LEYNA'S POV
Krringgg!! Krringg!! Kringgg!!
{5:00 am}
"Takte na alarm na yun ang aga aga pa ginigising na ako" nakapikit parin ako habang hinahanap ko yung Iphone ko.
"Hotek nasan na ga yun!!" pagmulat ko nasa paanan ko na pala yung Iphone ko, ang likot ko palang matulog at narealise ko na ipinatong ko yun sa study table ko kagabi ah? tekaa....
"Kuya Jave Ethan Unggoy na kabayong palaka Gueerrero!!!!!" sigaw ko habang palabas ng kwarto ko.
Pumunta ako sa kwarto niya at pinagsusuntok yung pintuan niya.
"Hoy gunggong kang kabayo ka at sino naman may sabing pakalman mo yung IPHONE ko!!" tuloy parin ang pagsuntok ko sa pintuan niya with matching malakas na sipa para masira na tuluyan yung pintuan niya.
Sa pangalawang pagsipa ko at tuluyan na ngang nabutas yung ibaba ng pintuan niya HAHAHAHAHA. okay handa na akong mamatay shete....
"Hoy Leyna! anong ginawa mo sa mahal kong pintuan ha!!" sigaw nito sa akin
"Aba at ikaw pa talaga ang may ganang sumigaw sa akin for your information mahal na mahal ko ang IPHONE ko at bakit mo pinakalman yun?! ha? ha? ha?!!!!" sigaw ko
Halatang antok na antok pa siya haha well syempre galit na galit na to sa akin paano ba naman nasira ko lang naman yung mahiwaga at MAHAL NA MAHAL niyang pintuan hmmp! Okay sisigawan na niya ulit ako in 5.4.3.2....
"Huta naman oh! LEYNA MAE PANGIT NA MANGKUKULAM GUERERRO FYI DIN HINDI AKO ANG PUMAKALMAN NG BULOK MONG IPHONE HA!!!" galit niyang wika
Ha? akala mo madadaan mo ako sa mga palusot mo eh alam ko naman na ikaw lang ang gagawa nun alangan naman si Leyla (yung alaga naming cutie golden retriever) eh pinagbawalan ko na siyang pumasok sa kwarto ko at syempre masunurin yun di naman tulad nitong unggoy na toh! porket siya ang panganay kailangan pati mga Personal kong gamit papakalman niya.
Huminga muna ako bago makipag sagutan ulit kay kuya "Gunggong ka alam ko naman na ikaw lang at IKAW LANG ang pumapasok sa kwarto kahit PINAGBABAWALAN na kita. Alangan naman si Yaya ang gumalaw nun! at alam mong tayong tatlo lang ang nandito sa bahaay!! Pinalampas ko na yung pag galaw mo sa aking MAC book dahil nagdodota ka lang dun! tapos ngayon iphone ko naman? Ano bang gusto mo ha? kung gusto mo mag iphone at ma-" di na ako nakatapos at naunahan na akong magsalita
"Hoy kapatid kong kasing kapal ng kaldero ni Mommy, hindi ko pinakalman ang mansanas mong laptop kung ano man yun, may chineck lang ako dun at di ako naglaro! at isa pa bakit ko naman papakalman ang IPHONE mo e wala naman ako kagabi dito ah kararating ko lang kaninang 3am kahit itanong mo pa kay yaya susan" wika niya at padabog na isinara yung pintuan niyang butas.
Napatulala ako dun i think mga 1 minute lang naman grabe na yung 2 oras diba? Teka wala nga pala si Kuya kagabi dahil na kina wait.. sino nga yun? hutek na utak na toh! di ko alam kung bakit naging valedictorian pa ako sa school namin, sobra na ako naging makalimot ganun na ba pagmatalino?
Dahil sa sobra kong makalimot nakalimutan ko na magpakilala aigooo!!! teka mag aayos lang ako hanep na king kong na yun!
Biglang lumabas si leyla galing sa kwarto ko
Raaaaff!! Raaaff!!
"Teka leyla ikaw ang pumakalman sa iphone ko?" okay mukha akong ewan
Rraaaff!! Rrraaaff!!
"Diba sabi ko sayo wag kang papasok sa room bibigyan naman kita ng treats e mag scratch ka lang sa pintuan ko okay?" wika ko
Pagbalik ko sa kwarto
"HALAAAAAAAA!"
5 missed call from Prince Charming Paul ❤
First chapter naka raos din haha please mag leave kayo ng comment if may suggestion man kayo or opinion about sa first chapter sasagutin ko agad yan :)) If di ako busy hehe
I purple you 💜
YOU ARE READING
The Bad Wings
Teen Fiction"Kuya kaya ko siyang labanan im not weak as you thought" Ako si Leyna Mae Guerrero 18 single Isa lang naman akong mala anghel na babae na sikat sa isang unibersidad at running for valedictorian but hindi ko alam bakit sa huli ako parin yung talo? ...
