“Slaughter High?” nakiusyoso sa akin si Ayriene kaya magkatabi na kami ngayon na nagbabasa sa laptop ko. Isa pala itong prestigious school dati na nasa isang isla. Tinawag itong Slaughter High matapos mangyari ang isang nakakagimbal na massacre sa mismong paaralan.

“holy shit lang!” napalingon ako kay Ayriene ng magmura ito. “This is so awesome!” natutuwa niyang sabi. itinigil ko muna ang pagbabasa ko ng details tungkol sa lugar. “Anong awesome?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya saka ipinakita sa akin ang sinusulat niyang script.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang title. Slaughter High.  “Nabasa ko yan sa isang website. Yung buong kwento at kaganapan sa Slaughter High. Ang galing nga nung reporter na si serialsleeper kasi maganda ang pagkakasulat niya ng article tungkol sa nangyari sa Slaughter High. Naisipan kong ito ang gawan natin ng Horror Remake. Bukod sa napaka realistic ng pangyayari, maganda pa ang naisip kong idagdag na ideas.” Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Bumalik na ako sa pagbabasa tungkol sa Slaughter High sa internet. Nalaman kong iilan lang pala ang naka survive. Nakaramdam ako ng awa sa mga namatay na students doon. “Ano, kukunin na natin ang location?” tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.

Kinuha ko na ang number sa website at agad itong tinawagan. Naka ilang ring lang ito bago sagutin. “Hello?”nakaramdam ako ng excitement ng pumasok sa isip ko na magiging maganda ang kalalabasan ng movie project namin na ito. “Hello? Gusto ko sanang mag inquire sa Slaughter High.”ilang segundong katahimikan bago tumikhim ang nasa kabilang linya.

“Ako si Kyra also known as serialsleeper. Ako ang nagsulat ng articles tungkol sa Slaughter High. Ano ang gusto mong i-inquire?” kinabahan ako ng konti dahil napaka seryoso ng tono ng pananalita ng kausap ko. huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko.

“Gusto ko sanang itanong kung available ang location?” tanong ko. “What do you mean?” naguguluhang tanong nung Kyra. Huminga ulit ako ng malalim bago nagsalita. “Itatanong ko lang kung pwede bang rentahan ang location ng Slaughter High. Yung dating Provident High?”

Horror RemakeWhere stories live. Discover now