1: play

12 2 0
                                    


"Play"

Pagkapindot ko ng play button ay nagsimula naring tumugtog ang theme song ng attack on titan.

"Fumareta hana no namae mo shirazu ni
Chi ni ochita tori wa kaze o machiwabiru
Inotta tokoro de nani mo kawaranai
Ima o kaeru no wa tatakau kakugo da"

Pagsabay ko sa kanta nito magsisimula na sana yung pinapanood kong episode pero may inutil na nag doorbell.

Pinost ko muna ito,mabagal akong lumabas sa kwarto at dirediretso papunta sa pinto, bubuksan ko na sana ito ng may sumigaw galing sa labas

"Erin Sienna Reyes!buksan mo itong pinto!wag ka ng maglaban!huhulihinka namin sa kasong--!"

Napatigil pa siya sa pag sigaw at parang nag isip pa, nag tanong pa siya katabi niya.

"Ah!Sa kasong I Dont know!lumabas ka dyan!" pagtutuloy niya at halos sirain na niya ang doorbell ko

"Erin Sienna Rey----!" hindi na niya natapos ang sasasabihin niya ng padabog kong binuksan ang pinto,habang may masamang tingin sa kanilang dalawa.

Bumungad saakin ang dalawang babaeng magkamukhang magkamukha parehas silang nakangiti saakin at yung isa ay naka peace sign pa

"Hindi mo man lang ba papapasukin ang dalawang beautiful lady like us?" maarte niyang tanong habang tumatango tango naman ang kambal niya na parang sumasang ayon

Mga baliw

"Bakit ko naman gagawin yun?may condo naman kayo ah?" naka kunot noong tanong ko sa kanila

"Nagugutom kami walang pagkain saamin hindi namili yung isa dyan" parinig niya, inirapan lang siya ng kambal niya.

Hindi ko pa sila pinapapasok pero walang pasabing pumasok sila

Isinara ko nalang ang pinto wala akong magagawa sa kakulitan nung dalawang yun.Dumiretso sila sa kusina at nag halungkat ng makakain sadly wala pa akong pagkain hindi pa ako nag gogrocery.

Nakasambakol ang mukhang humarap sila sakin na parang batang nang hihingi ng pagkain

"Hindi pa kami nakain Erin!pakainin mo kami!hapon na oh!hindi kaba naawa?" nakangusong sambit nung kambal niya,nginitian ko lang siya at kinuha ang survey corps hoodie ko at inaya silang pumuntang mall na nasa harap lang ng condo namin

Attack of loveWhere stories live. Discover now