#1 Placebo (One)

6 2 0
                                    

One: Butterfly Effects

"Blood is thicker than the water"

"Isasama pa ba natin to?"

Tumango ako bilang sagot, agad nilang binuhat ang cabinet na ilang years ng hindi nalilinisan pati din ata mga laman nito hindi din nagalaw "Sir sa inyo po ata to" inabot niya sa akin ng isang kulay blue na shoebox. Ngumiti ako, "sa kapatid ko to."

Kinuha ko ito at binuksan, pinigilan kung wag umiyak ng makita ko ang laman nito. Mga pictures naming noong bata pa kami, kumuha ako ng isa. Naalala ko kinunan ito noon birthday namin. "Sir, iwan ko po ba dito yung karton na to?" Napalingon ako sa delivery man na hawak ang isang karton na puno ng gamit ng kapatid ko, "iwan mo na dyan, ako na ang magbibitbit niyan. Mauna na kayo doon sa apartment ko, nandoon naman si Mommy."
Tumango sila at umalis na.

Napatingin ako sa paligid ng dati naming bahay at napabuntong hininga, ang dating masayang bahay ay ngayo'y puno na ng kalungkotan. Tumayo ako at bubuhatin sana yung karton pero may napansin ako na black paper bag na nasa loob nito. Kinuha ko ito dahil naalala kong yung sa hawak ng kapatid ko nung araw na yun. Agad ko itong binuksan, ngayon ko lang talaga ito hinawakan dahil sinisisi ko ang sarili dahil sa nangyari. Isang necklace na may pendant na susi at white envelope. I smiled "To my dearest brother"

Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay unti unti ng tumulo. Niyakap ko ng mahigpit ang necklace, kahit na palagi ko siyang inaaway kahit alam niyang galit at naiingit ako dahil nasa kanya ang lahat ng pagmamahal nila mama at papa tinuturing niya pa rin ako bilang isang kapatid. Ni minsan hindi siya nagtanim ng sama ng loob. Kung pwede ko lang sanang maibalik ang oras sana napigilan ko ang nangyari.

Agad kung pinakalma ang sarili at pinilit na tumayo. Binuhat ko ang karton na naglalaman ng lahat ng gamit ng kapatid ko. Tiningnan ko sa kahuli hulihan ang boung bahay. Paalam na kahit paano may mga masasayang alaala ako dito.

»»»»»

Pagkadating ko ng apartment, nadatnan ko si Mommy na nakaupo handang hawak ng picture ng kapatid ko. "Mom" pagtawag ko sa kanya at napalingon siya sa akin. "L-lost" aniya at bigla na lang siyang umiyak, napangiti ako ng mapait pangalan yun ng kapatid ko. "Mom, ako to si Trust." I said.

"I'm sorry, magkamukha kasi kayo ng kapatid mo" niyakap niya ang litrato ni Lost.
Umupo ako sa tabi niya at tahimik ko lang siyang pinagmasdan. Ito yung kinakaingitan ko sa kapatid ko, minsan hinihiling ko ng mamatay siya pero nagkatotoo mismong sa harapan ko pa. "Mom, pwede na ba kayong magbalikan ni Dad" napatigil siya.

"Alam mo na namang wala ng pag-asa" tumayo ito . "But Mom-"

"My decision is final! Tapos na ang lahat samin" sabi niya bago umalis. Napabuntong hininga ako at napatingin sa litrato ni Lost. Kung dati inisip ko na siya ang may kasalanan ng lahat ngayon sarili ko na ang sinisisi ko.

Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at pumikit, sana panaginip lang lahat-

"Trust pssst! Wake up! Hoy" teka bat parang narinig ko ang boses ni Tea. "Hoy! Tukmol! Gising na dyan lagot ka na mamaya kay Miss Sanchez!" Pagbulong niya. Naramdaman kong may sumipa sa paa ko "Ano ba Tea! Ang-"

"Mr. Ramirez" napatingin ako sa boung paligid, bakit nasa School ako. "Y-yes ma'am." Nauutal kong sabi. "Detention." Aniya. F*ck!

Paupo na sana ako ng biglang akong may naalala"Tea, anong araw ngayon?" Tanong ko.
"Bakit? Atsaka umupo ka na muna lalong magagalit sayo si Miss Sanchez." Bulong niya sa akin. "Sabihin mo muna kung anong araw ngayon?!"

"April 15." Agad akong tumakbo palabas ng classroom, narinig ko pang tinawag ako ni Tea pero hindi ko siya pinansin.

Tumigil ako sa pagtakbo ng makarating na ako sa building kung saan siya. Napangiti ako ng makita ko ang kapatid kong masayang nakikipaglaro sa mga kaklase niya. "Lost, nandyan ang kakambal mo." Narinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan niya kaya agad akong nagtago sa likod ng pinto. "Wala naman! Baka ibang tao lang yung nakita mo." Aniya.

Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin na sobra ko na siya namimiss pero wala akong lakas ng loob para gawin to. "So ito pala ang dahilan kung bakit mo ako tinanong kanina?" Muntikan na akong mapasigaw dahil biglang lumitaw si Tea sa harapan ko. "Hindi"

"Eh ano?" Hindi ko na siya pinansin at patuloy na pinagmasdan si Lost. Napatingin siya bigla sa pwesto namin at ngumiti saka kumaway. Ito yung pinakanamiss ko sa kanya, yung pagiging masayahin niya. Bigla saying tumayo at lumapit sa akin. "Kuya, anong kailangan mo?" tanong niya sa akin. Gusto ko sanang ngumiti pero baka magtaka siya kaya poker face muna ako. "Mamaya sabay tayong umuwi aantayin kita sa gate." Kalmadong sabi ko. Lumawak ang ngiti niya. "Yun lang ba?" Tumango ako bilang sagot. "Sige alis muna ako." Pagpaalam ko at hinila si Tea.

Pagkatapos ng last subject ko ay agad akong nagpaalam kay Tea at tumakbo papuntang gate. Nakita ko siyang nakasandal sa pader. "Kuya!!" Tumakbo siya papunta sa akin. "Para sayo to" inabot niya sa akin ang isang paper bag pero hindi ko muna tinanggap. "Mamaya muna ibigay yan sa akin kapag nasa bahay na tayo." Sabi ko at naunang maglakad at sumunod naman siya sa akin. Tahimik lang kaming naglalakad pauwi ng bahay, nang makarating lang sa pedestrian. Tinginan ko muna ang magkabilang side mahirap na baka may mangyari. "Tawid na tayo?" Hahawakan ko sana ang kamay niya pero nauna siyang maglakad. "Sandali lang Lost-" screeeeeech

Napatulala ako, ito na ang pangalawang beses na nakita kong nakahandusay sa gitna ng daan ang kapatid ko na naliligo ng sarili niyang dugo.

"Trust pssst! Wake up! Hoy" naulit na naman.

»»»»»»»»»»

Chain's note:

G'day Mates! I'm back!!!
Miss me? 😂😂😂
Bagong stories na naman masyado kasi akong nainspired sa isang Webtoon (Save me) hehe
So bumalik na nga ako but I'm not sure kung makaka-update ako araw araw (medyo busy)
But promise magsi-stay na ako
Marami pa akong drafts I make sure na ia-update ko pa yung ibang stories ko
Ciao! This is Claim
Login again as a Wattpad writer

RewrittenWhere stories live. Discover now