Prologue

27 3 0
                                        


Errors ahead & Enjoy reading!

╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍╍

"..anak kahit anong mangyari ay wag na wag kang lalabas dito ha?" luhaang sambit ni mama

Nalilito man sa sinabi ay tumango nalang ako at ngumiti.Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang isara ang aparador na ipinagtataguan ko.

Saan siya pupunta?

Bakit siya umiiyak?

Akala ko ba ma'y sorpresa sila ni papa sa akin?

Akala ko...

Napatigil ako sa pig-iisip ng may marinig na malakas na kalabog.Di ko iyon pinansin at nanatiling nakatago.

"Tama dapat dito lang ako,baka may ina-handa lang sila mama"
Pangungubinsi ko sa sarili.

Bat antagal naman ata nila? Kanina pako dito nakatago at naiinip nako lalo pa't mainit dito sa aparador.

Lalabas na sana ako nang biglaang bumukas ang pinto ng kwarto namin kung saan ako nagtatago.Sumilip ako sa maliit na butas sa aparador para tingnan kun ano yun.

Nagtaka ako ng makita si mama na may dalang parang kutsilyo pero mas malaki iyon.Sumunod namang pumasok ang mga tao na naka itim na roba , mahirap makita ang kanilang mga mukha.

Ngunit nakita ko na may tattoo silang hugis bitwin sa kamay nilang lahat.

Sino sila?yan ang tanong na unang sumagi sa isipan ko.

Kaibigan ba sila ni mama?

Kasama ba sila para sa sorpresa ko?

Bat ganyan ang mga suot nila? Ang weird naman.

Ipinagpatuloy ko lang ang panonood sa kanila dahil baka i-sorpresa nila ako dahil kaarawa ko na bukas.hehehehe

Lumapit ang dalawa na naka-roba kay mama at hinawakan sa magkabilang kamay.Dito ako simulang kinabahan.

Witch Hunter [ON-HOLD!]Stories to obsess over. Discover now