TNQ 17: Twin Fighters

13.5K 335 15
                                    

Someone's POV:

Napahalakhak ako habang pinapanood ang mga kuha ng paglalaban ng bawat kasali sa Uno battle.

Lahat sila ay pinasubaybayan ko lalo na ang laban ni Sniper..

"Anong plano nyo? Bakit kailangan pa nila ng ganyang laban? Ba't hindi nalang natin sila dalhin sa arena at isalang lahat doon?" tanong ni Turo sa akin..

Si Turo ang nangungulo sa aking mga nasasakupan..

Sila ang dahilan upang magtagumpay ako sa lahat ng aking pinaplano..

"Let's just enjoy the fun of watching them fight.. Mga hangal.. Akala ba nila na pag nakuha na nila ang pagiging Uno ay sila na ang mamumuno ng mafia at underground society? Mga laruan ko lang sila.. At di magtatagal ay mapapasaakin na ang dalawang emperyong iyon.. Kay tagal ko ng inaasam na maging reyna.." sambit ko at saka malakas na humalakhak.

Si Sniper...

Alam kong di pa niya ibinubuhos ang lahat ng kaalaman niya sa bawat laban.

Nakikita kong kampante pa siya at di nahihirapan.

Gusto kong makita ang totoong kakayahan ng babaeng iyon..

"Baka nakalimutan mo na malakas din si Black ng BPG.. Binubuhay niyang muli ang UA (underground arena). Magiging sagabal siya tiyak sa iyong mga plano.." boses uli ni turo.

Tumayo ako mula sa pagkaupo sa aking swivel chair at tinungo ang wine bar.

Naglagay ako ng maraming yelo sa baso at nagsalin ng paborito kong alak.

Dahan dahan ko itong sinimsin at ninamnam ang magkahalong pait at tamis na gumuhit sa aking lalamunan.

"Nothing we can do... At least for now.. Marami naman ang may gustong pabagsakin ang gangster king. Well just watch and relax.." nakangisi kong sagot at nilagok muli ang alak..

No one deserves the throne except me..

Ako lang ang may karapatang mamuno sa dalawang emperyo..

****

Lian's POV:

Kaagad na sumugod ang kambal sa akin.

Pagdating sa laban ay tahimik ang dalawang ito.

Walang salitaan basta sugod na lang.

Synchronize pa ang kanilang mga galaw na animoy iisa lang ang kalaban ko pero umaataki mula sa magkabilang dereksyon.

Mabilis na tumakbo ako upang iwasan ang mga tira nila.

Ibang klase ang hawak nilang sandata.

Nakakabit ito sa mismong katawan nila at lumilipad na paikot patungo sa kalaban.

Kung hindi ako makakaiwas ay tiyak na magkakasugat ako sa bawat pagtama nito sa akin.

Isa itong bilog na maraming nakapalibot na talim at may mahabang tali na kadena.

Pasensya na sa mga kotseng natatamaan dahil nawasak talaga ang bawat bagsakan nito.

Ang babae naman ay may hawak na latigo na inihahampas sa akin.

At base sa nakikita ko ay may iba pa silang sandata sa ibang parte ng katawan nila.

Humampas ng latigo ang babae kaya tumalon ako paatras pero napayuko naman ako ng humagibis sa may gilid ko ang bolang metal ng lalaki.

Whew! Muntik nako dun ah..

Kailangan kong makaisip ng paraan..

Tumakbo ako paakyat sa isang kotse at saka tinalon ang pwesto ng babae na nasa mas malapit sa akin.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon