"Her vampire guard has a protector. Someone who's powerful," she said.

I frowned.

"W-what did you-"

"Look!" she said and we look on where she's looking at.

"O-our five skilled soldiers w-were dead?"

EUROPA'S POV

Naglalakad ako pauwi sa bahay namin ngayon. As usual gabi nanaman akong makakarating doon kasi malayo ang bahay namin.

Patingin-tingin ako sa paligid at hindi mapakali. Hindi ko nga alam kung bakit ang paranoid ko ngayon.

Napahinto ako sa paglalakad nang buglang humangin. Humangin ng medyo malakas at naramdaman ko na dumampi sa aking balat ang hangin.

Nagsitayuan ang aking mga balahibo sapagkat hindi ko alam kung bakit. Ang creepy ng hangin na ito kung para doon sa malakas at malamig na hangin.

Iba ang dating kasi ng hangin na ito. Yung parang tinatakot ka na ewan? Basta hindi ko maipaliwanag ng maayos eh.

Nagulat na lamang ako nang biglang may humarang sa aking limang lalakina nakasuot ng itim. Ang mas lalo ko pang ikinatakot ay nang makita silang mayroong pangil.

Hindi ako makagalaw. Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo papalayo ngunit hindi ko magawa.

Sa isang iglap ay nasa tabi ko na ang isang bampira at hinawakan ako ng mahigpit sa braso ngunit bigla siyang napabitaw.

Ngayon ko lang napagtanto na bakit parang halos lahat ng humahawak sa akin ay biglang bumibitaw?

"Hindi ko mahawakan!" asar na sabi nito kaya pumunta ang apat na lalaki sa akin at sinubukan akong hawakan ngunit napabitaw rin agad.

"B-bakit ganun?!" tanong ng isa pang lalaki. Maging ako man ay naguguluhan sa nangyayari. Kanina pa nila ako pwedeng saktan pero anong nangyayari?

"Ah!" sigaw ng isang lalaki nang biglang may tumamang parang itim na mahika ang tumama sa kanya. Bigla siyang tumumba at hindi na gumagalaw.

Biglang umihip ang malakas at malamig na hangin.

Lumingon ang apat na lalaki at nakita ko ang kanilang pinagmamasdan. Isang lalaking nakasuot ng kulay maroon. May hood yung damit niya pero parang makaluma ang style. Yung hood naman ng damit niya ay umabot sa ibaba ng kanyang mga mata kaya hindi ko siya makita.

"Tigilan niyo siya," maotoridad niyang utos ngunit tinawanan lamang siya ng apat na lalaki.

"Napatay mo man ang isa sa amin, pero hindi kami," sabi ng isa at kinuha ang espada na nasa tagiliran niya at inatake ang lalaking naka-kulay maroon. Ganun din ang ginawa ng iba.

Hindi ko alam kung bakit ipinagtatanggol niya ako. Kung tutuusin ay maaari na niya akong pabayaan dito ngunit hindi. Nilabanan niya pa rin yung mga bampirang iyan.

Natalo na niya ang tatlo sa apat na mga bampira. Nakahandusay na ang mga ito nakita ko. Ramdam ko na hinihingal na ang naka maroon na lalaki.

Napapikit na lamang ako nang makitang aatakihin siya ng isa pa. Ayokong makita siya mamatay.

Ewan ko ba, feeling ko kasi kapag namatay siya ay kasalanan ko dahil niligtas niya ako. Pero naisip ko na hindi naman ako humingi ng tulong sa kanya. Kusa naman siyang dumating.

Umihip ang malakas ngunit mainit na hangin kaya napadilat ako. Nakita ko na mayroong isang babae sa di kalayuan. Makaluma rin ang suot niya at may hood rin ang damit. Kulay violet naman ang kulay nito.

Sa isang iglap ay nakahandusay na ang limang lalaki. Napahigpit ang hawak ko sa aking damit. Hindi ko rin namalayan na naka-upo na ako dito sa damuhan.

Natatakot ako at the same time ay naguguluhan. Natatakot na baka mas malala pa ang mangyari, naguguluhan dahil bakit ako iniligtas ng lalaking iyon.

Nang makakuha ng lakas ay tumayo at at tumakbo ako. Gusto nang umuwi. Ayoko nang makaranas ng ganito.

Hinayaan ko na lamang na tumulo ang aking luha habang tumatakbo. Hindi ako nag-abalang pahirin ito sapagkat wala rin namang saysay. Aagos at aagos pa rin ang aking luha kahit punasan ko pa.

"Aray!" daing ko nang bigla akong matapilok. Wala sa sariling napatingin ako sa kalangitan at nakita ang bilog na buwan.

"Bakit parang nagkakataon na kapag bilog ang buwan may nangyayaring hindi maganda?" natatawang tanong ko sa aking sarili.

Naalala ko noong muntik na akong tamaan ng sibat. Naramdaman ko rin noon ang malakas at malamig na hangin nago biglang nawala na parang bula ang sibat na dapat tatama sa akin.

I-ibig ba nitong sabihin ay ang misteryosong lalaking nakasuot ng kulay maroon ay syang palaging nagliligtas sa akin?

Hindi ko alam kung bakit patuloy na tumutulo ang aking luha. Marahas kong pinahid ang aking luha at pinilit tumayo ngunit natumba ako.

Baka dahil sa pagkakatapilok ko kaya sumasakit ang paa ko ngayon. Pinilit ko ulit na tumayo subalit babagsak na sana ko ngunit wala. Hindi ako bumagsak.

Nagulat na lamang ako nang makita ang nakakulay maroon na lalaki kanina. Nandito sya ngayon sa tabi ko. Binuhat niya at wala akong magawa.

Napatingin ako sa kanyang maputlang mukha. Kitang-kita ko kung gaano katangos ang kanyang ilong, pulang-pula na labi at napakagandang mga mata.

Mabuti na lamang at nandiyan ang buwan upang magsilbing ilaw ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa kanya at hindi natatakot.

"S-saan mo ako dadalhin?" nanghihinang tanong ko sa kanya.

"Sa iyong tahanan, mahal na prinsesa."

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi.

"P-prinsesa? Bakit mo ako tinawag na prinsesa? Bakit alam mo kung saana ng bahay namin?" hindi ko mapigilang itanong sa kanya.

Imbes na sumagot ay nginitian nya lamang ako.

"B-bakit mo ako niligtas?" muling tanong konsa kanya. Umaasang sana ay sagutin niya.

"Ang tngkulin ko ay ang siguraduhin ang iyong kaligtasan, hindi ko hahayaan na mapahamak ka," sabi nito.

May pumatak na dugo sa aking mukha kaya napatingin ako sa kanyang leeg. May hiwa ito. Umaagos ang dugo doon ngunit parang wala lang siyang pakialam.

"Y-yung leeg mo, dumudugo," kinakabahang sabi ko.

"Alam ko po," magalang na sabi niya kaya kumunot naman ang aking noo.

"Hindi ka ba nasasaktan? Tsaka ayos na ko, maaari mo na akong ibaba," sabi ko ngunit dahan-dahan siyang umiling at tumitig sa akin.

H-hindi ko alam ngunit bakit parang hinihigop ako ng kanyang mga mata. Ang sarap titigan. Kitang-kita ko rin ang mahaba niyang pilik mata.

"Hindi maaari, alam kong hindi ka pa ayos," sabi niya at itinuon sa daan ang kanyang paningin.

"Ibaba mo na ako! Hindi rin maayos ang iyong lagay!" utos ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin. Nagpumiglas ako ngunit mas lalo lamang niyang hinigpitan ang kapit sa akin.

"Mahalaga ang kapakanan mo, huwag kang malikot. Baka mahulog ka," alalang sabi niya.

"S-sino ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Callisto... Callisto po ang ngalan ng iyong tagapag bantay, mahal na prinsesa."

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now