Chapter 8

90.2K 5.4K 1.7K
                                    

Chapter 8: Stare

It almost became a routine. Halos araw-araw kaming sumasakay ni Rich sa bangka at minsan na rin kaming nangisda. It was fun! Rich never bored me. Medyo pilyo rin pala ito. I would lie if I saidy didn't enjoy it. I did. This place was not bad at all.

Hindi na rin ako kinulit ni Tita Minerva na magsabi sa kanya ng mga ginagawa namin habang wala siya.

"I trust you, Amira. Alam kong hindi mo sila ipapahamak." Naalala ko pa kung paano niya sinabi 'yon habang nakangiti. "Mukhang masaya rin sila na andito ka. I couldn't ask for more. Iniisip ko kung paano ako makakabawi sa 'yo."

Kasalukuyan akong nakikinig sa kanta habang nakahiga sa kama. Kaaalis lang ni Tita Minerva. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng kambal. Malamang na nagbabasa si Rich at ang isa naman ay nanunuod sa TV.

Nang mabagot sa pase-cellphone ay bumangon ako sa kama at sumilip sa labas ng bintana. Sariwa ang hangin galing sa labas. Mula rito ay tanaw ang malaking puno kung nasaan ang maliit na bahay. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay andoon si Arch, nakasilip sa bintana at nakatanaw sa malayo. He was probably staring at the lake from afar.

I watched how he closed his eyes when the wind puffed. He looked calm.

Well, I am calm, too. We are both calm without talking to each other. It's better this way.

It's been almost two weeks since the last time we talked. I am glad he is true to his words. It's just... I'm scared when I am with him. Hindi ako mapalagay kapag kausap siya, kapagnagtatagpo ang mga tingin namin. It felt like my body could detect danger and he was the most dangerous person around. I couldn't let my guard down when he was around. Pero ngayon na parang hangin lang kami sa isa't isa, payapa na ako.

Hindi ako agad nakaiwas nang biglang bumagsak sa akin ang tingin niya. Nanuyo ang lalamunan ko nang wala man lang itong reaksyon. He just stared at me using his blank expression. Sa akin lang naman siya ganito. Kapag kausap niya si Rich o si Tita Minerva ay ayos naman siya.

"Gotcha!" Napagitla ako sa gulat nang biglang sumulpot sa harap ko si Rich. Nasa labas ito at mukhang nagbabasa na naman dahil may hawak siyang libro. "Tulala ka ah?" puna pa niya habang natatawa dahil nagawa niya akong gulatin.

Sinundan niya ng tingin ang pinagmamasdan ko kanina. Wala na ro'n si Arch.

"Mag-ayos ka na," ani Rich na nakangiti pa rin. "Magdadala ako ng pagkain para hindi tayo gutumin. Saka para mas matagal. Para makita natin ang paglubog ng araw!"

"Ah?" Ngumiti ako bago tumango.

"Isasama ko si Kuya Arch!" aniya saka na tumakbo palayo.

Naiwan akong gulat.

Makakasama namin si Arch sa bangka? No. That would be awkward as hell. Dito pa nga lang sa bahay ay nakakailang na, paano pa kaya kapag nasa iisang bangka na lang kami? That would make jumping on the water a better idea!

Nag-ayos na ako ng sarili ko. Hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko na makakasama namin si Arch. Pero sa tingin ko ay hindi naman papayag si Arch. Alam kong alam niyang awkward 'yon. Yep. He will definitely refuse to come with us!

He better decline.

Napanganga ako pagkalabas ko ng kwarto dahil tumambad sa akin si Arch na nakaupo sa sofa. Sa gilid niya ay nakapatong ang mga baunan ng pagkain. Nakabihis din ito kaya malamang na lalabas siya.

He wouldn't come with us, would he? No!

Wala pa si Rich kaya malamang ay hindi pa siya tapos mag-ayos. Babalik sana ako sa kwarto ko nang mapansin na umusog si Arch sa pinakadulo ng sofa, iniwan niya ang malawak na bakante sa gilid. It felt like he reserved it for me.

When Life Sucksحيث تعيش القصص. اكتشف الآن