Chapter 3

2 0 0
                                        

[Raven’s POV]

“Bakit hindi pa kase natin sabihin sakanya ha?! Dapat na niyang malaman yung katotohanan na ni katiting na dugo mula sa atin ay hindi dumadaloy sakanya! Para naman magtanda yang babaeng yan at ayusin niya na yang buhay nya!” rinig kong sigaw ng isang lalaki kasabay ng paghagulgol ng isang babae. Minulat ko ang mga mata ko at bumangon upang tignan kung ano ang nangyayafi sa labas ng kwarto ko. Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko maiwasang kabahan lalo na nang lumakas ang pagaaway ng dalawa nang makalapit ako sa kwarto nila mama at papa.

“Hindi pwede, masasaktan lang sya. Kailangan lang nya ng pagmamahal at atensyon mula sa atin para umayos na sya. Please, yun lang ang hinihinginya satin noon pa man” teka naaalala ko na ang boses ng babaeng umiiyak. Si mama yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit pa madalas ay cold treatment ang bigay nila sa akin ay tandang tanda ko ang bawat characteristics nila. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero ano ba ang pinag-uusapan nila?

“Hindi natin anak si Valkyrie! Hinding hindi ko matatanggap ang batang yan! Oo, pumayag ako na kupkupin natin sya noong nakita mo sya sa labas ng bahay natin pero hindi ko sinabi na bibigyan ko sya ng pagmamahal. Wala akong oras para sakanya dahil hindi sya akin okay? Maswerte pa nga sya at nakukuha nya yang mga kayamanan natin e, wala na syang karapatang magreklamo dahil lahat ng kailangan nya ay nabibigay natin. Kung ayaw mong sabihin sakanya ang katotohanan, sige hindi ko sasabihin pero wag kang aasa na magbabago ang pakikitungo ko sakanya.” Napatigil ako matapos marinig ang lahat ng iyon. Kaya pala. Kaya pala hindi nila ako magawang mahalin. Hindi pala kase nila ako tunay na anak. Looks like ito ang birthday gift nila sa’kin. Hahaha. Happy Birthday to me, then.

Hindi ko maintindihan kung anong klaseng pagtitino ang sinasabi nila. Ni hindi nga ako gumagawa ng mga violations e, palagi din akong number 1 sa klase. I barely talk to other people para di ako magawan ng issue. I am considered as an outcast sa school. Gulong gulo ang isip ko mula sa mga narinig ko. I ran towards my room and cried hanggang sa ang mga mata ko na mismo ang sumuko. Kung hindi nila matanggap kung gaano ako nageeffort para maging proud sila saken then I will make a way para magain ko ang atensyon nila in the way na they will never like.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChangesWhere stories live. Discover now