KABANATA 14

12.1K 230 1
                                    

KABANATA 14

Tawag ng tawag si Rage, pero hindi ko sinasagot kahit ang mga text nya ay hindi ko pinapansin.

"Tita, kumusta po pakiramdam nyo?" hinawakan ko ang kamay nya.

"Malakas pa naman ako eh! gusto ko na talagang umuwi na" reklamo nya.

Nangangayat si Tita, at ang buhok nyang nalalagas narin, gusto kong umiyak pero ayaw kong makitaan nya ako nang awa para sakanya, dahil yon ang pinaka ayaw nya.

"Oo Tita malakas po kayo, pero kailangan nyo po munang mag pa opera" sabi ko. saktong dating narin ni Ate.

"Kumusta ang pakiramdam mo Mama?" sabi nya. Halata sa boses ni ate ang pagod. Nilatag nya sa mesa ang dala nyang pagkain. "Kumain ka mona Mama-"

"Hindi na pinakain na ako ni Rose kanina" sabi nya. Lumingon saakin si Ate.

"Ate pwdi bang mag usap mona tayo?" sabi ko.
Tumango sya.

"Sorry Ate, ito lang ang may aabot ko" bigay kay Ate ng kinita ko kahapon at ang sahod ko sa Manuel Tower.

"Wag na Rose nag iipon kapa naman sa pasokan, ayahan mo ako ang mag hanap ng pera-"

"Ate, mahal ko si Tita, mahal na mahal kaya mag hahanap din ako ng pagkakakitaan ng pera." sabi ko "At papasok po ako sa pasokan ate, ako na ang bahala"

Kinagabihan nag trabaho naman ako sa Marlboro girl,  napakalaki ng naitulong saakin.

Kaya kinabukasan puyat nanaman ako. Pag baba ko nang bahay nasa kusina si Ate at nag hahanda na sa pag alis.

"May pagkain jan, kumain ka mona bago umalis" paalala nyang sabi, tumungo ako

"Ingat Ate sa byahe."

may pumasok sa bahay, amoy palang alam kona.

"Rage ang aga mo ah" sabi ko at ligpit sa pigkainan.

"Mag usap nga tayo Rose. May problema ba?" kumabog ang puso ko sa sinabi nya.

'Sinabi ba ng pinsan nya?'

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?alam mo bang nag alala ako sayo!? anong oras ka umowi ka gabi?"

Nilatag ko sa lababo ang pinggan bago sya hinarap.

"May t-tinapos lang a-ako" sabi ko.

"Dapat nag sabi ka! sa susunod mag sabi ka saakin, para hindi ako nag alala ng ganto" sabi nya at lumapit sya saakin bagi ako niyakap.

"Mga alauna wala ka parin dito kagabi, anong oras ka umowi?" tanong nya.

"Hmm, m-mga alastres" mahinang sabi ko.

"Ano bang tinapos mo? at saan?" sabi nya at sulyap sa mukha ko.

"W-wala lang yon" sabi ko.

Lumipas ang araw, at hindi paman alam ni Rage na may problema ako, at wala akong balak sabihin sakanya alam kong nag tataka na sya sa mga kinikilos ko.

"Rose pinapatawag ka ni Rage" dinig kong sabi Sir Brian. Agad akong umakyat sa opisina.

Naabot ko syang may tinignan na papel.

"Pinatawag mo raw ako?" sabi ko.

"Ano to?" seryusong sabi nya at tapon sa lamisa ang mga letrato.

Nilapitan ko para makita. Ako na may ka usap na lalake at inaabotan ng isang segarilyo  
"Rosy, ano to?" tanong nya ulit.

"A-ah-"

"Totoo bang nag t'trabaho ka sa marlboro girl?" galit nyang sabi. "Bakit hindi mo sinabi?" tanong nya.

"O-oo" mahinang sabi ko.

"Bakit hindi mo sinabi?" at lumapit sya saakin.

"M-malapit na k-kasi ang o-opening k-kailangan k-ko ng pera" i lied.

"Gusto mo na bang makuha ang ang nasa kontrata?" sabi nya.

"H-hindi naman sa g-ganon" umiwas ako ng tingin.

"Ibibigay ko yon ngayon, umalis kana sa trabaho mong iyon hindi maganda para sayo" mariin nyang sinabi.

Tumungo lang ako, pero hindi ako aalis doon, wala kong pake kong ayaw nyang nandon ako or what.

"Nag paakyat ako ng pagkain, kumain na tayo" sabi nya at iginaya nya ako sa upohan.

Sa malayong lugar kami napuntang club, kaya safe nang makakapag trabaho ako, si Rage narin ang nag hatid saakin kanina, hinahanap nya si Tita dahil tahimik sa bahay, sinabi kong nasa ospital, nag tanong kong anong ginagawa nya doon, ang sinabi ko lang, may sinamaan sya.

Gaya nang na unang club maganda ang kinita namin.

Pag uwi ko, mag fa-five na kaya imbis na matulog nag bihis na ako para makapasok narin sa trabaho sa Manuel Tower.

Mula sa bintana namin ay kita ko si Rage, agad ko syang pinag buksan.

"Morning" pinasigla ko ang boses ko para hindi makitaan ng pagod.

"Morning, bumili ako kanina nito" at pakita ng mga pagkain.

"Tara sa kusina" tinulongan nya akong mag handa non.

"Maaga ka ngayon ah" sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain.

"Hmm, i have meeting later" simsim ng coffee na dala nya.

"Anong oras ba?" tanong ko.

"7 in the morning"

pag kahatid saakin ni Rage sa tower ay tumuloy na sya sa meeting na sinasabi nya. Kaya nag madali akong umakyat sa opisina nya. Nag paalam akona uuwi na ako.

Hindi kona sya inantay, dahil pupunta pa syang Laguna para sa conference.

Dala ang pera ng pumunta ako sa ospital. Naabotan ko si Ate na natutulog sa may upohan sa tabi ni Tita na natutulog din.

Dala ang pagkain na nilatag ko don sa mesa dahilan ng pagsing ni Ate.

"Kanina kapa?" tanong nya.

"Kararating ko lang ate" sabi ko at na upo narin sa tabi nya.

"Kumain kana ba?" at tumayo sya.

"Oo ate" mahina kong sabi. "Ito nga pala ate" abot ko nang pera.

nang lumingon sya saakin at nakitang makapal ang dala ko, nagulat sya. Hinila nya ako palabas sa kwarto.

"Saan nang galing yag ganyan kalaking pera!?" galit na sabi ni Ate.

"Ate, hindi mahalaga kong saan, ang mahalaga sa ngayon ay maoperahan na si Tita" sabi ko.

"Wag mo sabihing nag binta ka nang loob mong katawan!?" at pasadan ng katawan ko.

Tumawa ako nang mahina "Ate galing iyan sa mabuti" sabi ko.

"Saan?" nagulat ako sa sinabi nya, kong sasabihin kong pinahiram ako ni Rage baka magalit sya saakin, kong aaminin ko naman ang totoo, magagalit din sya, parihas lang kaya mas mabuti nang umamin nalang.

"Binayaran ako ni Rage-"

"Binayaran!? Rose naririnig moba ang sinasabi mo!? anong binayaran!?" galit nyang sabi.

"Ate pataposin mo mona ako." Mariin kong sabi "Binayaran nya akong mag panggap na girlfriend nya"

"Ano?" lito nyang sabi. "Sabi ko na nga ba eh! dapat talaga, naniwala na lang ako sa kutob ko noon pa"

"Ate okay lang atlist nga mao'operaan na si Tita." sabi ko.

"Kulang parin ito, kaya hindi rin natin mapapaoperaan si Mama" sabi nya.

"Huh? bakit?" tanong ko.

"1.5M ang kailangan Rose" at iwas nya ng tingin.

Buy her virginity ( Completed )Where stories live. Discover now