••Epilogue••

Start from the beginning
                                    

"Yey!" Bakas ang kasayahan sa boses ni Yume ng sumigaw ito. "I'll wait for you, daddy. Ba-bye po!"

Nang binaba na ni Yume ang tawag ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko papunta sa Fly Airlines.

This is the day where Dylan and I will be with eachother again. And I swear that no one can seperate us ever again.

***

Dylan's PoV:


"Beautiful, aren't you going to take a break?"

Agad akong bumaling sa taong nasa harap ko ng magsalita ito. I instantly arched my eyebrow at him.

"What are you doing here, Naveen?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba naman, Dylan. Nandito ako para bisitahin ka. Simula ng makilala kita ay nilulunod mo na ang sarili mo sa trabaho." Naveen said with hand gestures. "Why don't you take a break and have fun just for once? Find yourself a man!"

"Ayoko! Wala akong plano kaya pwede ba, Naveen, lumayas ka na sa harap ko. Get lost." Pagtataboy ko sa kanya at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

I've been in Germany for nine years now. Dito na din ako nakapagtapos ng pag-aaral. Pagkatapos ay ako na din ang nag handle ng isang company ni daddy. Sa loob ng siyam na taon ay marami akong naging manliligaw. But I chose not to entertain them.

I'm still holding on to his promise... his promise that he will find me and marry me in a church.

Aaminin ko na may araw na parang nawalan ako ng pag-asa na mahahanap niya ako. Pero mas pinili kong panghawakan ang pangako niya. Kailangan ko siyang pagkatiwalaan.

"Kung ako na lang kaya ang maging boyfriend mo?" Nakangising sabi ni Naveen.

I showed him my poker face. "Wag akong ginagago mo, Naveen. Tantanan mo ako sa kalokohan mo at lumayas ka na dito."

"Dylan naman eh!" He whined like a kid.

Nang nag-aaral ako dito sa college ay nakilala ko tong si Naveen. Muntikan ko na tong masuntok noon dahil sunod ng sunod sakin. Pero ng marinig ko siyang nag tagalog ay pinansin ko siya agad.

"Naveen, please lang alis na!" Inis na sabi ko.

Pero hindi man lang siya nagpatinag at nag puppy eyes pa sakin.

"Sige na, Dylan, kahit lunch lang ngayon. My treat." Pagpapa-cute niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at kapagkwan ay hinablot ko na lang ang bag ko sa gilid at tumayo.

"Ngayon lang." Sabi ko at nauna ng lumabas.

"Nice one, Dylan!"

Napailing na lang ako ng sumuntok sa hangin si Naveen. Sabay na kaming pumasok sa elevator at pumunta na sa kakainan namin. Actually, dun lang naman pala kami kakain sa Collins' Cuisine na siyang pag-aari niya.

Nakaupo kami ngayon sa pandalawahang lamesa habang hinihintay ang inorder niyang pagkain namin.

"Naku... first date na ba natin to?"

Langhiyang to...

"Gago! Hindi date to. Ito ay isang simpleng lunch ng dalawang magkaibigan." Sabi ko.

"Ouch! You really never hesitate to hit where it hurts." Sabi ni Naveen na nakahawak pa sa dibdib niya.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. A memory just flashed inside my head that made me smile.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Where stories live. Discover now