Chapter 37: Threats

1.1K 15 3
                                    

A/N: Hey dur! We're down to the second conflict. Hehe. A JaRick and PatRice chap! :)) Here we go..

Janess' POV

Huhu. Ayoko na. Minaltrato ako ni Lance kagabi pagkadating nya. Ano bang masama kung pinagtawanan ko sya kahapon? Ang panget naman kaseng tignan kung yung dalawang sadista na sweet. Hay. Sakit tuloy ng katawan ko. Ikaw ba naman hampasin ng ilang beses, di sasakit ang katawan mo?

Tsk. Kala ko ba sweet na sila ni Jerome? E bat sadista pa rin yun?

Sabado ngayon at madami akong gagawin. Putang*na kase ng mga prof e. Kung makapagbigay ng mga schoolworks, wagas.

Tumayo na ko mula sa higaan ko. Gagala muna ako bago ako magpapaka-depress. Kung si Lance nga, nagpunta ng Tagaytay. Wala naman sigurong masama kung pupunta ako ng mall diba?

Naligo ako ng mabilis at nagbihis. Bumaba ako sa baba at nakita ko si Mama, Papa, at Lance na kumakain ng almusal. Umupo ako at nagsimulang kumain din.

"Aalis ka?" Tanong ni Mama. Tumango ako.

"San ka pupunta?" Tanong ni Papa. Anong problema nila?

"Sa mall. Gagala lang." Sagot ko. I heard Lance tsk-ed. Bad trip pa rin ba sya sakin? Grabe naman. Ako na nga na-agrabyado sakin pa galit. Aba matinde talaga.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ni Mama.

"Mga 6 po siguro." Sagot ko habang mabilis na kinakain ang nasa plato ko.

"Agahan mo. Wag ka ng magpa-abot ng 6." Sabi ni Papa. Luh. Lugi ata ako dun.

"Eh? Bat si Lance? Nakaabot pa nga yan ng Tagaytay ee. Tas ako, mall lang, bawal wag gabihin? Pa naman!" Protesta ko. Ipaglalaban ko ang karapatan ko! Lol.

"Eh kase ako, kasama ko si Jerome. Eh ikaw? Sinong kasama mo? Mamaya manakawan ka. Tsk. Wala ka na ngang pera nanakawan ka pa. Baka nga patayin ka na lang nung magnanakaw pag 200 lang makukuha nya sayo e. Tsk." Sabi ni Lance sabay tayo at naglakad paakyat.

"Kaya ko naman sarili ko. Grabe ka--- ARAY!" May tumama kase sa ulo ko. Nakita ko sa lapag yung tsinelas ni Lance. Napatingin ako sa hagdan.

"Kaya pala ang sarili, Janess ah. Talaga lang." Naiiling na sabi ni Lance sabay talikod at lakad na talaga papunta sa taas.

"Eh sa di ko naman alam na may tsinelas na lumilipad sa likod ko ee." Mahina kong sabi. Totoo naman e. May mata ba ko sa likod? Hays.

"Bakit, may magnanakaw bang sa harap mo unang magpapakita?" Sabi ni Papa. Ngayon, alam nyo na kung saan nagmana si Lance sa pambabara. Kaya magkasundo sila ni Papa ee.

"Pag naghanap ba ko ng kasama, papayagan nyo ako?" Atat na atat na kong gumala. Leche.

"Oo. Basta may lalaki kang kasama." Sabi ni Mama. Agad kong tinapos yung pagkain ko. Tinext ko agad lahat ng barkada.

"Samahan nyo ako. Dali. Gala tayo. ㅠ.ㅠ"

Mabilis na sumagot lahat ng "Hindi ako pwede." Aba tang*na naman.  Kaso may isang um-oo. Sya lang talaga out of 5. Bat ba sya lang pwede ngayon? Seryoso?

From: Kendrick

Pwede ako. Tara?

Ano? Payag ba o hindi? Gusto ko talagang gumala. Ayokong humarap sa sandamakmak na gawain na di nakakagala.

To: Kendrick

Sige. Tara.

"Ma, may kasama na ako." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Her Secret Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon