Napakamot naman ako sa ulo ko at umiling-iling nalang at bumalik sa resting area ng hospital.
Napa-unat naman ako at hinalungkat ang bag ko para kunin ang cellphone ko pero bago ko pa into makuha ay biglang bumukas ang pinto.
"Hoy alexa?! I've been looking for you, nandito ka lang pala. We need you at the emergency room, jusko daming pasyente" dali-daling sabi nya at umalis na sya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya at naguluhan.
What just happen? Nandito lang ako kanina pa at natapos narin namin ang operation.
Lumabas nalang ako at tumambad sakin ang busyng mga tao sa hospital.
"Halika na what are you standing there?" at hinila na ako ni Ed sa emergency room.
Naguguluhan naman akong sumunod sa kanya.
Am I dreaming kanina? Pero di naman ako nakatulog ah. Impossible.
~•~
"Babe, di mo pa ginagalaw ang pagkain mo" natauhan naman ako nang hinawakan ni Deymie ang kamay ko.
"I don't have appetite babe. Sorry, napagod lang siguro ako kanina" I just smiled him sweetly.
"Oo nga, andaming pasyente ngayon" sabi naman nya at tinanguhan ko lang sya.
"Babe may gagawin ka ba mamayang gabi?"
"Wala naman, bakit?" sabi ko habang nakatuon parin ang tingin ko sa baba.
" Good. Nagpa reserve ako sa isang restaurant, doon nalang tayo mag dinner" masiglang sabi nya.
"Sure" nginitian ko nalang sya at nagpa tuloy na kami sa pagkain.
Wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon kahit kanino dahil sa nangyari sakin kanina.
Nah, maybe I'm just over thinking at baka ano lang, ah! Basta kainis talaga hindi ko talaga alam kung anong nangyari kanina.
~•~
"Babe mauna ka na munang umuwi, may tatapusin lang ako dito sunduin nalang kita sa condo mo" sabi nya sa kabilang linya.
"Sige, ingat ka"
"I love you" malambing na sabi nya sa kabilang linya.
"I love you too, bye" at binaba ko na ang tawag.
Naglakad nalang ako papunta sa abanganan nang taxi.
Habang nakatayo ako at naghihintay ng taxi ay napatingin ako sa mga dumadaang sasakyan at mga tao sa kalsada.
Napako ang tingin ko sa kabilang kalsada kung saan may lalaking nakatayo doon habang nakatingin ito sa isang bagay na hawak nya sa kanyang kamay.
Bakit parang familiar sya?
Nanlaki ang mata ko nang mag tama ang mga mata namin.
Biglang bumagal ang oras at marahang umihip ang hangin at nagliparan ang mga dahon sa kalsada.
Nakita ko ring nanlaki ang mata nya nang makita nya ako at napatingin ulit sya sa bagay na nasa kamay nya.
Tumingin ulit sya sakin at saka ngumiti.
May dumaan namang sasakyan sa harap ko at nang nakalagpas na ito ay nawala na ang lalaki doon sa kinatatayuan nya.
*dug dug*
Napahawak ako sa dibdib kong bahagyang kumirot dahil sa nangyari.
Sino ba ang lalaking iyon? Paano nya napapatibok nang ganito ka bilis ang puso ko?
~ everytime I close my eyes
oh I always see those eyes
so i wanted to forget
all the pain since we first met
if this isn’t real,
someone wake me from this dream, please
is this destiny,
are we really meant to be
fall falling you ~
To be continued...
YOU ARE READING
Rewriting every Page
Fantasy"Let's escape the reality and rewrite what is behind every page"
First Draft
Start from the beginning
