Chapter 3

16K 276 9
                                    

3 am ng magising si Den dahil sa naririnig niyang pag ungol ni aly. Nilapitan niya ito para sana gisingin. Pero ng hawakan niya si Aly, inaapoy pala to ng lagnat.

Nagmamadaling bumaba si Den para kumuha ng tubig at towel pati na din gamot. After niya mapunasan ang katawan ni Aly. Binihisan niya ito ng ibang damit.

Ginising niya na din to para makainom ng gamot.

.

.

Den: Aly? Gising ka muna. Kelangan mo uminom ng gamot para bumaba lagnat mo. Nagising naman si Aly. Inalalayan sya ni Den para makaupo sya sa kama.

Den: Aly, inumin mo na to oh.

Aly: Den, hnd mo na ko kelangan alagaan. Kaya ko na sarili ko.

Den: Sige na aly, inumin mo na to please, para umayos yang pakiramdam mo.

Wala ng nagawa si Aly kundi sundin na lng si Den.

After niya uminom ng gamot ay pinatulog na din sya ni Den. Akmang aalis na si Den ng yakapin sya ni Aly sa bewang.

Aly: Dito ka lang please. Nilalamig ako. Yakapin mo ako kahit ngayon lng. Please Bang.

Masakit man na marinig na iba ang tinatawag ni Aly. Nag-stay si Den para mas maging maayos ang pagtulog ni Aly. Masakit man sa kanya, na sa mga ganitong pagkakataon niya lng nayayakap si Aly. Kuntento na sya sa ganito. Ang mahalin si Aly kahit pa ang kapalit nito ay ang paulit-ulit na pagkasawi ng kanyang puso.

.

.

.

.

.

.

6 am ng magising ang ALE para sa morning training nila.

Jia: Aba, himala. Nauna tayong gumising kay captain.

Mich: Baka hindi nagising sa alarm? Haha. Pati si ate Den wala pa din?

Amy: Ahmm guys. Maybe we should wake them up. We dn't want an extra 8 laps of jogging if we're late.

Ella: Okay sge. Ako na gigising sa dalawang yun.

.

.

.

.

Pagbukas ni ella ng pinto. She literally jaw drop. Seeing Aly and Den hugging each other in the same bed is the least thing she would expect.

At dahil natagalan si ella. Sinundan na sya ng iba pang ALE.

Marge: Ells, manggigising ka lng kelangan may stop over pa sa pinto? Sabay diretso papasok ng pinto. At kung ano ang reaksyon ni ella mas malala naman ang reaction ni marge at ng iba pang ALE.

Amy: Omygaaad! Is this the end of the world?!

Marge: Ano to?! Magic?!

Jia: kelangan kunan ko to ng picture. This is the rarest things that happens in the world. Sabay labas ng iPhone nya at kinuhanan ng sang damakmak na picture si Aly at Den.

.

.

.

Nagising si Aly.

Aly: Anong ginagawa niyo dito sa kwarto? Nagtatakang tanong niya sa mga teammates niya.

Marge: Kami ang dapat magtanong sayo. Anong ginagawa niyo s iisang bed? Sabay ngiti ng nakakaloko.

Napatingin naman si Aly sa katabi niya na nakaunan sa braso niya habang nakayakap sa bewang niya.

Aly: Okay, it's not what you think guys. Nilalagnat kasi ako kagabi kaya si Den ang nag-asikaso sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya andito.

Nagising na din si Den. Biglang bigla siya sa pwesto niya ng magising sya.

Den: Aly, sorry. Dito na pala ako nakatulog. Nanginginig ka kasi kagabi kaya tinabihan muna kita. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Aly: Siguro naman ayos ng explanation yung narinig nyo. Sabay tingin sa teammates niya. Pero hindi nya napansin na hindi nya pa rin natatanggal ang pag kakayakap nya kay Den.

Marge: Okay. That explains it all but not the fact that you're still hugging each other. Sabay alis sila marge ng tumatawa.

Wag na kayo mag training ngayon. Baka mabinat ka.

At alam ko rin na wala pa masyadong tulog si Den.

Kami na bahala magsabi kay coach. Pahabol na sigaw ni Marge bago tuluyang umalis.

.

.

.

.

.

.

.

Den: Sorry talaga aly. Hindi ko sinasadya na makita nila tayo.

Aly: Okay na yun. Sige, maliligo na din ako para mahimasmasan ako.

Den: Sge. Maghahanda na ako ng breakfast para makakain ka at makainom na din ng gamot.

Tumango lng si Aly kay Den.

.

.

.

.

.

Kumakain na sila ng magsalita si aly.

Aly: Den, Salamat pla sa pag aalaga sa akin. Pero hindi mo naman kelangan gawin yun eh. Naabala pa kita.

Den: Okay lng yun Aly. Wala naman sa akin yun.

Aly: Okay sige. Sabi mo eh. Pero Den, hindi ko kasi talaga kayang suklian ang mga ginagawa mo sa akin. Alam mo naman diba na...

Den: Alam ko yun Aly. You dn't need to break it up to me. Because I know that I will never earn that Love from you. But please Aly. Wag mo naman hilingin sa akin na wag kang mahalin. Hindi ko pa kaya ngayon. Siguro dadating din yung time na mawawala yung nararamdaman ko sa ito. Pero hindi pa siguro ngayon. Hindi naman ako huminingi ng kapalit. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka.

Umiiyak na sabi ni Den kay Aly.

Nag-excuse na si Den dahil ayaw niyang umiyak sa harap ni Aly. Naiwan naman si Aly na tulala at speechless. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nasaktan siya nung sinabi ni Den na dadating yung time na mawawala din ang nararamdaman nito sa kanya.

.

.

.

Comment your suggestions guys!

Consistent Love (AlyDen)Where stories live. Discover now