Atty. Leonardo Bulumnig

5 1 0
                                    


Makalipas ang labing-isang buwan

                Atty. Leonora Bulumnig, there's an incoming call for you" sabi ng aking sekretarya. Lumakad ako sa may telepono na hindi naman nalalayo saaking mesa. Dahan-dahan kong tinaas ang telopono at may babaeng nagsalita. "Hello?" sabi ko. "M'am, this is a nurse from the Sebastian Doctors po. Your father, Leonardo Bulumnig, has been rushed to the hospital at 10:00 am due to stroke...". Sa mga sinabi niya, nagsimula na akong mataranta. Binaba ko ang telepono at agad na hinablot ang aking mga gamit. Nagmadali akong ayusin ang mga papelis sa itaas ng aking la mesa at ako'y nagpaalam muna sa aking sekretarya. "Stef, ikaw muna bahala dito. Paki sabi kay Sir Kroso na i-cancel ang hearing ko mamaya o kung kaya, ikaw na ang bahalang pumunta. Sinugod si Papa sa Ospital kaya kailangan ko talagang puntahan". "Ahh ganun po ba m'am? Sige po ako na po ang bahala. Ingat po" sabi nito. "Maraming Salamat" aking sinabi habang nagmamadaling umalis ng opisina. Hindi ko na pinapansin ang aking mga nakakasalubong at kapag binati nila ako ay ngini-ngitian ko na lamang sila. Sumakay ako sa kotse at binilisan ko ang aking pagmamaneho. Tinawagan ko sila Ate't Kuya ngunit hindi nila sinasagot ako kanilang mga telepono. 'Pano na 'to?'  bulong ko sa sarili ko. Hindi gaano ang traffic dito sapagkat tanghaling-tapat ako sumugod sa ospital.
                   Pagkarating ko sa ospital ay agad akong nagtanong sa counter kung saan naka-confine si Papa. Ang sabi ng babaeng nag-aasikaso sa counter ay, "Atty. Balumnig po? He was confined on room B 253". "Maraming Salamat po" at agad akong nagmadaling umakyat ng elevator. Hinanap ko ang room B 253 at laking sagabal na malaman na asa pinakadulo ito. Binuksan ko agad-agad ang pintuan at nakita ko si Papa na nakahiga sa kama. Naka-dextrose siya at naka-angat ang leeg nito. "Pa?" tawag ko sakanya upang malaman kung may malay siya at kung nakikilala nito ang boses ko. "Anak? Leono-aa?" sagot naman nito sa pabalik na malalim na boses. Sumugod ako at niyakap siya sapagkat grabe ang pag-aalala ko. Lumuha ako at sinabi, "Pa naman. Anong nagyari?". "Anak, medyo hindi ko inasahaan ang aking pagtumba sa pagod. Kaya ito, sabi ng doktor na maski kahit anong oras ay maari akong atakihin sa puso dahil sa pagka-stroke ko", at sa mga sinabi niya... eh aba mas lalong lumakas ang aking pag-iyak. "Papa naman eh. Bakit kasi pinapagod mo ang sarili mo?" reklamo ko. "Leonora, kung sakaling matuluyan man ako ay may tatlong bagay kamang akong ihahabilin sayo" sabi ni Papa na mas lalong dumidiin ang bawat salita na kanyang sabihin. "Ano po iyon, Pa?". Tinigil ko ang pag-iyak ko at taimtim akong nakinig sakanyang mga sasabihin. "Unang-una sa lahat, alagaan mo ang sarili at mga kapatid mo. Maging masaya kayo at tandaan niyong mahal na mahal ko kayo. Tuparin ninyo ang mga pangarap niyo at mabuhay kayo sa aking mga paalala. Pangalawa, magtanong na lamang kayo kay Atty. Cruz. Nakasakanya lahat ng detalye at utos kung paano ninyong magkakapatid paghahati-hatian ang aming naipundar ng nanay niyo. Pangatlo, anak... nagmamakaawa ako saiyo" at dito pa ako mas lalong nakinig sapagkat kinabahan ako sa kaniyang sinabing 'nagmamakaawa'. "Ano po ang huli ama?" tanong ko. "Pangatlo ay ipaglaban si... Melinda". "Ho?" tanong ko sapagkat hindi klaro saakin ang utos nito. "Pa sino po si Melinda?" ang sinundang tanong ko. "Mahal ko... kayo" at may tumunog sa ilalim ng kama dahil alog ng kanyang kayawan na senyales ng pag-atake sakanyang puso. "Pa?! Tulong! Pa?! Papa... Pa! Tulong! Nurse!!!". Anong nangyayari? Nagsisigaw ako at pinagpipindot ang pagtawag ng assistance. "Pa?! Papa, wag mo kaming iwan. Kaya mo pa 'to!" sigaw ko habang umiiyak ng sobra. Biglang bumukas ang pinto na may doktor at nurse. "Excuse me m'am" sabi ng nurse  at gumilid ako. Nanginginig sa takot at sakit. Natutulala na lamang ako habang pinapanood na nire-revive si Papa. Nagbibilang ang doktor habang sa tinakpan na ng puting kumot ang muhka ni Papa. "Pronounced dead at exactly 2:09 p.m. due to heart conditions caused by stroke" ang narinig ko na nanggaling sa doktor. Patay na si Papa... Patay na siya. Napaluhod ako at humagulgol ako ng malakas. "Papa? Papa!" at lumapit ako upang yakapin siya. May sumulpot sa aking likuran na tila nagmamadali rin. Si Kuya Liam na naka-uniform pa ng doktor. "Pa? Si papa?" sabi ni Kuya. Tumingin lamang ako sakanya at yumuko sa kamay ni Papa habang umiiyak. Lumapit si Kuya Liam at napaluhod rin siya. Umiyak siya ng tahimik habang niyakap nito ang katawan ni Papa.
                Makalipas ang pagdudusa ay natulala na lamang ako sa sahig matapos dalhin si Papa sa puninarya. Umupo ako sa isang tabi at may mga luhang tumulo saaking pisngi. Inaalala ko ang kanyang mga huling salita. Umupo naman si Kuya Liam saaking tabi at nagbukas damdamin siya. "Doktor ako Leonora... Sa dami ng buhay na aking naisalba, bakit sa sarili ko pang ama ang hindi ko magawang iligtas?". "Kuya hindi mo 'to kasalanan. Oras na niya at makakapahinga na siya. Sa katunayan, ang huling habilin niya ay hindi klaro saakin ngunit huli niyang ipinahiwatig saakin na mahal na mahal niya tayo". "Hindi ko man lang nasabi sakanya na mahal ko rin siya... Oo nga pala. Habilin? Anong mga binilin niya?" tanong ni Kuya. "Una, alagaan ko daw ang aking sarili pati ang aking mga kapatid. Pangalawa, tumawag daw tayo kay Atty. Cruz dahil nagbigay siya ng mga bilin rin din dito at pangatlo ay medyo hindi maayos ang pagkakaintindi ko dito". "Eh ano bang sinabi niya sa pangatlo?". "Ipaglaban si... Menda? Ahh sandali, Melindi pala." sabi ko. "Ha? Sino yun? Baka mali ka lang ng pagkarinig?". "Pwede pero hindi eh. Yun talaga yun. Muhkang yun ata ang pinaka-importante dahil sabi niya ay nagmamakaawa siya ulang tuparin ko yung habilin niyang yun". Tumango na lang si Kuya at napaisip na lamang ako habang nakayuko. "Di mo kaya tawagan si Atty. Cruz ba 'yun?" sabi ni Kuya na tilang napaisip na kakaunti matapos kami magkaroon ng katahimikan. Nginitian ko sya na senyas ng pag-ayon.

-Call with Atty. Cruz-

              "Hello? Ito po ba si Atty. Cruz?" tanong ko na naginginig ng kakaunti ang aking boses. "Yes. Who's this? Where did you get my number?" tanong nito. "Uhm... ako po yung anak ni Atty. Balumnig. He referred me to you and your number was saved on his contacts so I decided to call you after his death this afternoon". "Ah ganun ba? You must be Leonora. Nabalitaan ko nga na pumanaw na ang iyong ama kaninang hapon. Anong maitutulong ko sayo?" alok nito. Bago ako magsalita upang magtanong ay lumingon muna ako kay Kuya Liam at tinaas niya ang kanyang kilay ng makita ang muhka kong pagtataka kung sino nga ang babaeng ito na tinukoy ni Papa. Dahan-dahan ako nagsalita at nagtanong kay Atty. Cruz. "Sino po 'tong babaeng tinutukoy ni Papa na Melinda? Kilala niyo po ba... siya?". "Melinda? Oo". Tumibok ng mabilis ang aking dibdib na parang may mali talaga sa pangalan na 'to.

'sino ka nga ba, Melinda?' bulong ko sa sarili ko.

UNOWhere stories live. Discover now