Chapter 3: Meet the New Student

149 9 3
                                    

Kevin’s POV

Andaming humarang na students sa akin pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng kotse. Parang artista lang eh.

Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Haha. Sabagay, ngayon lang naman ako napadpad dito. *grin*

Ako nga pala si Kevin Xavier Park, 15 years old. I’m half-Korean, half-Filipino. I was born and grow up here in the Philippines. Pero pabalik-balik ako ng Korea. Katulad last year, pinapunta ako dun ng parents ko kasi gusto nila ako tumino. Di kasi ako nag-aaral ng maayos. Eh sa tinatamad ako, magagawa nila? Haay! Kaya yun! Dun ako pina-aral sa Korea last year para daw makita nila ako. Bihira kasi sila umuwi dito sa Pilipinas dahil andun yung business namin sa Korea kaya di nila ako nasusubaybayan. Mas gusto ko nga yun kasi nagagawa ko lahat ng gusto ko. Walang kokontra.

Di din naman ako tumino dun. Asa pa kasi sila eh. Kaya heto ako ngayon. Hello Philippines ulit! Ayaw sana ako pabalikin ni Dad pero pinilit ko Mom ko na pabalikin na lang ulit ako dito kasi ayaw ko dun eh. Tsaka kaya ko gusto bumalik dito kasi andito yung girlfriend ko. Edi hindi sana kami ngayon kung di ako bumalik.

“New student siya? Ang gwapo.”

“Oo nga. Ano kayang section niya?”

“Sana maging classmate ko siya.

Oo new student ako. Dito na ko nag-enroll kasi dito nag-aaral yung girlfriend ko. Ayaw ko na din sa dati kong school. Madami akong kaaway doon. At tsaka di na din ako tatanggapin doon kasi madami na akong records. Pasaway eh.

“Mr. Kevin Park?” may lumapit sa aking babae. Teacher yata.

“Yes?”

“The principal wants to see you before you go to your class.”

“Oh okay.” Ano kayang kailangan ni Tita sa akin? Yeah tita ko principal sa school na to. Kaya nga natanggap ako ditto kahit madami akong bad records.

--Principal’s Office--

“Kevin, gusto ko lang sabihin sayo na kaya kita tinanggap dito ay dahil sa parents mo.”

“Alam ko naman yan Tita.” Hindi naman na niya kailangang sabihin yun eh. Ipamukha niya pa sa aking wala na talagang tatanggap na school sa akin maliban na lang kapag hiniling ng parents ko.

“Alam mo naman pala eh. Kaya kailangan mong magpakatino. Hangga’t nandito ka sa eskwelahang ito kailangan ayusin mo pag-uugali mo. Naiintindihan mo ba ako?”

Ayan na naman yang pagpapakatino na yan! Alin ba sa hindi-ko-kayang-magbago ang hindi nila maintindihan? Ganito na ako. Wala na silang magagawa.

Kaso baka pag hindi ako umoo dito kay tita ngayon, baka paalisin ako dito. Hindi pwede kasi andito girlfriend ko kaya o-oo na lang ako.

“Oo na lang. Tss. Ano ba section ko?”

“Dahil transferee ka at pangit ang records mo sa dati mong school, sa last section kita nilagay.”

What?! Last section? The heck! Eh sa dati kong school di naman ako sa last section. Ahh! Pano na yan. Yung girlfriend ko nasa special class. Tss. Nakakahiya naman ‘to.

“Bakit last section? Tita naman. Di naman ako ganun kabobo ah.” Di naman talaga ako bobo. Matalino kaya ako. Tamad lang talaga akong mag-aral.

“Wag ka na magreklamo. Buti nga tinanggap na kita. Tsaka wag mo din palang kalimutang kailangan mong sumali sa varsity. Bahala ka na kung san ka sasali. O sya sige na umalis ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo.”

Haay. Sige na nga hayaan ko na lang. Magtatry-out na lang ako sa basketball. Yun lang kaya ko eh. Wala na din naman akong magagawa kundi sumunod.

Lumabas na ako at  dumiretso sa classroom namin.

Why Can't You Love Me More Than This?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon