Sa kabilang banda, naglalakad si Dione papalabas ng school. May naiwan kasi syang papeles sa bahay kung kaya babalikan niya ito.

Malayo pa lamang siya at may natanaw siyang isang pamilyar na lalaki. Kausap nito ang guard at parang nagtatanong. Mabilis niya itong nilapitan.

"Ay opo kuyang guard! Tsaka may tanong pa po—"

"U-uncle?" usal ni Dione kaya napatigil sa pagsasalita ang lalaki at dahan-dahang humarap.

"Dione?" gulat na usal ng lalaki.

"K-kuyang guard! Maraming salamat po sa pagsagot ng mga katanungan ko! Napakalaking tulong po! Salamat ng marami!" baling nito sa guard at hinatak ni Dione ang lalaki papalayo.

"Uncle, bakit nandito ka? Alam ba ni uncle Themisto na nandito ka ngayon?" alalang tanong ni Dione dito. Napakampot naman ng ulo ang lalaki.

"Yun na nga pamangks, ang totoo nyan ay tumakas lang ako eh. Hehehe," sabi nito kaya napatampal na lang si Dione sa kanyang sentido.

"Uncle, alam mo naman po na pinagbilinan kayo ni uncle Themisto na huwag lalabas ng kaharian, hindi ba?" alalang sabi niya dahil panigurado, kapag nalaman ng kanyang uncle Themisto ang pinaggagagawa ng kanyang kapatid ay maiinis ito.

"Hindi mo naman ako masisisi, pamangks, boring sa kaharian," nakangusong sabi nito. Napa-iling naman si Dione dahil isip bata ito.

"Tara po sa office nio uncle Themisto," sabi nito at hinatak ito ngunit nagpumiglas.

"Pamangks naman! Alam mo naman na pagagalitan nya ako kapag nalaman nya na tumakas nanaman ako, hindi ba? Tapos dadalhin mo pa ako sa kanya? No way!" parang batang sabi nito at nagpumiglas.

"Uncle, tara na kasi!" pilit ni Dione at hinatak nanaman sa braso ang kanyang uncle.

"Ayokong mapagalitan! Huwag kang makulit!" sabi nito at pilit hinahatak ang kanyang braso.

"Anong ako ang makulit? Ikaw nga yun eh, uncle kulit!" asar na sabi ni Dione at hinatak ang braso ng kanyang makulit na uncle. Ngunit napakunot ang kanyang noo nang makitang nakatingin ito sa langit at tila nag-iisip.

"Bakit ba kasi nagkaroon ako ng uncle na weird," bulong niya.

Nagulat siya nang biglang nilampasan siya nito at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa school.

"Hoy! Uncle!" sigaw niya kaya nilingon siya ng makulit niyang uncle.

"Ano nanaman, pamangks? Pupunta na nga ako kay kuya, aangal ka pa dyan? Ewan ko sa iyo," sabi nito at tuloy-tuloy na naglakad. Naiwan naman si Dione na nakakunot ang noo.

"Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung paanong naging magkapatid sila ni uncle Themisto," naiiling na sabi nito.

---

"Oh, uncle, bakit hindi ka pa rin pumapasok?" takhang tanong nito nang maabutan niyang nasa labas lang ng pinto.

"H-hinihintay kita eh, pamangks. Hehehe."

"Yun ba talaga? Naku uncle, ihanda mo na ang sarili mo," pananakot nito at tsaka binuksan ang pinto.

"Yow, hey, what's up, kuya! Ang masun—" napahinto siya sa pagsasalita nang sinamaan siya ng tingin ni Themisto.

"Ang mabait, saksakan ng haba ang pasensya, mapagbigay, gwapo at matalino kong kuya! Long time no see—"

"Did I told you to speak?" putol nito sa sasabihin ng kapatid.

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now