“Somebody tried to kill her,” tugon ng babae. “Hindi rin namin masyadong naintindihan ang nangyari kasi konti na lang din ang naabutan ni Iona na news kanina, flash report lang, eh.”

Nakadama siya ng pag-aalala para sa isa sa mga matalik niyang kaibigan. “Is she okay? Is she hurt?”

“I don’t know. We’ve been trying to call her pero hindi siya sumasagot kaya pupuntahan na lang namin siya nina Moira. They’re with me now.”

“Sige, susunod ako,” aniya bago pinindot ang end-call button.
Ibinalik niya sa bag ang cell phone at saka nagmamadaling lumabas ng powder room. Pero agad din siyang napatda nang makita ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto.

“Akira,” walang kangiti-ngiting sabi ni Michael.

Tiningnan lang niya ito at agad ring tinalikuran.

“Can we talk?” tanong ng lalaki na sumunod sa kanya.

“Wala tayong kailangang pag-usapan,” pabalewala niyang sabi.

Nagulat siya nang bigla siyang hawakan ng lalaki sa braso at pahiklas siyang iniharap. “Hindi mo ako puwedeng basta na lang iwanan, Akira!” malakas at mahihimigan ng galit ang tinig ni Michael.

Napatikwas ang kilay niya. “Bitiwan mo ako, Michael,” hindi natinag na utos niya rito.

“Mag-uusap muna tayo,” anito at hinila siya palabas ng bar.

*****

NANGUNOT ang noo ni Raizen nang makita niya si Akira na hila-hila ng isang lalaki palabas ng bar. Ibinitang niya ang tangan na beer at mabilis na tumayo para sundan sina Akira.

“Ano ba’ng kailangan mo sa akin!?” narinig niyang malakas na sabi ni Akira. Nakatalikod sa kanya ang babae at pilit nitong binabawi ang braso mula sa pagkakahawak ng lalaking kasama nito.

“Hindi mo ako puwedeng itapon ng basta ganoon na lang, Akira! Why? Sabihin mo sa akin why you broke up with me!” ani ng lalaki.

“Broke up with you? Ginawa ko ba 'yon? Bakit ako makikipag-break sa 'yo, tayo ba?” mataray na sabi ni Akira na pilit pa ring kumakawala mula sa lalaki.

“What?!” tila lalong nagalit na bulalas ng lalaki.

“Hindi tayo, Michael. Akala ko klaro 'yon sa 'yo. I went out with you for dates but that doesn’t mean na tayo na. Come to think of it, have I ever told you that I’m in love with you?” sabi ng babae.

Nakita niya ang lalong pangigigil sa mukha ng lalaki. “So, ano’ng tawag mo doon sa relasyon natin?”

“Wala,” pakli ng babae. “Look, It’s not my fault if sineryoso mo 'yon. From the start sinabi ko sa 'yo na I’m not in to serious relationship, 'di ba?”

“So, pinaglaruan mo lang ako, ganoon ba?” ani ng lalaki. Binitiwan na nito si Akira at nakuyom nito ang palad habang nakatitig sa babae.

“Oh please! Huwag ka ngang umarte na parang na-agrabyadong babae. Michael, marami akong pabor na ibinigay sa 'yo! If it wasn’t for me, hindi ka magkakaroon ng offer na katulad ng mga nakuha mo noong nakakasama mo ako. Malaki naman ang naitulong ko sa 'yo, di ba?”

Nakita niyang pahiklas nitong hinawakan ulit si Akira. “So ano pinapalabas mo ngayon? Akira, alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo!”

“Let go off me! Nasasaktan na ako!” malakas na daing ng babae.

Doon na siya nagpasyang makialam. “Akira,” aniya na humakbang palapit sa mga ito.

Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya.

Posh Girls Series Book 2: Akira (Complete; Published by PHR)Where stories live. Discover now