"Niligtas niya ang prinsesa. Binatayan hanggang ngayon. Handang ialay ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng prinsesa ng unang kaharian," paliwanag ni Adrastea.

"Mayroon ba akong maitutulong upang maibalik sa dati ang inyong kaharian? Alam kong malabo ngunit kung mayroon akong magagawa, handa akong tumulong," nakangiting offer nito kay Adrastea.

"Mayroon kang maitutulong," sabi ni Adrastea na ikinaliwanag ng ngiti ng hari.

"At ano iyon?"

"Si prinsesa Rhea... Ginugulo niya ang unang nakasulat sa tadhana," asar na sabi ni Adrastea.

"S-siya ang nagpadala ng mga kawal upang patayin kami ng prinsesa?" singit ni Callisto kaya napatingin sa kanya ang dalawa.

"Opo, kamahalan. Nagpadala siya ng kawal upang patayin sila," pagkumpirma nito. Nagngalit naman sa galit si Themisto sa narinig.

"My niece is a real bitch," asar na bulong nito sa kanyang sarili.

"Anong kailangan kong gawin sa kanya?" seryong tanong nito. Pinipigilan niyang magalit dahil naisip niya na wala naman kalasalan ang dalawang kaharap nya ngayon.

Si Rhea... Sya dapat ang makakita ng demonyong Themisto.

"Bantayan mo po siya, kamahalan. Huwag hahayaang makalabas sa isang silid hanggat hindi dumarating ang takdang panahon upang maisalba ang unang kaharian," paliwanag nito.

"Hanggat nasa labas si prinsesa Rhea at ang dalawang pinagkakatiwalaan niya ay maaari pang mabago ang unang nakasulat sa hinaharap," pagpapatuloy nito.

"Maraming salamat, Adrastea," pasalamat nito at tinanguan lamang siya ni Adrastea.

"Ako po ay lilisan na. Paalam, kamahalan," paalam nito at bahagyang yumuko muna bagp tuluyang umalis.

"Ano ang iyong ngalan?" baling nito kay Callisto.

"Callisto Sangue po, kamahalan."

"Callisto, ipangako mo sa akin na babantayan mo ang prinsesa sa abot ng iyong makakaya. Sa ngayon, nakikita ko na sya lamang ang susi upang bumalik sa dati ang inyong kaharian," seryosong sabi nito.

Naiinis si Callisto sapagkat nararamdaman niya na hindi naman ito masama ngunit ang bigat ng pakiramdam nya dito. Hindi niya alam na ganun rin ang nararamdaman ng kaharap niyang hari.

"Kahit hindi mo na po kailangang sabihin iyan. Gagawin ko iyon iutos mo man po o hindi," madiing sabi nito. Lumapit sa kanya ang hari at sinakal ang leeg.

"Kapag may nangyaring masama sa prinsesa. Ako mismo ang papatay sa iyo," asar na sabi nito bago bitawan si Callisto sa marahas na paraan.

Nang matanaw na ni Themisto ang prinsesa na papalapit ay tinignan niya muna ng masama si Callisto bago umalis.

"Calli!" sigaw ng prinsesa aa kanya.

"Calli?" takhang tanong ni Callisto.

"Oo, Calli! Mahaba kasi masyado kapag Callisto eh," nakangiting sabi nito.

"Tara na po, kamahalan. Umuwi na tayo," sabi nito at dinala ang bag ng prinsesa.

---

"RHEA! OPEN THIS FVCKING DOOR!" sigaw ni Themisto habang kinakatok ng marahas ang pintuan ng kwarto ni Rhea.

"Mainipin talaga si tandang Themisto," bulong niya sa kanyang sarili sabay umirap.

"OO NA! ANDYAN NA!" sigaw niya pabalik tsaka muling umirap.

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now