"Hindi si Gigi ang pinagtatawanan ko. Hindi rin 'yung sitwasyon. Natawa ako sa mama n'ya. Muk'ang tanga lang kasi. Ang...ipokrita, para s'yang tanga kanina.

"Sabi ni Gigi, sobrang thankful s'ya sa mama n'ya dahil tinanggap s'ya nung umamin s'ya, kinunsinti pa s'ya na mag-party. Nakakatawa kasi, may kundisyon pala. Okay lang maging bakla basta hindi ka astang parlorista." Nakarating sila sa swimmingpool area. Naupo siya sa isa sa mga recliners doon.

Ty sat opposite her, "Akala ng mama n'ya, bakla si Jamie pero pormang lalaki pa rin. 'kala ko rin ganun. Nagulat rin ako." Amin nito.

"Nakakalungkot lang kasi."

"Pero tawang-tawa ka."

"Sa sobrang lungkot , natawa ako. Nag-come out na si Gigi, lumabas na s'ya sa closet n'ya. Pero ang mama n'ya at tayong mga kagaya ng mama n'ya, nasa closet pa rin."

"Wow." Sabi ni Ty. "To some degree, guilty ako. I don't consider myself homophobic, but.. I dunno. I admit, na-bad trip ako nung malaman kong bakla si Jerome. Lagi kong nakakasabay sa shower 'yun, eh. Nakakalaro kasi namin sa basketball, kami nila Sean. So, minsan, sabay-sanay kaming nagsa-shower after. Wala na 'kong tinago tapos malalaman ko he's gay. Parang...ang shit lang. Alam n'ya itsura ng junior ko."

Natawa si Paige, "Hindi naman siguro n'ya ido-drowing at lalagyan ng caption, double Ty."

He chuckled and high-fived her, then turned serious, "Yun siguro ang pinakahirap gawin, I admit. 'yung ilagay sa isip na hindi naman sila sexual predators, na porke nakita n'ya kaming nakahubo't hubad eh, pinagnanasaaan na n'ya kaming lahat. Pinagpapantasyahan. Hindi ko alam. Pwedeng totoo, pwedeng hindi. What I know is, hindi na 'ko sasabay sa kanya mag-shower kahit kailan."

Napangiti si Paige. Ty's honesty reminded her of Nicko's. Mas emotional lang si Nicko. Ty was cool and collected. Mas mahirap basahin kaya siguro maa-appreciate mo talaga when he was being honest like now.

"Ganyan rin siguro mararamdaman ko kung---" Hindi niya naituloy. Tumunog ang cell phone ni Ty.

"Excuse." Anito bago iyon sagutin, "Amber, whazzup?" Nakinig ito. Then, "Aw, shit. Okay. I'll check it out. Thanks." Tumayo na ito, "Tinatanong daw ng guard kanino 'yung Montero na naurungan sa parking, baka raw sa 'kin sabi ni Amber. Check ko lang."

"Sige. Dito lang muna ako." Dahil hindi naman talaga siya mahilig sa party. Mas gusto niyang iyong mga intimate na umpukan ng magkakatropa. Curious lang siya kung ano ang ganap sa coming-out party. Curious rin siyang makita ang iba pang kakilala nina Amber. Sa ganoong paraan, mas makikilala niya ang mga Solano.

At gusto rin niyang isuot ang bestidang binili ni Amber para sa kanya. Wala siyang perfect shoes para doon pero nang isuot niya ang ever reliable niyang white sneakers, bumagay rin sa damit.

Soulmate nga yata niya talaga.

Ni-replay niya ang video nang maiwan na siya ni Ty doon. Sumandal na siya sa recliner at itinaas ang mga paa. Hindi na siya natawa kaparis kanina. Nangingiti na lang siya.

Nag-text siya kay Mamsh at inenclose ang video. Deactivated lahat ang social media accounts niya dahil, siempre, ayaw niyang malaman ng kahit sino dito sa Pueblo kung sino talaga siya. Kahit ano'ng search ang gawin nina Amber, wala ang mga iyong makikita tungkol sa kanya at kay Nicko.

"Hi."

Napaigtad si Paige sa gulat, "Oh, h-hi."

"No, no, don't get up." Sabi ni Ollie at balewalang naupo sa recliner.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now