Dos- house of cards

12 1 0
                                        

Aciaella notes; sana magustuhan nyo ang story na ito at sana rin suportahan mo ako hanggang sa huli salamat sa pag babasa...

___________________________________________________________________

'There are times when we must be hurt in order to grow, we must lose in order to gain, because some lessons in life are best learned through Pain!'

"Lauren POV"

Naglalakad ako papasok sa eskinita ng tinitirahan ko sabawat pag uga ng aking katawan dahil sa mabatong daan ay sya ring pag kirot ng aking balikat. Napahawak ako doon ng hihina na ako dahil marami nadin sigurong nawalang dugo pero mainam rin dahil sa balikat ako nasaksak hindi sa tyan.

Nag patuloy ako sa pag lalakad. Nadaanan ko pa ang mga lasinggero sa tindahan ni aling chescka. Binati ako ni Isko isa sa may gusto sa akin.

"Oh lauren, gabi na bakit ngayon ka lang umuwe ? " tanong nito. Inirapan ko lang ito at nginisihan. "Nakipag date pa kasi ako, Kaya ako ginabi ng uwi. Eh bakit kayo kaninang umalis ako nandyan na kayo pati ba naman sa pag-uwi ko nandito parin kayo?" Anas ko napatawa nalang sya alam kong hindi pa lasing si isko dahil sa lahat ng lasenggero sya ang may control at malakas ang alcohol tolerance.

"Ganon talaga siguro pag tambay lang. Halika muna dito shot ka muna." Sabi nito at itinaas ang baso na may lamang alak. Umiling ako at napahawak muli sa aking balikat."Nako sa susunod nalang inaantok na ako at maaga pa ang pasok ko bukas." Tumango ang huli pero agad kinunutan ng noo ng makita ang mukha ko. Siguro namumutla ako kaya tinignan nya ako mula ulo haggang paa.

"May masakit ba saiyo namumutla ka." Saad nito. Lumakad ito palapit sa akin at ng mag katapat kami ay hinawakan nya ang aking noo. "Wala ka namang lagnat pero bakit ka na mumutla?" Tano ng muli nito. Napailing lang ako at tumalikod na inayos ko ang aking tindig at nag lakad ng parang walang may sakit sa akin.

Pero napahiyaw ako sa sakit ng may humawak sa balikat ko doon pa ku g saan ako sinaksak.

" Ugh, fuck what the hell is your problem?!" Galit na turan ko dito ng lumingon ako at masama syang tinignan. Ngumisi lang sa akin si Isko at lumapit sa akin namalayan ko nalang na buhat buhat na nya ako yung buhat na pangkasal. Hindi agad ako nakapag react dahil sa bilis ng nangyari. Ng humupa ang aking pag kagulat ay hindi nalamang ako umalma dahil guminhawa ako kahit kaunti.

Ng makarating sa aking tinitirahan ibinaba nya ako sa aking matigas na higaan pero kahit ganoon. Useful parin ito dahil hindi ako ginagapangan ng daga. Bigla nalang nawala si Isko pero ilang sandali lang din ay bumalik ito daladala ang kahon at alam kong first aid kit iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

closest starWhere stories live. Discover now