Chapter 1::

31 0 0
                                    

"HAAAYY..." it was the third time she sighed.

"Honey, I'm sorry, don't worry, aalis ulit si daddy at hindi ako uuwi ng hindi ko nabibili ang red dress na sinasabi mo."

It was her dad trying to pacify her. Kauuwi lang ng mga ito mula sa isang out of town trip at kaagad ay hinanap na niya ang inaasahang pasalubong - ang red dress na nakita niyang suot ng kaklaseng si Pamela.

"But I've waited for three long days already, dad!" she winced.

"Yes, honey but your daddy is getting old and you have to accept that, nakalimutan ko talaga ang bilin mo and I'm so sorry..."

"See? How come you're telling me you missed me when you forgot bringing me pasalubong?"

"Okey, okey, ganito na lang, honey, ask your mom for your allowance and go gather your friends and go out, bring them along and watch movie. How about that?"

Napangiti siya. Hindi talaga siya matitiis ng ama. "Oh, I love you so, daddy! I'll call my friends now and I'm sure they're gonna like your idea! Thanks dad, I love yah!" siniguro pa niyang may tunog ang halik na ibinigay sa kaniyang ama.

Hindi nalingid sa kaniya ang pag-iling ni Yaya Aning at ng kaniyang mama pero hindi na niya iyon pinansin.

Bunsong anak ng mag - asawang Mirah at Ruel Mercado si Mariele. Ang ama nito ay may pagaaring advertising company samantalang ang ina naman nito ay may dalawang boutique ng jewelry na hinahango pa nito sa bansang Italy.

Sa estado ng buhay mayroon si Mariele ay hindi nito kailanman naranasan ang mahirapang kuhanin ang lahat ng bagay na maibigan nito. Mula sa mga signatured bags, shoes, watches, jewelries hanggang sa mga simpleng belt at school stuffs ay hindi maikakaila ang estado nito sa pamumuhay.

Thus, everybody considered her a princess.

Spoiled brat sa iba.

Bratinella sa kaniyang mga kaibigan.

At dahil nakikita nitong bentahe iyon mga babaeng ka-edad nito, tuluyan na ngang pinanindigan ni Mariele ang pagiging spoiled brat.

Nang may nakita itong red dress na suot ng isang kaklase ay agad nito iyong hiningi sa mga magulang. That's how simple life is for her. And she simply enjoyed it!

Nasa Unang Taon na ng High School sa isang pribadong paaralan sa bayan ng San Sebastian si Mariele.

Ang kapatid nitong si JM ay nasa huling taon naman sa mataas ring paaralang iyon. Sa magkapatid ay higit na kapansin - pansin ang pagiging malambing ni Mariele sa mga magulang.

Maging ang Ninang Weng at Ninong Simon na kapitbahay ng mga ito sa subdibisyong iyon ay malimit sabihing nais din nilang magkaroon ng isang babaeng anak na kagaya nito.

Isa lang kasi ang anak ng mga ito at lalaki pa si - Justin o Jat kung tawagin, ang kaklase at kaibigang matalik ng kuya Jm ni Marielle.

Malimit ay inaasar ng dalagita si Justin at kahit pa nga sinasabihan ito ng ina na tawagin ng Kuya ang kinakapatid ay hindi ito sumunod. At hindi ito nahihiyang sabihin sa mga magulang ang dahilan - crush nito si Justin at hindi nito maaaring ituring na kapatid kahit kailan ang lalaki!

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon