The Final Chapter

206 7 6
                                    

[Perya]

"WOW ang ganda dito" sabi ni jimin yan na amaze na amaze.. natutuwa ako dahil nakikita ko syang nakangiti mamaya kasi baka di ko na makita yan pag sinabi ko na yung totoo sa kanya kaya susulitin ko na. pinasuot ko nga pala sya ng sumbrero at salamin para di sya masyado makilala.

"sabi sayo jimin eh matutuwa ka dito at mageenjoy, so lets gooooo na sumakay na tayo sa mga rides" sabi ni necy kaya hinawakan ni jimin ang kamay ko at hinila sa kung saang ride kami sasakay. sa buong oras na magkasama kami eh hawak hawak lang ni jimin ang kamay ko, di ko alam kung kikiligin ako oh ano ba dapat ang maramdaman ko.

"Renelyn ayos ka lang ba? kanina ka pa tahimik eh"

"ayos lang ako, teka jimin gusto mo ng cotton candy?"

"Oo tara bili tayo"

pumunta kami ni jimin kay manong cotton candy kaso may nakabanga si jimin.

"sorry" sabi ni jimin at tinulungan nya yung lalaki na magdampot ng mga bitbit nya na puro pagkain... ang dami naman nun kaya nya ba ubusin lahat yun? kaya tutulong na sana ako sa pagdampot ng makita ko sya.... di ako makapaniwala sa dinami dami ng tao na makakabanga ni jimin sya pa...

"Jungkook?" bulong ko pero narinig ata ni jimin yun

"kilala mo sya?" -Jimin

nakadisguise din si Jungkook pero nakilala ko agad sya pati sya gulat na gulat ng makita si jimin dahilan para malaglag ulit yung mga pinulot nya.

"Hyung?" sabi ni jungkook at maluha luha nyang yakapin si jimin. si jimin naman di naiintindihan ang nangyayari. ito na ba ang katapusan ng panaginip ko?? masasabi ko na agad sa kanya ang totoo... wala talagang sikretong di nabubunyag. kaya naluha na din ako kasi baka magalit sya sa akin pati na ang kagrupo nya at ng pamilya nya kasi tinago ko sya ..

"hyung, ang tagal ka naming hinanap andito ka lang pala"

"wait lang, renelyn anung sinasabi nya??"

"di mo ba ako nakikilala hyung?? ako to si jungkook"

"wait lang ah di kita maalala eh"

"paanong...."

di ko na pinatapos si jungkook. sasabihin ko na ang totoo, di ko naman kasi alam na dadating agad ang oras na toh, haysus.

"jimin, ah ano kasi, paano ko ba sasabihin??"

"ano ba yun renelyn??"

hinawakan ni jimin ang kamay ko kaya napayuko ako. naiiyak na kasi ako eh.

"jimin di mo talaga ako girlfriend, nagsinungaling ako sayo...." huminga ako tapos iniangat ko yung ulo ko at tinignan ko sya.

"lahat ng sinabi ko sayo kasinungalingan" habang sinasabi ko yun umiiyak ako.

"ano ba pinagsasabi mo renelyn??"

tinignan ko si jungkook pero tahimik lang sya na nanunuod, siguro naiintindihan nya yung mga nangyayari. nagulat ako kasi nginitian nya ako at tumango para bang ituloy ko lang.

"Jimin kasi ang totoo nyan, simula nung mabalitaan kong na aksidente  ang sinasakyan nyong kotse at nawawala ka, sobrang nalungkot ako at umuwi ako dito sa zambales para hanapin ka kasi naisip ko baka andito ka lang at di nga ako nagkamali dahil yung lola ko pa nakakita sayo at nang paguwi ko at nalaman ko yun napakasaya ko nun kaya nung magising ka at wala kang matandaan naisip kong wag muna sayo sabihin ang totoo at ayun nga dapat sasabihin ko na sayo ang totoo mamaya pag uwi natin kaso di ko naman alam na mas maaga papala dadating yung pagsasabi ko ng totoo.... sorry jimin gusto lang naman na kalimutan mo muna pagiging idol mo at sumaya ka, sorry talaga jimin" inaantay ko ang sagot ni jimin pero wala syang sinabi, ang ginawa lang nya eh binitawan nya ang kamay ko at tinitigan ako kaya napayuko ako. Ilang sandali pa nakita ko yung mga paa nya na papaalis na kaya napa angat ako nang ulo, siguro galit nga sya.... anu ba renelyn sino ba naman di magagalit sa ginawa mo... shunga lang nagtatanong pa.. hayyyyy..

My Kpop Idol [BTS JIMIN FANFIC] COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz