Candy Fair (1)

81.4K 2K 675
                                    

Badtrip naman oh.

Bakit kasi ang aarte ng mga taxi driver ngayon? Porket malapit lang ang Galleria sa Metrowalk, ayaw na nilang tumanggap ng pasahero papunta dun?

Choosy sila manong, nakakasira ng araw.

Kung hindi ko lang talaga kailangang magpalit ng damit bago ako magpunta sa Candy Fair, hindi na 'ko dumaan ng Robinsons Galleria para lang mag-CR.

Yun nga lang, kailangan e.

Ayaw akong ihatid ni Ate Bianca, sobrang traffic daw kasi sa EDSA. Kaya heto, sariling sikap ako. Nag-commute lang ako papunta dito. Jeep papuntang Blumentrit Station, LRT hanggang sa Taft, tapos sakay ng bus sa Pasay na pa-Cubao.

Hindi pwedeng naka cut-off shorts, brown ankle boots, brown fedora hat, manipis na white sleeveless Guns N' Roses shirt ako tapos commute ng ganun?

Uh, no way. Ayokong ma-rape, no thanks.

Kaya nagdala nalang ako ng pamalit ko. Ayun, nakapag-palit naman ako. Kaso late na 'ko sa supposed meeting time namin ng mga kaibigan ko.

Hey, 'di ko kasalanan ang traffic.

Eventually, nakarating din ako sa Metrowalk. Buti nalang at may pumayag na din na driver. Ngiti lang pala ang kailangan, pinahirapan pa 'ko.

Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko. In a beat, sumagot siya.

"Nasaan ka na?" Raffy demanded instantly.

"Chill, nandito na 'ko," I answered her, looking around. "San kayo?"

"Wait, lalabas si Ara."

Tumingin tingin ako sa paligid, looking for a tall beauty. Hanggang sa nakita ko ang babaeng may bob-styled hair, wearing a blue dress with a denim sleeveless jacket. Agad akong tumakbo sa kanya.

"Ara!"

Napalingon siya sa'kin.

"Asiaaaaa!"

We crashed into each other, and ended up in a tight hug. Aakalain mo, 'di kami nagkita kahapon sa Soledad e. After hugging, pumasok na kami sa venue.

Nakakuha naman kami ng free passes from Kiko kasi intern siya sa Summit. Although, hindi na naman kailangan ni Ara and Raffy ng free passes. Si Ara kasi, model sometimes ng Candy Mag. While si Raffy naman, Pop Fiction author. Nasa guest list na sila.

Me? Fashion blogger.

"Ang daming bata," was the first thing I said pagkapasok namin sa Candy Fair.

There was far too many tween girls dito. Then again, part naman talaga sila ng target audience. Nakakagulat lang kasi ang daming super young fashionistas. Feeling ko tuloy, ang tanda ko na. To think, nineteen palang ako!

Malaki yung place. Sa Metrowalk Tent (white building ang exterior) yung event. And it really looked like nasa loob kami ng malaking tent. Dim yung overall lights, tapos many colorful spotlights around the stage area. Para kaming nasa enormous club inside.

'Party party' ang vibes, plus yung dress code pa. Electric Dance Music ang theme - pero for me, it was more like Coachella. Hindi ko alam ang difference nila.

"Si Kiko?" I asked Ara and Raffy.

"Busy sa backstage," sagot ni Ara.

"Nakita ko siya kanina," added Raffy, absent-midedly running a hand through her long black hair. "Hanapin nalang daw niya tayo later."

Nagikot-ikot kami, checking out the booths. While on the look out na rin ako sa mga blog-worthy outfits ng mga attendees, my DSLR camera at the ready.

Candy Fair Dare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon