CHAPTER 6

129 11 0
                                    

CHAPTER 6

                  Mangha si Aya ng makita ang isang garden sa parteng iyon ng condo.

                   Nakatuwaan niyang umupo sa berdeng damo na nakalatag.

                   Alas kwatro na noon ng hapon kaya't hindi na masyadong mainit sa balat ang sikat ng araw.

                  Naalala niya ang lola niya at ang Tawig. Madalas silang magtungo ng lola niya sa kasukalan para mamitas ng mga halamang gamot. May parte sa bahaging iyon ng isla na nagsisilbing takbuhan niya pag nakakagalitan siya ng lola niya. Malinis ang bahaging iyon na tulad ng hardin na kinaroroonan niya. Nalalatagan din ng mga berdeng damo at mga ligaw na bulaklak na lagi na'y pinipitas nya para ibigay sa lola nya bilang paglalambing tuwing umuuwi sya pagkatapos ng pagtatalo at pagtatago sa sukal.

                 Hindi niya alam kung nasaan ang Ima nya ngayon. Ang sabi ng gwapong lalaki sa kanya ay tutulungan sya nitong hanapin ang lola niya.

                  Nagtataka man sa pag-iiba ng ugali ng lalaki simula ng magising siya sa sasakyan nito hanggang sa magising sya sa loob ng kwarto nito ay hindi na nya pinansin. Animo kasi wala itong alam sa pagkakahiwalay nila ng lola nya ngayon. Samantalang ito ang kumuha sa kanya sa Tawig noong nasusunog ang bahay nila kasama ang lola niya. Ito rin ang nagsabi na nasa isang ospital sa Maynila ang Ima nya at dadalhin sya doon.

                 Ngunit ngayon ay parang wala itong alam sa mga sinasabi nya.

                 Nagulat pa sya sa isang tikhim mula sa kung saan. Bigla ang pagtayo nya ng makita ang gwapong mama na nasa harapan na nya.

                  Ilang beses na rin nyang tinanong ang sarili kung ano nga pala ang pangalan nito. Ang tanging alam nya ay ama ito ni Sheree. At hanggang ngayon ay hindi nya pa nakikita ang anino ng asawa nito.

                 Pinagpag nya ang pajam at tumingin sa mga mata ng lalaking animo nagtatanogn lagi.

               "Baka makalbo na 'yang mga damo. " pabirong usal ng lalaki. "Anong ginagawa mo dito? "

              Nagyuko ng ulo si Aya bago umiling.

              "Magdadalawang araw ka na dito pero hindi ko pa alam ang pangalan mo. " muling usal nito sa dalaga.

               "Aya. " maikling tugon ng dalaga.

              "Aya lang? "

              "Iyon lang ang tinatawag nila sa akin eh. " puno ng kainosentehang tugon niya.

              "Iyong buong pangalan mo? Alam mo ba? " manghang tanong ng lalaki.

              Umiling si Aya.

              "Aya lang ang tawag nila sa akin. Si Ima pag tinatawag ako Aya lang eh! Maliban na lang pag nagagalit siya.. " putol ni Aya sa iba pang sasabihin ng mapansing nakikinig lamang ang lalaki at nakatitig sa kanya.

             Nagkapag-asa si Johann na baka sakaling alam ng dalaga ang buong pangalan at hindi lang sya naiintindihan nito.

               "Anong tawag niya sa'yo pag nagagalit siya? " hindi nakatiis na tanogn niya.

My Innocent Angel(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon