Chapter 7

7.8K 158 3
                                    

TAHIMIK si Jeena habang tinatanaw niya ang magandang tanawin mula sa sinasakyan nilang chopper ni Raziel. Bakas sa mukha niya ang excitement. Hindi na rin niya naitago ang malawak na ngiti samantalang kanina ay hindi maipinta ang mukha niya. Nadismaya siya nang sa halip na si Raziel ang sumundo sa kanya ay ang company driver ang dumating sa kanilang boardinghouse.

Ilang minuto pa ay narating na rin nila ang kanilang destinasyon. Nag-land sila sa itaas ng isang building na sa hula niya ay hotel.

“Did you enjoy the ride?” tanong sa kanya ni Raziel pagkababa nila ng chopper.

Tumango siya.

Dalawang lalaki at isang babae ang nakangiting lumapit sa kanila.

“Good afternoon, Sir Raziel. Kanina pa ho kayo hinihintay ni Ma’am Grace sa office niya,” anang babae na sa tingin niya ay tauhan ng hotel na iyon.

“Okay. Kayo na ang bahalang magdala ng mga gamit namin,” ani Raziel.

Tumango ang babae. Agad namang kinuha ng dalawang lalaki ang mga gamit nila.

Hinawakan siya ni Raziel sa braso. “Let’s go,” sabi nito at iginiya na siya papasok sa hotel.

“Sino si Grace?” hindi na nakapagpigil na tanong niya.

“She’s my cousin. Siya rin ang may-ari ng hotel na ito. I’ll introduce you to her. I’m sure you’ll like her.”

Ilang sandali pa at nasa opisina na sila ng pinsan nito.  Tama ito, nakagaanan agad niya ng loob si Grace dahil likas ang kabaitan nito.

“Nagpahanda ako ng espesyal na merienda para sa inyo. Bumaba na lang kayo sa café,” sabi ni Grace habang inaayos nito ang nagkalat na papeles sa ibabaw ng mesa nito.

“Hindi mo ba kami sasamahan?”
“I’m sorry, Raz. May pupuntahan pa kasi ako. May dine-develop kaming hotel sa kabilang isla. Actually, hinintay ko lang talaga kayo para ma-meet ko si Jeena.” Nginitian pa siya nito.

“Pero siguro naman, mamayang dinner, masasamahan mo na kami.”

Apologetic na tiningnan ni Grace si Raziel. “I’m sorry. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung kailan ako makakabalik dito. Abala kasi talaga ako sa bagong project namin.”

Hindi na kumibo si Raziel.

“I really have to go,” ani Grace. Kinuha na nito ang bag nito. Binalingan siya nito. “Jeena, ikaw na ang bahala sa matampuhin kong pinsan, ha? Enjoy your stay here.” Hinalikan siya nito sa pisngi. Ganoon din ang ginawa nito kay Raziel. Iniwan na sila nito.

“So, come on. Bumaba na tayo para mag-snack. 'Tapos, magpahinga ka na. Alam kong napagod ka sa biyahe natin,” ani Raziel nang balingan siya nito.

Umiling siya. “Mamaya na ako magpapahinga. Gusto ko munang mag-stroll sa paligid.”

“Hindi ka ba napapagod?” Na-amaze ito.

“Medyo. Pero nawala rin agad pagkatapos kong makita ang dagat. First time kong makapunta rito sa Boracay kaya gusto kong sulitin.” Ngumiti siya.

Ngumiti rin ito. “All right, if that’s what you want. Sasamahan kita. I’ll be your tour guide.”

****

DALA ng sobrang pagod sa paglilibot nang nagdaang araw kaya tinanghali ng gising si Jeena. Napilitan lang siyang bumangon nang marinig ang sunud-sunod na katok sa pinto ng hotel room niya. Nagsuot siya ng roba bago binuksan ang pinto.

“Good morning,” nakangiting bati sa kanya ni Raziel.

“'Morning. Bakit?”

“Day two ito ng tour mo sa Boracay, 'di ba?”

❤With Just One Kiss (COMPLETED; Published under PHR)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu