One Last Cry (ONE SHOT)

867 19 6
                                    

Author’s note: I just estimated the date, okay? Wag na umangal. Ginawa ko lang na mas bata para ayos ang date. Ang hirap kaya magcompute ng age ni Conrad at Bienne! Hahaha =)) Enjoy reading. Drabble lang, 1 hour ko lang tong ginawa. By popular demand eh ng mga kaklase. Hahah. Tss. Hahahaha. Wag na umangal sa story. Yan lang kaya ni Author. Lovelots. –Liza Rivera (beyondforgotten)        

***

“Happy Birthday… Conrad…”

“Thank you, Hon.” I leaned on her to give her a kiss on her cheek. Alam mo naman sya, masyadong conservative. Hindi pwede sa lips! Hahahaha. But that’s what I love about her. She knows the right thing.

Pero umiwas sya.

“Conrad… I think… we really need to talk.”

Napansin ko ang lungkot sa mga mata nya… Ano ba ito? Bakit parang may mali? Kaarawan ko naman di ba? Bakit ganito?

“Bakit Hon? May nangyari ba?”

February 19, 1993

Nakakita ako ng magandang paru-paro nung bata pa ako. Kulay puti sya. Yung maliit na paru-paro na mahirap hulihin kaysa sa ibang paru-paro? Alam nyo ba yun? Nagagandahan kasi ako sa kulay na puti. Pero alam nyo ba kung bakit gusto kong hulihin? Wala lang, siguro magaling na ako kung makukuha ko to kasi nga, puti sya. Nagugustuhan ko lang. WOW! Nahuli ko na!

“Anong ginagawa mo? Bitawan mo nga yung buttewfly!”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.

 “Bitawan mo nga sabi eh!”

Napabitaw naman ako ng hindi oras. Siguro nadistract ako sa batang babaeng to. Bakit ganito?

“Anong name mo?”

“A-ako? C…Conrad. Conrad ang pangalan ko.”

“Wow! Sige, dahil mabait ka naman, pinalaya mo na yung buttewfly, magkaibigan na tayo ha, Conwad!”

Ngumiti sya sakin. Hindi ko alam pero parang nakarinig ako ng choir of angels nung sinabi nya yung pangalan ko. Kahit pa, bulol sya at nawawala ang isa nyang ngipin sa harap, ang angelic pa rin ng mukha nya. Bakit may mga anghel na pinadala sa lupa? Bawal kaya sila dun? O sadyang pinadala sila dito para manghain pa lalo ang mga hamak na mortal na katulad ko?

“A-anong pangalan mo?” Ano ba ito? Bakit ako nauutal?

“Bienne! Bienne ang nickname ko! Heheheh! Sige Conwad, alis na ako! Bye bye!”

Pakiramdam ko, nakakilala talaga ako ng isang anghel. Saan kaya nya tinatago ang mga pakpak nya?

Hindi ko alam kung saan, pero siguro, nilabas na nya uli yung mga yun at lumipad papuntang langit, pauwi sa tahanan nya.

Hindi ko na kasi sya nakita pang uli. Bienne…

June 9, 2003 (Monday po to, pasukan talaga. Heheh!)

“Good Morning. My name is Maria Bernadette Cagampan. I am already seventeen years old. Nice to meet you all.”

Hindi ko kilala ang babaeng nasa unahan. Ngayon ko lang narinig ang pangalang Bernadette Cagampan. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? May sakit kaya ako sa puso?

“Okay, Miss Cagampan. You may sit beside Mister Soriano.”

Tumango sya at umupo sa tinurong upuan ng aming adviser. Tinitingnan ko lang sya, kinikilala ang mukha nya. Parang pamilyar talaga ang mga face features nya.

One Last Cry (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon