"Nagpakita ka sa akin sa taong 2019. Dahil inakala mong ako si celestina agoncillo. Dahil sa librong isinulat ni joselito ay napunta kami dito ng aking kaibigan na si elena. Dahil kailangan naming mabago ang tadhana niyo" paguumpisa ko pa ng kwento sa kanya.

"Ilang araw mula ngayon ay sasabog ang malolos. Kabilang kayo ni Celestina sa masasawi. Taong 1946 ay muli kayonh nabuhay ngunit dahil sa pagaakala mong wala siya sa taong iyon ay kinitil mo ang iyong sariling buhay" pagkwekwento ko pa sa kanya.

Nanatiling tahimik si ginoong antonio. Nakikinig lamang. "Kung ganuon bakit ikaw? Sa dinami rami ng tao sa taong 2019. Bakit ikaw ang pinadala dito para tulungan kami?" Panguusisa niya sa akin.

Napakibit balikat ako. Maging ako kasi ay hindi din alam kung ano talaga ang dahilan kung bakit ako. Ano nga ba ang koneksyon ko sa kwento na ito. Sino ako sa kwentong ito, ano ang aking papel.

"Hindi din namin alam" malungkot na sagot ko sa kanya.

Nagulat ako ng maglahad siya ng kamay. "Ikinagagalak kong makilala ka, binibining Celestine Garcia ng 2019" magalang na pagpapakilala niya sa akin.

Unti unting bumaba ang tingin ko sa kanyang nakalahad na kamay. Tipid ko siyang nginitian bago ko iyon tinanggap. "Masaya din akong makilala at makita ka Ginoong antonio buenaventura ng 1899" balik na sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit may kung anong parang kumirot sa dibdib ko. Sa paraan kasi ng pagpapakilala naming dalawa sa isa't isa ay parang ipinamukha lang namin na sobrang layo ng agwat namin. Na dayo lang ako sa lugar na ito, sa taong ito at sa kwentong ito.

"Kaya pala ibang iba ka sa mga babae dito, sa mga kilos mo at maging pananalita" puna niya sa akin.

"Marami ng nagbago sa taon namin. Ang mga lugar na nakikita mo ngayon ay mananatili na lamang na alaala" sabi ko pa sa kanya kaya naman napangisi siya.

"Maging ako, lahat naman ng tao ay sa kamatayan din ang tungo" sabi pa niya.

Hindi kami masyadong nagsasalita ni ginoong antonio. Lalo na at kailangan naming maging maingat sa aming pagtatago. Nang dumilim ay napagpasyahan niyang lumabas para kumuha ng mga punong kahoy. Kailangan namin ng apoy para magsilbing liwanag at init na din sa paglalim ng gabi.

"Sasama na lang ako" pakiusap ko dahil natatakot akong maiwang magisa.

Sandali siyang nagisip bago siya tumango sa akin. "Salamat" sabi ko pa ng pumayag siya.

Naglakad kaming dalawa sa gitna ng gubat para makahanap ng mga kahoy na pwede naming sigaan. Nakipulot din ako pero kaagad akong pinigilan ni ginoong antonio.

"Hindi ito gawaing pambabae binibini" suway niya sa akin kaya naman napanguso ako para itago ang aking ngiti.

"Ipinapatupad na ngayon ang gender equality. Patas na pagtingin sa mga babae at lalaki. Na kaya naming gawin ang kahit na anong kaya niyo" nakangiting pagpapaliwanag ko sa kanya kaya naman unti unti niyang binitawan ang kamay kong magpupulot na sana kanina.

"Kung iyan ang iyong nais" pagsuko niya kaya naman binilisan ko na din ang pagpupulot ng mga kahoy.

Nang madami na kaming nakuha ay muli kaming bumalik sa may kuweba sa likod ng talon. Si ginoong antonio ang gumawa ng paraan para pasigain iyon. Nanuod lamang ako sa kanya dahil wala naman akong alam tungkol duon.

"Wow ang galing mo" puri ko sa kanya at tsaka ko itinapat ang aking magkabilang palad sa apoy para mainitan iyon.

"Ano ang ibig sabihin ng Wow?" Tanong niya sa akin kaya naman napangisi ako.

His last ComebackOnde histórias criam vida. Descubra agora