka-weird ang mga kaibigan nila Kuya.

-

Pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa mall dahil sa sobrang ingay namin kaya hindi ko alam kung ako ba ang mahihiya o ano. Lalo na si Kaize at yung isang babae na nasa gilid, mukhang nagkaka-pikunan na yata.

"Oh my golly!" Nagtaka ako nang may isang babaeng sumulpot sa harap namin na naka shorts at tank top.

"Mariella!" Bati nung iba na kasama ko.

"Uy!" Sinalubong nila ng bati si Mariella. Abot tainga ang ngiti nung Mariella lalo na kay Navy na mukhang sinasadyang ilapit ang katawan niya kay Navy. Kumunot ang noo ko habang pinapanood ang bawat galaw nung Mariella na yan. Nandito ako sa gilid.

Biglang tumabi sa akin si Yvannia na mukhang badtrio din. "Mariella is such a flirt. Look," Hinawakan niya ang balikat ko at pasimple pang tinuro yung Mariella. Nagulat tuloy ako sa ginawa ni Yvannia. "Look!"

"Yeah, I can see it." Pilit akong tumawa.

-

Napagdesisyunan naming kumain muna sa isang restaurant dito sa loob ng mall. Sinama nila yung Mariella na walang tigil ang bunganga sa pagsasalita.

Nang makaupo ako ay nagulat nalang ako nang tumabi sa akin yung Kaize. ang katabi naman ni Kaize sa kabila ay si Mizeniah, not sure kung yun yung pangalan niya basta narinig ko lang.

Habang tumitingin ako ng mga gusto kong order sa menu ay biglang sumulpot si Navy sa likod ni Kaize, nakatayo. "Kaize, may nagpapatawag sayo sa labas. Kausapin ka lang daw." Sabi ni Navy.

"Nagtaka bigla yung itsura nung Kaize pero agad din namang tumayo at lumabas. Pati ako nagtaka na rin lalo na nung biglang umupo si Navy sa upuan ni Kaize. What? Wait, he just stole Kaize's place!

"Hala ka--" He shushed and winked at me making me feel weird.

"Taena mo Navy wala namang--" Napatigil si Kaize nang makita si Navy na nasa upuan na niya. "Hoy dyan ako!"

"Aish." Inilayo ni Navy si Kaize. Mukha na silang bata na nagtatalo. "Dun ka na sa tabi ni Ara!"

Sumuko nalang yung Kaize. "Sus, palibhasa gusto mo lang makatabi yung isa dyan." Asar pa ni Kaize bago tuluyang tumabi kay Ara.

Nagtaka naman ako. May gustong makatabi si Navy? Pero sino? Tinignan ko kung sino ang katabi niya pang isa. Si Mizeniah? May gusto siya kay Mizeniah?

Meet Me In South Korea || Extended One ShotWhere stories live. Discover now