Lesson Number Twenty One -2

Start from the beginning
                                    

"Ano'ng mayroon?"

"Lunch. Kibit-balikat na wika ni Rio. "Let's go." Hinawakan nito ang kanyang kamay. Dama niya ang naglalagitikang kuryente nang dumampi ang palad nito sa kanya. Kaagad siyang nagpumiglas.

"Mag-lunch ka mag-isa mo, uuwi na ako." Ngunit hindi siya binitiwan ni Rio.

"Nicz."

"What are you really up to, Rio?"

"I told you, gusto ko lang makipagbati."

"Ang gulo mo, ano? Sinabi ko nang walang dahilan para mag-bati tayo. Ano bang gusto mo? Magpaulit-ulit na lang tayo?"

"Oo, hanggang sa aminin mo na may problema talaga. What are you keeping from me? What's eating you up?"

"Wala nga!"

"Kung wala, eh 'di wala! Kumain na nga lang tayo dahil kanina pa ako nagugutom," ani Rio at hinatak na siya papunta sa loob ng bangka pagkatapos ay pumalaot iyon.

"Teka, Freak! Marunong ka ba nito? Baka mamaya niyan ay tumaob tayo! Patay ka talaga sa akin."

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

Wala talaga!

"Kung sakaling tumaob man ang bangka, you need not worry, I will save you. I will not just be your light but also your savior."

"Tigilan mo ako, Rio Jed. Nagkakalokohan na tayo rito. Aminin mo nga, ano'ng engkanto ang sumapi sa iyo ngayon?" aniya at mabilis na umiwas ng tingin dahil damang dama niya ang paghuhuramentado ng kanyang dibdib. Walang hiya! Wala talagang palya ang ganoong reaksiyon kanyang puso!

 "Kailan mo ba tatanggapin na hindi ako nagbibiro? Isa pa, marunong talaga ako nito, tinuruan ako ni Tatay kanina, "

Mabilis na nilingon ni Monica si Rio, mapaglaro ang ngisi ng loko.

"Tatay?"

"Yes, si Tatay Nico."

"Kailan mo pa naging tatay ang tatay ko?" Lalo lamang lumaki ang ngisi nito.

"Since yesterday," anito.

"Oh, God! Mukhang hindi lang ikaw sinapian ng engkanto, kinulam mo rin yata ang pamilya ko," eksaheradang wika ni Monica.

"You look funny," ani Rio at bumunghalit ito ng tawa, binagsakan niya lamang ito ng masamang tingin.

"Hindi ko kinulam ang mga magulang mo, sadyang charming lang ako kaya kaagad akong nagugustuhan ng mga tao."

"Except me." Mabilis na sagot ni Monica.

"Yeah, except you."  Halos bulong nito saka humugot ng buntong hininga. "Come on, let's eat. I cooked these, pinaghirapan ko." ani Rio.

"Baka naman ma-food poison ako niyan?"

"I will never do that. Minsan lang ako maging masipag, hindi mo pa ako mapagbigyan." tila nagtatampo pa nitong wika. Natahimik lamang si Monica. Inalis na ni Rio ang mga takip ng pagkain at bumungad sa kanya ang inihaw na isda at tinolang manok na pareho niyang paborito.

"How did you..."

"Know?" pagtatapos nito sa dapat niyang sasabihin. "I am resourceful." Ngiting tagumpay nitong wika. Sinakyan na lang niya at trip nito dahil nagsimula nang mag-rumble ang mga alaga niya sa tiyan.

"After this, let's go to SM."

"Ano'ng gagawin natin doon?"

"May bibilhin lang tayo."

"Fine." sagot niya saka kumagat ng inihaw. Hindi na rin niya pinansin pa si Rio habang kumakain.

...♥...

Gabi na nang makauwi sina Monica at Rio mula sa SM. Nagulat pa siya nang puntahan nila kanina ang National Book Store doon, sari-saring coloring and activity books and children's story books ang binili ni Rio, mayroon ding school supplies at art materials. Nakangiting sinundan na lamang niya ito. Mukhang alam na niya kung para saan ang mga iyon at hindi nga siya nagkamali dahil kinabukasan ay maaga silang nagpunta sa lighthouse. Dala-dala nila ang mga pinamili ni Rio, may mga kasama pang damit at laruan. Ilang mabait na engkanto kaya ang sumanib dito?

"Mukha kang baliw, Nicz."

"Tse! Iniisip ko lang ang mga engkantong sumanib sa iyo, ang bait mo kasi lately, masipag at caring, sana, forever na lang nilang possessed ang katawan mo."

Nahinto sa pag-akyat si Rio sa zigzag na hagdan patungo sa parola at binalingan si Monica. Nakakunot ang noo nito.

"Is it really impossible to believe that even the worst person can change? Bakit ba hirap na hirap kang paniwalaan na kaya kong magbago nang dahil sa iyo? You've taught me a lot of things, Monica. You made me believe." 

 ...

MALAPIT NANG MATAPOS!!!

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Where stories live. Discover now