1st Chapter "Picture To Burn"

Start from the beginning
                                    

Ayoko na pati si Gelo ay mahirapan sa sitwasyon ko. Pero lalo lang siguro syang mahihirapan kung patuloy parin akong maglilihim sa kanya, ngayon na nakita na nya akong nagkakaganito.

"Gelo.." huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay sinagot ko na yung mga tanong nya.

GELO's POV

"Ate, tigil na."

"P-pero h-hindi pa a-ako t-tapos m-mag-mag-k-kwen----"

"Okay na ate. Malinaw na sa akin. Niloko at sinaktan ka nya kaya ka ngayon nagkakaganyan." gustuhin ko man na ipagpatuloy ni ate yung mga sinasabi nya pero nakikita ko kasi na hirap na hirap na sya sa pagkwekwento kaya pinapatigil ko na sya.

Basta malinaw na sa akin ngayon ang ginawa ng GAGONG 'YUN dito sa ate ko.

"P-pero Gelo, g-gusto...gusto kong t-tapusin yung k-kwen----" minsan talaga makulit din itong si ate. Nagmana kaya ako sa kanya?

"Wag nang makulit, ate. Magpahinga ka nalang." sabi ko pagkatapos ay itinayo ko na si ate.

"Huh? H-hindi ako makulit, Gelo. Ikaw lang ang m-makulit." haaaay...

"Sige ate. Saka mo nalang ituloy yang pagkwekwento mo kapag okay ka na. Sa ngayon, kailangan mo muna ng pahinga."

"O-okay n-naman ako ah? K-kaya itutuloy ko na." sus, okay daw.

"May okay ba na umiiyak at brokenhearted?" natahimik si ate at tumungo.

"S-san ka pupunta?" tanong ni ate sa akin nang mapansin nya akong maglakad papunta doon sa mga sinusunog nya.

"May kwenta pa ba 'to?" tanong ko sabay taas nung picture ni ate na may kasamang GAGO.

Umiling si ate kasabay ng pagtulo nanaman ng mga luha nya. Nakikita kong labag sa kalooban nya yung pag-iling nya.

Pero kailangan na talaga makalimutan ni ate ang lalaking yun para hindi na sya magkaganito. Masyadong labag sa loob ko ang makitang nasasaktan at umiiyak ang mga taong minamahal ko at pinahahalagahan ko.

Itinapat ko yung picture na hawak ko sa apoy at hindi na nagdalawang isip na bitawan iyon. Sorry nature, mas mahal ko ang ate ko kaysa sayo.

"Halika na ate, ihahatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka na." tumango nalang si ate pagkatapos ay inalalayan ko na syang makarating sa kwarto nya.

"Ate, wag mo nang isipin ang lalaking yun huh? Ayoko na umiiyak ka." sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng kwarto nya. Mas gusto ko pa na pagalitan nya ako ng pagalitan kaysa sa makita ko syang iyak ng iyak ng dahil sa isang gagong lalaki.

"Wag ka nang mag-alala sa akin, baby brother ko. Magiging okay din ako." ngumiti sa akin si ate pagkatapos ay pumasok na sya sa kanyang kwarto at isinara ang pinto.

Pagkatapos nun ay pumasok naman ako sa sarili kong kwarto at kinuha yung susi ng motor ko. Wala na kasi akong kotse, tinapon kasi ni ate yung susi ng kotse ko nang dahil sa katigasan ng ulo ko. Pati nga din itong susi ng motor ko ay kinuha nya nung araw na itinapon nya yung susi ng kotse ko eh! Pero mabuti naman at nakita kong nakakalat lang sa kwarto ni ate yung susi ng motor ko. At dahil sa matalino at gwapo ako, kinuha ko nang hindi nalalaman ni ate kaya wag kayong maingay. Hehehe.

Nang makuha ko na yung susi ay dumiretso na ako sa garahe at kinuha yung motor ko.

Lumabas na ako ng bahay at agad na pinaandar ang motor ko.

Sa oras na ito, iisa lang ang nasa utak ko.

Walang pwedeng manakit at magpaiyak sa kapatid ko.

Kaya ihanda mo na ang pagmumukha mo...

Lusypher Evilson

to be continued...

Votes? Comments? TY.

Getting My Evil Ex Boyfriend BackWhere stories live. Discover now