"Ang problema, sa isang prinsesa siya umibig. Alam nya naman na hindi siya karapat dapat para sa prinsesa ngunit kahit anong pigil... Wala siyang magawa kung hindi ang mahalin ang prinsesa. Kahit pa masktan siya, wala siyang pakialam. Basta ang alam nya, mahal na mahal niya ang prinsesa."

"May magagawa naman sya eh. Kung ipaglalaban siya ng prinsesa, pwede yan!" nakangiting sabi ko sa kanya. Sumilay muli sa kanyang labi ang ngiting mapait.

"Bakit sya ipaglalaban ng prinsesa kung hindi naman sya nito mahal?"

Napayuko na lamang ako at napatahimik. Kung ako rin naman ang kawal susuko ako dahil wala akong pag-asa.

"Teka, sinabi na ba nya sa prinsesa ang kanyang nararamdaman? Paano kung parehas sila ng nararamdaman kaya lang gusto nilang magtagu-taguan muna?"

"Tignan mo ang papalubog na araw," nakangiting sabi nito at tinuro ang kalangitan.

"Kasabay ng paglubog ng araw na iyan ay ang paglubog ng pag-asa ng kawal na iyon."

"Bakit ba lumubog ang pag-asa ng kawal na iyon? Hindi naman porke lumubog ang araw at napalitan ng gabi, ibig sabihin ganun na din ang kanyang pag-asa," naiiling na sabi ko.

"Kung ikaw ang nasa pusisyon ng prinsesa, ano ang gagawin mo?" tanong niya na ikinalingon ko.

"Hindi ko rin alam kasi hindi naman sinabi ng kawal ang kanyang nararamdaman. Pero kung sinabi ng kawal na iyon ang kanyang nararamdaman, masasabi ko na napakaswerte ng prinsesa," nakangiting sagot ko at muling tumingin sa papalubog na araw.

"Napakaswerte ko naman kung mayroong nagmamahal sa akin na kagaya ng kawal na iyon. Syempre, depende sa nararamdaman ko. Kapag parehas kami, edi ipaglalaban ko magkamatayan man."

"Pagmasdan mo ang papalubog na araw. Ganyan kalayo ang agwat nila. Kaya ang pinili ng kawal ay pagmasdan na lamang mula sa malayo ang prinsesa. Ayun na lamang ang tangi niyang magagawa," sabi nito at yumuko.

"Pagmasdan mula sa malayo ang kanyang angking ganda."

Tumayo siya mula sa pagkak-upo kaya napakunot na lamang ang aking noo.

"T-teka, hindi mo pa natatapos ikwento sa akin. Anong nangyari sa prinsesa? Sinabi ba ng kawal sa kanya ang totooong nararamdaman nito? Anong nangyari sa kaharian?"

"Paumanhin, kamahalan. Ngunit maging ako ay hindi ko alam ang pinagtapusan ng kwentong iyan," simpleng sagot niya at inilagay na sa basket ang mga natirang pagkain at iba pang mga gamit.

"Paanong hindi mo alam?" asar na tanong ko. Tignan mo ito, pinasabik lang ako. Magkekwento tapos di rin pala nya alam yung ending. Sarap batukan.

"Ewan, basta hindi ko rin po alam," sabi niya at nakitang tapos na sa kanyang ginagawa. Tumayo naman na ako sa pagkaka-upo upang maitupi na nya ang tela.

Nang matapos na nya itong itupi ay inilagay na niya sa basket kasama ng mga natirang pagkain at iba pang mga gamit.

"Tara na po, kamahalan. Lumalalim na ang gabi," sabi nito at hinawakan ang aking kanang kamay.

"Bakit ka huminto? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Ilang metro pa lamang kasi ang aming nalalakad ay huminto ito kaya automatic na napahinto rin ako.

Imbes na sumagot ay binitawan niya ang kamay ko at bahagyang umupo.

"H-hoy! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Pumasan kana lang sa akin, kamahalan. Marami ang nawala sa iyong dugo kaya ika'y nanghihina pa rin hanggang ngayon," sabi nito na ikinatigil ng sistema ko.

"Ayoko nga. Isa pa, ayos lang ako at kaya kong maglakad. Huwag mo akong gawing lumpo—Calli! Ano ba?! Ibaba mo ako!" nagulat ako nang biglang sa isang iglap ay nakapasan na ako sa kanya. Hindi ko magawang magpumiglas sapagkat natatakot akong mahulog.

"Calli, inuutusan kita! Ibaba mo ako!" sigaw ko ngunit nakarinig ako ng tawa mula sa kanya.

"Paumanhin, kamahalan, ngunit hindi ko maaaring gawin iyan," natatawang sabi nito.

"Gagawin mo o gagawin mo?!" asar na sigaw ko pa.

"Magpahinga kana lang dyan, kamahalan," rinig ko pang sabi niya kaya napa-irap na lamang ako.

"Bakit ginagawa mo sa akin ito?" wala sa sariling tanong ko.

"Dahil ito ang aking tungkulin—"

"Tungkulin lang? Dahil lang doon?" mapait na sabi ko.

"Ibig sabihin kung hindi mo ito tungkulin hahayaan mong mapahamak ako?" naiiling na sabi ko.

"Tungkulin ko man o hindi, hindi kita hahayaang mapahamak."

Napatingin na lamang ako sa kalangitan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Masaya? Hindi ko alam.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? Hindi ba simula bata ako ikaw na ang bantay ko?" pambabasag ko sa katahimikan.

"Magsasawa lamang ako kapag nagsawa kana rin sa akin."

Napangiti ako ng palihim. "Sana, pagdating ng araw panghawakan mo pa rin iyan," natatawang sabi ko.

"Bakit kailangan mo pa akong pasanin pauwi? Hindi ka ba napapagod?"

"Hindi ako kailanman mapapagod basta ikaw ang aking pasan, kamahalan."

Ibinaon ko na lamang ang aking ulo sa kanyang balikat. Napansin ko namang napahinto siya at bahagya akong nilingon.

"Magpahinga kana, kamahalan. Kapag pagod ka, pakiramdam ko pagod rin ako," natatawang sabi nito at ginulo ang aking buhok.

"Callisto? Bakit ganyan ka?"

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong nito sa akin.

"W-wala. Wag mo nang isipin," tipid na sagot ko. Sya naman ay ipinagpatuloy na ang paglalakad habang ako ay nasa likod nya pa rin.

"Calli, kailan ko makikilala ang totoong mga magulang ko?" malungkot kong tanong. Nais ko lamang silang makilala.

"Naiinip kana po ba?" sabi niya at rinig ko na habang sinasabi nya iyon ay mayroong bahid ng pait.

"Malapit na po siguro. Hindi ko rin alam," walang kasiguraduhan niyang sabi.

"Salamat."

"Salamat para saan?" takhang tanong nya.

"Salamat sapagkat lagi kang nandyan sa tabi ko. Hindi ako iniwan, at sana huwag mangyari iyon," malungkot na sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ko syang mawala. Parang parte na rin kasi sya ng buhay ko? Hindi ko alam.

"Mangako ka sa akin," utos ko sa kanya kaya muli siyang huminto sa paglalakad.

"Mangako ka sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan kahit kailan."

Sandaling namayani ang katahimikan pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

Hindi siya sumagot kaya tumulo ang aking luha. Ibig lamang nitong sabihin ay iiwan nya rin ako.

"Huwag na pala. Kasi alam ko rin na—"

"Kamahalan, hindi kita iiwan basta hindi mo rin ako kakalimutan at tatalikuran."

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now