Chapter 15

409 7 5
                                    

SANDALING iminulat ni Jarred ang kanyang mga mata. Napansin niya ang isang lalaki na nakaluhod sa kaliwa niyang katawan. Kulay mais ang buhok nito, patulis ang mga tenga at ang mga mata ay kahalintulad ng sa ibon. Nakadampi ang mga palad nito sa ibabaw ng kanyang dibdib.

Pumalibot sa katawan ni Jarred ang kulay luntian na liwanag.

"Ikampante mo lamang ang iyong sarili. Paghihilumin ko ang mga sugat mo. Mabuti na lamang at agad kitang natagpuan." wika ng lalaking ito.

Nakaramdam naman ng maginhawang pakiramdam si Jarred. Unti-unti nang nawawala ang sakit na nararamdaman niya. Muli niyang ipinikit ang mga mata.

***

NALAMAN na rin ni Mark ang mga pinagdaanan ni Sander. Nabatid niya iyon nang ikinuwento ni Sander ang nangyari sa barrio nila.

"Kung gano'n, isa ka pala sa nakaligtas sa inyong barrio. Nabalitaan ko nga ang nangyari doon. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa mga magulang mo at kapatid." ani Mark. "Kung wala ka namang ibang matitirahan, maaari ka munang tumuloy dito sa bahay ko. Welcome ka dito Sander."

"Maraming salamat kuya Mark."

Tinapik ni Mark ang balikat ni Sander.

"Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mga mahal sa buhay. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Balang araw ay makakabangon ka rin sa masalimuot na nangyaring ito sa buhay mo."

Marahan na lamang na napayukod si Sander. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya matanggap ang mga nangyari.

MAKALIPAS ang ilang oras ay umalis na si Mark upang magtungo sa eskuwelahan na kanyang pinagtuturuan bilang isang P.E. teacher.

Bago umalis ay binilinan nya si Sander na huwag magpapapasok ng kung sino-sino sa bahay.

Matapos iyon ay naglakad na siya paalis.

Habang naglalakad ay may napansin si Mark na isang lalaki na nakatayo sa harap ng isang bahay. Maitim ang balat nito at medyo kulot ang buhok. Ngayon lang nakita ni Mark ang lalaking iyon.

Titig na titig ito sa bahay na para bang sinusuri ang loob niyon.

Agad na naghinala si Mark na baka magnanakaw ang lalaking iyon.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan? Magnanakaw ka 'no?" sita nya rito.

Napalingon sa kanya ang lalaki. Matiim itong tumitig sa kanya at pagkatapos ay naglakad ito paalis na parang wala lang.

Sinilip naman ni Mark ang bahay na tinitignan ng lalaki kanina. Wala naman siyang makitang bagay na maaaring pagkainterisan ng lalaking iyon.

Tatalikod na sana sya ng may lumabas mula sa pinto ng bahay. Isang babae at mukhang nagdadalangtao ito.

Biglang kinutuban ng masama si Mark."Ang lalaking iyon? Hindi kaya--"

***

NAGLALAKAD sa gitna ng kagubatan sina Marine at Leo kasama si Mang Nestor. Papadilim na ang daan pero patuloy pa rin sila sa paglalakad. Naramdaman kasi nila ang malakas na kapangyarihang inilabas ng metaphor ng lupa. Alam nila na hindi galing sa kalaban ang kapangyarihan na iyon. Mula ito sa ibang nilalang at natitiyak nila na ito ang nahirang ng metaphor ng lupa upang maging kinatawan nito. Isa pang Metamorphosist.

"Galing sa malayo ang kapangyarihang naramdaman natin kaya mahihirapan tayong malaman ang eksaktong lokasyon nito. Bukod pa roon, maaaring naramdaman rin ng mga kalaban natin ang kapangyarihan ng metaphor ng lupa kaya dapat tayong mag-ingat." turan ni Leo.

"Alam ko, Leo. Kung napili na nga ang nahirang ng lupa, kailangan na natin syang matagpuan bago pa tayo maunahan ng mga kalaban. Alalahanin mo, Leo, maging si Sander ay walang nagawa upang talunin si Nexus kahit pa nagamit na nya ang ganap na Metamorphosis noon." saad naman ni Marine.

Nagpatuloy sila sa paglalakad nang bigla na lamang umimpis ang isang nakakakilabot na kulog kasunod ay ang pagdaan ng isang matalim na kidlat sa gawi nila.

"YUKO!!" agad na sigaw ni Leo. Mabilis nyang nahila pababa sina Marine at mang Nestor kaya hindi sila natamaan.

"Magaling ang iyong pandama. Mahusay ka at nailagan mo ang una kong pag-atake." bungad ni Nexus sa kanila habang kumikislap pa ang isang kamay. Sa likod nito ay si Silva.

Nabigla naman sila Marine.

"Hindi maaari ito..."

"Hindi ko inaasahan na makakadaupang palad ko dito ang prinsesa. Haha! Akalain mo nga naman, matatagpuan ko pala kayo dito. Pero sa pagkakataong ito, HINDI KO NA KAYO PATATAKASIN PANG MULI!"

Sinenyasan ni Nexus si Silva. Agad naman itong tumalima. Kumumpas ito at sa isang iglap ay naglitawan ang mga itim na usok sa paligid. Pumalibot ito sa kanila. Tila wala na nga silang takas ngayon.

~>Itutuloy . .

"METAMORPHOSIS"  by: DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon