Lesson Number Nineteen- 3

555 8 0
                                    

NAGLALAKAD sa hallway si Monica nang makasalubong niya si Allen, lalapitan niya sana ito ngunit bigla itong tumalikod at lumakad patungo sa ibang direksyon. Malungkot na pinagmasdan na lamang niya ang papalayo nitong pigura.

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang huling beses niya itong nakausap. Sa tuwing tatangkain niyang lapitan si Allen ay umiiwas lamang ito, palagi itong pumupunta sa ibang direksyon. Yayayain pa naman sana niya ito na sabay na lang silang umuwi sa Batangas sa darating na linggo. Ilang araw na lamang ay final exams na, pagkatapos niyon ay magtatapos na ang unang semester. Plano pa naman nila na mamamasyal sila sa sembreak. Ngunit mukhang mag-isa na lamang siyang gagawin iyon.

Nakasimangot na tinungo na lamang niya ang library. Mabuti pang mag-review na lamang kaysa isipin ang malungkot na bagay na iyon... ngunit kahit na ano'ng gawin niya ay hindi iyon mawaglit sa kanyang isipan.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang naging ganoon ang sitwasyon nila ni Allen. They used to have each other. Only each other. At ngayon ay hindi sanay si Monica sa malamig na pakikitungo nito. Hindi siya sanay na wala si Allen, pakiramdam niya ay naputulan siya ng isang binti... nabawasan ng isang mahalagang bahagi ang kanyang pagkatao.

...♥...

"Sabi ko na nga ba, dito kita makikita." Napasimangot si Monica nang mag-angat siya ng tingin. Nasa harapan lang naman niya ang freak na si Rio. Mali nga yata siya ng pinuntahang lugar dahil natunton na naman siya nito. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang makita niya sina Hermione at Rio. Ilang araw na rin siyang sinusundan ng binata ngunit palagi rin siyang umiiwas. Ewan ba niya pero parang palaging nagdidilim ang kanyang paningin sa tuwing makikita niya si Rio, palagi rin kasing sumasanggi sa isip niya ang eksenang iyon.

Tumayo na siya at hinablot ang bag na nasa mesa pagkatapos ay iniwan si Rio. Hinabol lang siya nito tulad ng lagi nitong ginagawa.

"What the hell, Nicz! Ano bang problema mo? May problema ba tayo? May nangyari ba?" Frustrated na sigaw nito nang maabutan siya. Hindi na lang niya pinansin bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

"What did I do? Why are you always running away? Kung anuman iyon, I am sorry. Kahit hindi ko alam kung bakit, I'm sorry. Kahit paulit ulit akong mag-sorry, okay lang basta huwag ka nang tumakbo pa."

"Wala tayong problema, Freak." Mahina niyang bulong.

"Then why the hell are you acting strange? Is it about the kiss? Hindi ko sinasadya iyon. We were both surprised, weren't we?"

"Wala nga tayong problema, ang kulit!"

"Monica..."

"Matatapos na ang semester. Naibalik na ang rank mo. Nanalo ka na sa intercollegiate league. Wala ka ng kailangan pa sa akin, Rio. Wala ng dahilan pa para magsama tayo."

Mabibigat ang kanyang mga balikat nang talikuran niya ito. Seeing Hermione with Rio made her realize what she is to him, he has everything while she has nothing but her silly rank. Minsan ay iniisip niya na sana ay hindi na lang siya naging number one para hindi siya naging tutor ni Rio at nang hindi rin siya napalapit dito. Para hindi nahulog ang kanyang loob sa freak na iyon. Baka sakaling magkaibigan pa rin sila ni Allen. Baka sakaling normal pa rin ang buhay niya. Baka kuntento pa rin siya sa kung ano'ng mayroon siya, because right now... she couldn't be contented anymore, she wanted to be with Rio.

"Ganoon na lang ba iyon, Monica? Tapos na 'yong responsibilidad mo sa akin kaya mang-iiwan ka na lang basta sa ere? Gan'on lang?"

"Oo, ganoon lang. Ginawa ko lang iyon kasi kailangan kong gawin. Pinilit kong pakisamahan ka kahit ayaw ko sa iyo. Wala na akong kailangan pa sa iyo, wala ka na rin namang kailangan pa sa akin. Sa wakas ay makakalaya na ako sa kasunduang ito... makakalaya na ako mula sa iyo. Finally, kay tagal kong hinintay ito," tugon ni Monica. She tried to be as enthusiastic as she could ngunit alam niya sa sarili niya na hindi siya masaya... na hindi niya talaga gusto na mapalayo kay Rio. Pero kailangan niyang gawin.

"Hindi ako naniniwala. Hindi ganyan kababaw ang tingin mo sa mga bagay-bagay, Nicz. Hindi ganyan kababaw ang tingin mo sa kung anong mayroon tayo, sa pinagsamahan natin. Marami nang nangyari, hindi na importante kung paano tayo nagkilala, mas mahalaga ay kung paano natin nakilala ang isa't isa."

"Bakit, Rio? Ano bang mayroon tayo? I am just your tutor, just that." Matigas niyang sabi. She struggled hard to hide the hurt in her voice. Hindi dapat malaman ni Rio kung anong epekto nito sa kanya.

"We are friends."

"No, we're not. I will never be friends with an arrogant person like you." Pagkatapos ay tuluyan na niya itong tinalikuran. She couldn't just be friends with him. She couldn't just risk. Mali kung ipagpapatuloy pa niya ang pakikipag-ugnayan dito.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن