Chapter 6 (EDITED)

1.8K 70 6
                                    

Satoshi POV

Limang taon na ang lumipas simula ng mawala si Yuki nasira ang buhay ko pero nandyan ang nga kaibigan ko tinulungan nila akong makabangon kung wala sila nasan kaya ako ngayon hindi siguro ako isang CEO ng Company na ito

"pre tara na baka maiwan na tayo ng eroplano" si Jerome kaibigan ko sya yung gumising sakin sa katotohanan na wala na si Yuki.

"pota kinakabahan ako balita kasi na sobrang istrikto daw yung CEO ng Dark Company" kinakabahang sabi ni Clark

"alam mo pare isang kindat ko lng dun sigurado akong pipirmahan nya agad ang contract" Justin ang pinaka mahangin sa aming grupo

"ang hangin mo ihulog kita dito sa eroplano ehh"

"tumahik na kayo hindi na kayo nahiya"

Pagkababa namin sa eroplano kinuha namin ang mga gamit namin at sumakay nasa taxi

"pagkatapos natin magcheck-in kain ns tayo kanina pa ako gutom eh"

"kakakain mo lng kanina ah takaw mo talaga"

"tsk paki mo ba"

"Justin, Clark manahimik kayo o walang kakain" seryosong sabi ni Jerome napatawa na lng ako kasi nanahimik yung dalawa, nakakatakot kasi si Jerome kapag seryoso

"nakakapagod!"

"order lng ako ng pagkain natin" ani ko

"sige"

Pagkatapos naming kumain pumasok na kami sa kanya-kanyang kwarto namin, napaka mysterious nung CEO ng Dark Company hindi namin alam ang gender pati itsura hindi din namin alam sabi nila tanging board members lng ang nakakaalam ng itsura nito

Kinabukasan naisip naming mamasyal tutal bukas pa naman yung meeting namin

"ang daming chicks!!" natutuwang ani ni Justin, tsk chick boy

"tara mag-bar mamaya tutal 12 pm pa naman ang meeting natin" aya ko

"sige basta wag tayong iinom ng madami" Jerome said

"yes sir!" kaming tatlo

Nasa bar kami ngayon at syempre si Justin hindi nawalan ng babae grabe pati dito dinala ang pagiging malibog hindi na nahiya samin, si Clark naman busy sa pagkain habang kami ni Jerome wala tahimik lng nagmamasid

Napatingin ako sa second floor ng bar may nakita akong babae parang pamilyar sya sakin parang si Yuki?

Nababaliw ka na naman Satoshi matagal ng wala si Yuki at isa pa ang layo nung dalawa

"naalala mo na naman si Yuki noh?" tanong sakin ni Jerome

"hindi ko pa din sya nalilimutan mahal ko eh"

"Sato try mo kaya na makipag-date baka sakaling mawala si Yuki sa isip mo"

"hindi ko kaya para akong nagtataksil sa kanya"

"nag-suggest lng naman ako nasa iyo kung gagawin mo o hindi"

Napabuntong hininga na lng ako ang hirap mag-move on

"nga pala balita ko pupunta dito si Athena, nasundan ka pre"

"sino naman nagsabi sakanya na nandito ako"

"aba malay ko, good luck hahaha alam mo namang patay na patay sayo yun kahit saan ka yata pumunta nandun din yon"

Kahit kelan talaga hindi ako titigilan nang Athena na yan ilang beses ko ba sasabihin sa kanya na kahit kelan hindi magiging kami. Sya ang may kasalanan kung bakit nawala sa akin si Yuki, hinding hindi ko sya mapapatawad

ᴍs.ᴘɪɢɢʏ ɴᴇʀᴅ ᴛᴜʀɴ ɪɴᴛᴏ ᴀ ʜᴏᴛᴛɪᴇ ᴄʜɪᴄᴋTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon