Ang dami tuloy na tanong ang tumatakbo sa aking isipan. Mag-ama na hindi magkasundo? Bakit sila nag-aaway? Bakit nais niya akong makuha mula sa kanyang ama?

Ilang sandali lamang ay nahinto ang mga daing na kanina ko pa naririnig. "Patawad ngunit kailangan ko itong gawin. Paalam, aking ama," rinig kong sabi ng lalaki bago ko mapagtantong binuhat niya ako.

Tinititigan ko ang kanyang mukha ngunit malabo pa rin. Ano bang nangyayari? Bakit malabo lahat ng mukha ng taong nakakasalamuha ko?

"Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag ika'y napahamak, aking prinsesa."

Nagising ako dahil sa sunlight na tumama sa aking mukha. Nag-inat ako at tumayo na.

"W-what?! Umaga na pala! Late na ako nito!" natatarantang sabi ko at pumunta sa cr para sana maligo ngunit natanaw ko si nanay sa kusina. Nakatingin sya sa akin at tumatawa.

"N-nay? Bakit po kayo tumatawa?" takhang tanong ko sa kanya.

"Anak, matulog ka na ulit. Sabado ngayon at wala kang pasok," natatawang sabi nito kaya napakamot na lang ako sa aking ulo.

"Nag-effort pa man din akong bumangon at may patakbo-takbo pa akong effect na ginawa tapos wala palang pasok," asar na sabi ko.

"Oh sya bahala kana dito sa bahay, anak. Tsaka yung lagi kong bilin sa iyo. Huwag lalabas ng—"

"Bahay, huwag pagbubuksan ng pinto ang ibang tao at maging alerto. Opo nay, alam ko po," pagputol ko sa mga sasabihin niya kaya natawa na lamang sya.

"Ikaw kasi anak, ang aga-aga nakasimangot ka," asar pa nya sa akin.

"Eh paano nay, muntik na kong maligo, sayang din kaya ang tubig!" sagot ko at bumalik na sa kwarto at nahiga muli.

"Oh basta anak, ikaw na ang bahala dito sa bahay! Aalis na ako," paalam niya at narinig ko ang pagsarado ng pinto.

Ibinaon ko sa unan ang aking mukha at ipinikit ang aking mga mata. Sa pagpikit ng aking ng aking mga mata ay nakita ko ang malabong imahe ng lalaki. Yung lalaking nagligtas sa akin sa panaginip ko.

Napabangon ako agad sapagkat naalala ko nanaman siya. Tsaka nararamdaman ko na parang may nagmamasid sa akin. Paranoid na kung paranoid pero yun ang nararamdaman ko eh.

Umihip ang malakas at malamig na hangin kaya lalo akong natakot na hindi ko alam kung bakit. Agad kong kinuha ang aking kumot at nagtalukbong. Ang creepy kasi ilang beses ko nang naramdaman yung ganong klase ng hangin.

ELARA'S POV

"Elara, ito ang sweldo mo ngayong araw," nakangiting sabi ng aking amo bago iniabot ang apat na daang piso.

Simula nang dumating si Europa sa buhay ko ay napagdesosyonan ko na magtrabaho. Kailangan ko siyang pag-aralin at buhayin. Kaya ito, nagtatrabaho ako sa tindahan ng karne sa bayan.

"Salamat po," nakangiting sabi ko rito bago tuluyang umuwi. Marami akong iniwan na ulam sa bahay dahil alam kong gagabihin ako ng uwi.

Natatanaw ko na ang aming tahanan ngunit biglang may humarang na babae. "I-ikaw?!" gulat na sabi ko. Siya yung babae na wirdo! Yung nagsasabi ng kung ano-ano!

"Anong kawirduhan nanaman ba ang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya. Ngayon, kitang-kita ko ang napakagandang mukha ng babaeng ito. Walang kapantay na ganda.

Nag-aantay ako ng sasabihin niya ngunit wala. Sa halip ay tumitig lang siya sa akin ng seryoso. Nakakatakot ang mga ganung titig. Parang gustong kumitil ng buhay.

"Ano ang kailangan mo? Bakit palagi kang nagpaparamdam sa akin? Kung nais mo akong patayin, pakiusap, huwag muna. Kailangan ko pang alagaan ang aking anak," sabi ko sa kanya. Mula sa seryosong mukha ay ngumiti siya.

Bigla na lamang humangin ng malakas at naramdaman kong malamig iyon. Tunay ngang nakakapanayo ng balahibo ang ganitong klase ng hangin. Nakangiti pa rin siya ng pagkatamis-tamis sa akin.

"Naramdaman mo? Iyon ang kanyang presensya," sabi nito at naglaho.

Humangin ng malakas ngunit iba ito sa nauna. Malakas ang hangin ngunit hindi malamig. Mainit ang hangin na ito.

Umiling-iling ako bago ipinagpatuloy ang paglalakad papauwi. Hindi ko mapigilang maisip si Luna.

Nasaan na kaya siya? Babalik pa ba sya? Sana magkakilala pa sila ni Europa para malaman niyang napakabait ng kanyang anak.

Mabilis kong pinahid ang luha. Hindi maaaring umuwi ako at makita ng aking anak na umiiyak ako.

Wala sa sariling napatingin ako sa kalangitan. Maraming mga bituin ngunit walang Luna.

Nang malapit na ako sa aming bakuran ay natanaw ko naman ang mga mapupulang rosas. Ang rosas na paborito ni Luna at ng tinatawag niyang inang Metis.

Nang makalapit ako sa mga bulaklak na ito ay pumitas ako at inamoy. Hindi ko naman ito masyadong inaalagaan ngunit bakit ang bango-bango at walang kupas ang ganda?

"Luna, kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sa iyo," pagkausap ko sa rosas. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nangungulila ako sa kanya ay itong rosas ang kinakausap ko.

Napapikit na lamang ako nang maramdaman muli ang malakas at malamig na hangin. Dinama ko ito habang dumadampi sa aking maputlang balat.

"Naramdaman mo? Iyon ang kanyang presensya."

Napamulat ako nang maalala ang sinabi ng misteryosong babae kanina. Dalawa ang presensya? Anong ibig sabihin ng sinabi niya kanina?

"Ibig sabihin, presensya iyon ng bampira?" wala sa sariling tanong ko.

Kinakabahan ako at parang ayokong pumasok sa loob ng aking tahanan. Natatakot ako sa makikita ko.

Baka makita ko ang walang buhay kong pinakamamahal na anak. Baka nasalakay siya ng bampira o ano na.

Nabitawan ko ang rosas at kinakabahang hinawakan ang pinto. Natatakot ako. Sana huwag naman mangyari ang iniisip ko.

Marahan ko itong binuksan at nilipad ang aking buhok sa lakas ng hangin. Ramdam ko rin ang pagtayo ng aking mga balahibo.

Ang malakas at malamig na hanging iyon...

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama iyon. Nakakakilabot ngunit ang sarap ng hangin.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at nagtungo sa harap ng silid ng aking anak.

Dahan-dahan ko itong binuksan at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"Sinasabi ko na nga ba at mayroong ibang tao... Tao nga ba o bampira?"

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now