Napatingin ako sa wrist watch ko at napagtanong 11:56 na pala ng gabi. Nakabalik na rin si Tyron pero wala pa rin talaga si Lorenz. Sinabihan ko na lang siya na hayaan na lang, alam naman nun siguro ang pabalik dito. Baka naglibot libot lang, nagpapahangin.

“Guys kain na muna tayo!” masiglang sigaw ni Tanya. Nagsilapitan na kami. Buti na lang talaga at naayos ni Lorenz ang fuse box kundi hindi kami makakainit ng tubig para sa ramen na to.

“Teka asan si Lorenz?” tanong ni Twaylem kaya napatingin ako sa kanya. “Naglibot libot.” Pagsisinungaling ko. Ayokong bigyan sila ng rason para mag – alala o matakot.  Kilala ko si Lorenz, matapang yun tsaka wala namang mga mababangis na hayop dito para kainin siya.

Natapos na kami sa pagkain at inayos na ang kalat. Tinapos na namin ang pag s-shoot at umabot kami ng kalahating oras kaya 12: 35 na ng umaga. Naisipan kong magligpit na at ipagpabukas naman ang shooting. Tutal may iilang scenes na kailangang maliwanag ang paligid.

Buti na lang talaga may mga natitira pang maayos na banyo at shower room ang maaring gamitin sa lumang school na ito kaso nasa 2nd floor. Nag aayos kami ng mga gamit namin nang may marinig kaming parang natumba sa taas. Nakiramdam kami pero wala naman kaya pinabayaan na lang namin.

Kinuha ko na ang tuwalya ko at ang flashlight at balak ko na sanang umakyat sa second floor ng makarinig ako ng isang sigaw. Akala ko nung una, gawa gawa lang ito ng malikot kong imahinasyon pero nang marinig ko pag panic ng mga kasamahan ko, alam kong may hindi tama.

Agad akong bumalik sa classroom at nakita kong tila kinakabahan sila. “N-Narinig mo yun P-percy?” nanginginig na tanong ni Aki. Tumango ako at nakiramdam. Lahat kami tahimik. Pigil ang mga hininga. Ilang segundo lang nag nakaraan bago namin narinig ulit ang sigaw.

Tila nahihirapan ito. Sunud-sunod na ang pag sigaw at kinabahan ako bigla ng makilala ko ang boses na yon. Akala ko ako lang ang nakapansin nun pero nang makita ko ang mga takot na takot na mukha ng mga kasama ko lalo na ng kay Kyra, alam kong may hindi tama.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now