Ah ewan! I can't really understand myself- my feelings sometimes.

"You look beautiful" bungad nya sakin at hinalikan nya ako sa pisnge.

"Heh, para namang di ka na nasanay" biro ko naman at nag drive na sya papunta sa hospital.

"Good morning doctor Iverson, good morning Ms. Descartes" bati nang mga ka trabaho namin.

Public naman ang relationship namin at alam nang lahat. Legal rin kami sa families namin on both sides.

"See you at lunch"

"See you" he kissed my forehead at naghiwalay na kami dahil hindi naman kami parehas nang trabaho.

I'm so lucky to have him. He's such a dear boyfriend and I don't know why I feel bad everytime na naiisip ko kung gaano nya pinatunayan na mahal nya ako.

Pumasok muna ako resting area nang hospital at nagpalit nang uniform doon.

"Alexa! Bilisan mo we have an emergency" tawag ni Ivy sakin.

Dali-dali akong nagbihis at akmang lalabas na nang resting room nang may maaninag akong puting ilaw galing sa labas.

Binuksan ko ito at sandali akong nasilaw sa liwanag ngunit maya-maya lang ay unti-unti nang lumilinaw ang paligid.

Ang daming tao ngayon sa hospital at mukhang may naaksidente.

"Nurse bilisan mo" sabi nung lalaking doctor sabay hila sakin sa emergency room.

Teka, bago ba syang doctor dito? Bakit ngayon ko lang sya nakita?

Agad naming ginamot ang pasyente at  salamat sa dyos at naging successful naman ang operation.

Tinanggal ko na ang gloves at gauze mask ko at tinapon ito sa basurahan.

"Oh?" natigilan ako dahil may lumapit sakin na police officer at tinuturo ako.

Lumingon naman ako at wala namang ibang tao sa paligid ko kundi ako lang.

"I remember you"

"A-ako po?" sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"I'm the police officer na humuli sayo last time, remember?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Ha? I'm sorry but you must be mistaken officer. You see, ngayon ko lang po kayo nakita and I've never been to a prescint" paliwanag ko sa kanya.

"Really? But you look really familiar anyways I'm so sorry. Baka nagkamali lang ako, pasensya na" nahihiyang sabi nya at nagpa-alam na rin sya sakin.

Rewriting every PageWhere stories live. Discover now