TMH Chapter 23:A Ghostly Encounter

Magsimula sa umpisa
                                    

Pabalik na sana ako sa university para dun ako maghanap ng impormasyon dahil kahit anong hanap ko walang nabalitaang nasagasaan tatlong araw na nga akong palakad lakad eh.

Habang naglalakad ako biglang may nabunggo ako pero dahil nga multo ako tumagos lang ako sa katawan niya.

"Im sorry miss"sabi ng lalaking nakahood ng black.Nagpatuloy lang siya sa paglalakad pati narin ako.Napahinto ako ng mapagtantong.

Napalingon ako sa lalaki nahuli ko siyang lumingon sa akin.So ibig sabihin nakikita niya ako?Wait multo rin ba siya?Kailangan ko siyang sundan.Sinundan ko siya.Nang mahabol ko na siya hinarang ko siya.

"Hi!Multo kaba?Kasi nakikita mo ako!"sabi ko sa kanya pero nilagpasan lang niya ako.Wengya!

"So ngayon dinededma muna ako.Teka nga may third eye kaba?Tama!Tama!Obvious namang dika multo kasi nahahawakan mo yung mga tanim tsaka iba damit mo eh."pangungulit ko sa kanya pero di parin siya kumikibo

*whistles!!!*

Agad akong napalingon sa likod ng may marinig akong pumito.Nagulat ako ng hinabol pala kami ng pulis.

"Shit Pulis!"sabi nung lalaking nakabangga ko.

Wait,nagnakaw ba sya?Agad na mabilis na tumakbo ang lalaki.

"Hoy!Magnanakaw kaba?"napalingon siya sa akin.Nakakaschock nga ang bilis kong tumakbo.

"Wag mo akong kulitin!"sagot niya  habang patuloy parin sa pagtakbo.

"Gusto mo tulungan kita!?"sabi ko sa kanya.Napalingon naman siya sa akin,nginitian ko naman siya pero umiling lang siya bilang sagot.

"Diko kailangan ng tulong mula sa isang multo" Aba! Iniinsulto yata nito ang kakayahan ko bilang multo.Aba!Aba!Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapahinto siya.

"Hoy!Bitawan mo nga akong multo ka!!Bitaw bwesit!"

"Tumigil ka!"sigaw nung pulis.

"Oo na papayag na ako.Basta tulungan mona ako"sabi niya kaya binitawan ko na siya.Tumatakbo parin siya pati yung pulis.Nang papalapit na yung pulis sa akin,tinumba ko yung trashcan na nasa gilid ng daan,dahilan ng pagkatumba ng pulis.pfft....Epic....Waaah!!!Ang sama ko haha.

"Sorry Mr.Pulis hehe kailangan ko lang to talagang gawin"sabi ko at iniwan na yung pulis.

"Hoy!!!Huminto ka nga!!!Wala na yung pulis!!!"sigaw ko sa lalaki habang patuloy paring tumatakbo.Napahinto naman siya ng marinig ako.

"Salamat"bungad niya sa akin pagkalapit ko sa kanya.Mabuti naman at mabait rin pala si kuya. Akala ko hindi eh.

"Talaga bang nakikita mo ako?Bakit mo ako nakikita?"sunod-sunod kong tanong sa kanya

"Ahh..My third eye ako kaya nakita kita..Ako nga pala si Christian..Ikaw si?"sabi niya at nilahad ang kamay niya sa akin.Iniabot ko rin ang kamay ko sa kanya.

"Im Althea Mount"Wahhh We shake hands!ibig sabihin nahahawakan niya ako!?What the paano?"Teka paano mo ako nahahawakan?"tanong ko sa kanya.

"Hindi naman ako ang dahilan kung bakit kita nahawakan,ikaw yun"sabi niya.

Huh?

Anong ako?

Wala naman akong superpowers?

Hehe adik ata to si Christian eh.

"Ang ibig kong sabihin..ahmm...paano koba ieexplain....Parang nagkaroon ng connection yung kaluluwa mo sa kaluluwa ko that's why im able to touch you."nakangiti niyang paliwanag habang naglalakad kami.

"Bakit ka nga pala hinahabol nung pulis?Nagnakaw kaba?"tanong ko sa kanya.Napalingon siya sa akin, nakita ko sa kaniyang mga mata yung lungkot."May nasabi ba akong mali" pahabol kong ani.

"Oo.Nagnanakaw ako para sa kapatid ko.May sakit kasi yung kapatid ko.Kaya kailangan ko umipon ng malaking pera.Kaso mahirap lang kami,wala narin kaming magulang kaya heto.Ako ngayon nagnanakaw.Kumakapit sa patalim maibigay lang sa kapatid ko yung kailangan niya" napangiti ako sa sinabi niya.Ang responsable naman niyang kuya.Nakakainlove!hehe crush na kita hehe.Agad!Agad!Marupok ako eh sowie na."Ano palang kailangan mo?"tanong niya sa akin.

"Gusto kong malaman kung bakit ako namatay.Kaya ayun gusto ko sana tulungan mo ako.Tsaka wala rin naman akong matutuluyan.Wala rin akong alam na makakausap ko.Ikaw lang kaya nakakakita sa akin at nakakausap ko.Pwede ba sama muna ako sayo?Tutulong ako sa pagnanakaw hehe.Dream ko kayang magnakaw di joke haha" masigla kong ani sa kanya

"Dahil tinulungan mo ako kanina papayag ako sa gusto mo.Dun ka muna sa amin.Tsaka,wag kang mag alala di lang ako ang nakakita ng multo,pati yung kapatid ko.Kaya,di ka malulungkot pag sumama ka sa akin."sabi niya.

"Thank you Christian" nakangiti kong ani sa kanya

©HeiressWritesStory

Follow me on my social media accounts:

Facebook:
Heiress Writes

Twitter:
@Heiress Writes

Instagram:
@Heiress Writes

My other Wattpad Account:
writerwannabe155II

THE THREE MAFIA HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon