PAGDAAN NG PANAHON II

Start from the beginning
                                    

MEMFES:Ayos lang ba kayo diyan?

BARBARO 1:Oo Rehav avisala eshma sa pagpapatuloy sa amin!

MEMFES:Walang anuman pagkat tungkulin namin na pagsilbihan ang aming nasakupan.

ALENA:Siya nga pala nakakain na ba kayo?

Sumagot ang paslit na anak ng babaeng Barbaro.

BARBARO 2:Oo Hara,ang sarap nga ng pagkain niyo dito!😁

ALENA:Mabuti naman kung ganon,ano nga ba ang iyong ngalan?

MIGUEL:Ako po si Miguel!😃

ADAMUS:Ikagagalak kong makilala ka Miguel gusto mo bang pumunta tayo sa aking silid para maglaro?

MIGUEL:Kung papayagan ako ni Yna.(Sabay tingin niya sa kanyang Yna)

BARBARO:Nakakahiya naman sa inyo Hara at Rehav.

ALENA:Ayos lang na maglaro sila sa silid Adamus.😊

ADAMUS:Yehey! Tayo na humawak sa aking balikat!

MIGUEL:Sige..

Nag-ivictus na sila patungo sa silid ni Adamus.

MEMFES:Ano pala ang iyong ngalan encantada?

ROSA:Ako si Rosa Rehav..

MEMFES:Kinagagalak kong makilala ka Rosa mauna na kami ni Alena.

ROSA:Sige mag-iingat

Habang naaliw kami ni Alena na nakikipagkwentuhan sa mga encantado na bago pa lang namin nakilala may sumigaw na isang kawal na....

KAWAL1:May mga vedalje!

Sa di kalayuan ay nakita namin si Agatha kasama ang isang pulutong na kawal at mga halimaw na paparating agad kong nilapitan ang aking Mashna na ipasok sa loob ng palasyo ang mga babae at mga bata at maghanda habang si Alena ay inutusan niya ang kanyang brilyante na maghatid ng mensahe sa iba naming kamag-anak nang saganon ay malaman nila ang nagaganap

MEMFES:Estasectu!

Ng makarating na ang panig ni Agatha ay pinilit nilang sinira ang pananggalang na inilagay ng magkakapatid at pinatikim naman sila ng kapangyarihan nito pagkat nilagyan ito ng enkantasyon na kung sinong mapagpanggap at nilalang na maitim ang budhi ay itataboy gamit ang kapangyarihan ng mga brilyante na inilagay sa pananggalang kaya napaslang ang ilan nilang mga alagad..

ANDORA:Tanakreshna!

Pagdating ng ilang segundo lang nakarating na ang aming mga kapanalig kasama ang kanilang mga kawal..

PAOPAO:Hoy!huwag niyo nang piliting pumasok pagkat hindi mangyayari ang inyong nais!

ANDORA:Kung ganon ay gagawa ako ibang paraan para makalaban.

Uutusan sana ni Andora ang aming mga isipan upang kami ay pag-labanin ngunit hindi ito tumalab pagkat tinawag ni Paopao ang kanyamg dragon na si Jahed upang protektahan ang aming mga isipan.

PIRENA:Mga pashneang ito ayaw pa rin magsitigil!

ALENA:Kung ganon ay oras na upang lumusob.

MEMFES:Tama ka diyan Mahal!

MEMFES:AGTU!

Lumabas kami ng pananggalang upang labanan ang mga vedalje nagtawag naman ng alagad na halimaw sina Criselda at Andora ang mga kalaban hindi rin nagpahuli si Alena tinatawag niya si Aqua ang kanyang dragon ng tubig upang harapin ang halimaw ni Criselda na gawa sa tubig habang ang dragon naman si Paopao ang humarap sa halimaw ni Andora na gawa sa maitim na usok.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now