*Leonora Balumnig's POV*
Isa akong tagahanga ni Papa simula noong ako'y bata. Tuwang-tuwa ako tuwing pinupuri siya ng kanyang mga cliente na pumupunta sa bahay upang humingi ng tulong sakanya. Isang abogado si Papa at ang turo niya saamin magkakapatid ay magserbisyo ng tapat at malinis. Kaya naman si Kuya Liam ay nag-doktor, si Ate Leah ay nag-teacher at ako, nais kong sumunod sa tapak ni Papa at iyon ay mag-abugasya. Ang alam ng lahat ay tatlo lamang kaming magkakapatid ngunit ang totoo ay may mas matanda saakin at mas bata naman kay Ate Leah at Kuya Liam. Si Kuya Luke. Noong nagsimula kasing magbinata si Kuya Luke, naglayas siya saamin at hindi na kami nakarinig ng balita sakanya. Sa kanyang paglayas ay kinasama ng loob ni mama ito, kaya pumanaw siya agad sa edad na 58. Nakakalungkot man na isipin, lagi naman kaming pinapaalahanan ni Papa na kapatid pa rin namin si Kuya Luke.
Mga sumunod na araw, isa na akong graduating student sa Law School at matutupad na ang aking hiling na magtrabaho bilang isang abugado. Kinatutuwa ito ng higit ng aking pamilya lalong-lalo na sila Kuya Liam at Ate Leah sapagkat sila ang nagtustos sa aking pag-aaral. Noong gabi bago ako mag-board exams, napansin kong umuwi si Papa na halos magmamadaling araw na. Medyo matamlay siya at kita ang mga pagod sakanyang mga mata. Hindi ko na sanang nais alamin pa kung anong nagaganap kaya itinulog ko na lamang at nagpanggap na walang malay na umuwi na siya ng mag-uumaga. Lumipas ang 3 araw at nagpatuloy ang pag-uwi niya na halos gabing-gabi na.
Hindi ako nakapagpigil at nagtanong kay Kuya Liam, "Kuya, bat parang napapadalas ata ang pag-uwi ni Papa ng gabing-gabi?". "Sa totoo lang 'so *bunso*, hindi ko rin alam eh." sagot ni Kuya. Pumasok si Ate Leah sa usapan habang nagtitimpla siya ng kape. "Narinig ko siya nung isang araw. Kausap niya si Ninong Eldring. May bago daw siyang hinahawakan na kaso at mabigat ang problema na hinharap ng cliente niya" banggit ni Ate. Nagbuntong-hininga na lamang ako sapagkat nakakaawa naman si Papa. Minsan kailangan rin niya ng serbisyo para sakanyang sarili mismo. Wala namang sigurong mali kung uunahin niya muna ang sarili niya bago siya maglingkod para sa iba.
(June 3 2017)
Araw ng Graduation ko at ang saya! Picture dito, picture doon. Aba, pakiramdam ko nawala na lahat ng pagod ko sapagkat sinagot na ng Diyos ang aking hiling. Makapagtapos at maging isang Suma Cum Laude. Nakakatuwang isipin na dati ay pangarap lamang ito. Nakasuot ng toga at pagkatapos ng seremonya, hinila ako ni Ate at nagpicture kaming apat.
Habang selebrasyon ng aking pagtatapos ay binigyan pa ako ng isang regalo. Isa pang regalo na hindi ko aakalaing matatanggap ko. Iyon ay tawag mula sa aking pinaga-applyan na trabaho. BSB Company! Batas, Serbisyo at Bayan. "Omg!!! Nakapasok ako! Maraming Salamat po m'am. Opo, pupunta po ako diyan sa Lunes" sagot ko sa tumawag mula sa kumpanyang pinapasukan ko. Kinongrats ako ng pamilya ko at grabe sa pakiramdam. Grabe ang pagpapasalamat ko sa Diyos at sa Pamilya ko.
Kinausap ako ni Papa at sabi niya saakin, "Anak, nais kong malaman mo na kinatutuwa kita ng sobra. Higit kitang tinatawag na ganap na Atty. Balumnig!". Niyakap ko siya at sinabi ko, "Pa, hinding-hindi kita bibiguin".
YOU ARE READING
UNO
Mystery / Thriller"Ipaglaban si Melinda". Ito ang huling habilin ng ama ni Leonora sakanya. Nais ng kaniyang ama na ipaglaban ng kanyang anak na abugado ang isang ina na pinagdududahan na pumatay sa sarili nitong anak. Gustuhin mang tanggihan ni Leonora ang utos ng k...
