Candy Fair (1)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nope, ang daming nangyayari sa suot niya, I thought as my eyes jumped from person to person, quickly judging their choice of clothes.

Wala bang nagsabi sa kanya na mukha siyang lampara?

Dayum. Eyesore. Eyesore. Eyesore.

Long denim skirt? Whaaaaat?

No way na pinayagan siyang mag-commute sa ikli ng shorts niya. Hatid-sundo yan.

Candy Fair 'to. Hindi palengke. CANDY FAIR.

Ugh. Sa sobrang colorful ng damit niya, pwede na siyang maging rainbow.

Mataas ang standards ko pagdating sa fashion. Tinaguriang laitera ng grupo namin, ika nga. Yun din siguro isa sa mga dahilan kung bakit madami akong haters. Wala kasing filter ang utak at bibig ko.

Well, if you can't handle the truth, you can't handle being my friend. Sayang. Sagad sa buto pa naman ang loyalty ko sa mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa babaeng naka denim shorts, kimono top, and ancient greek sandals - with her hair long and hipster curly.

Now that's something blog-worthy.

I took a shot of her a couple of times nang hindi niya alam. Pagtapos ko, tsaka ako lumapit sa kanya para humingi ng permission. May naka-ready na 'kong waiver for this sort of thing.

Lumipas ang isang oras na ganun lang ang ginagawa ko, habang tinutulungan na din ako nina Ara at Raffy maghanap. Na-bored na rin siguro sila, hindi kasi ganun kadami yung booths tapos mahaba pa pila.

I managed to get seven stylish girls' photos. Sa dinami-dami ng mga babae dito, seven palang ang nakikitaan kong ayos manamit.

"Mag-break ka naman muna dyan," Raffy told me.

I sighed, putting the lens back on.

"Uy, it's staring na!" squealed Ara.

At isa-isang pinakilala ang mga Candy Cuties. Tili ng tili yung mga tweens na nasa harap, while yung mga late teens na tulad namin, chill lang sa bandang likod.

Tumingin ako sa paligid. Madaming natatawa sa mga reaction ng mga batang babae sa supposed 'cuties'. Dalawa na dun ang mga kaibigan ko.

A boy with a muscled bod came out, showing off his biceps.

Super ang tili ng mga batang babae. Nakakarindi. Lalo na nung may mga pinayagang umakyat para makayakap dun sa lalaki. They looked like they were eleven!

"Ang lalandi ng mga bata ngayon," I commented with a grimace.

"Sobra," giggled Raffy.

"'Di ba nila alam na kalahati dyan sa mga 'cuties' na yan e bakla?" I whispered.

Ara covered her mouth to hide her laugh.

"Alam ba yan ng mga nanay niyo?" sigaw ng familiar voice.

Lumingon kaming lahat and saw Kiko. We shrieked, sabay takbo sa kanya. Niyakap namin siya in a group hug. Again, akala mo hindi kami magkakasama kahapon.

See, magkaka-blockmates kaming lahat sa De La Soledad University.

"Looking good, Asia," complimented Kiko, looking at me from head to toe.

In turn, tinignan ko na din yung outfit of the day niya. Simple neon coral shirt and jeans lang. Tapos yung hair niya, spiked. Around his neck was a Staff ID.

"Why, thanks," I replied. "'Di ka pa ba sanay?" biro ko.

He rolled his eyes and smiled.

"Kilala niyo yung susunod na Candy Cutie," sabi niya sa'min nang humarap na ulit kami sa stage para manuod.

Candy Fair Dare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon