Chapter 01

33.7K 958 52
                                    

"One-Night With A Stranger"

[CHAPTER 01]

><><><><><><

"Hay, nako!" Napalingon naman ako sa kaniya nang bigla siyang napagawi ng tingin sa'kin. "Napakatagal naman ng lalaki mo, Lian! Halos mamuti na ang mga mata natin kakahintay dito. Nakuha ko nang makapagpa-Legend dito sa Mobile Legends, wala pa rin 'yang jowa mo!" Reklamo ni Cherry na kasalukuyang nasa tabi ko at kanina pa pinapapak ang bowl na may lamang mani, habang hawak niya ang kaniyang phone at tila may nilalaro.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumitig sa kawalan dahil sa sinabi niya. Nandito kami ngayon sa sala habang hinihintay ang boyfriend ko na galing sa work. Pati nga rin ako nagtataka na kung ano'ng nangyari at bakit sobrang tagal niya at hindi pa umuuwi.

"Nako, nako, nako!" Muli nanaman akong napalingon sa singhal niya, "Maniwala ka sa'kin, fren. May kinakalantari nang iba 'yang jowa mo!" Dagdag pa niya.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ayan ka nanaman... Lagi mo na lang pinaghihinalaan si Lucas. Tsaka, h'wag ka kasing nega d'yan, Cherry! Mahal na mahal ako ni Lucas, noh! At sigurado akong hinding-hindi niya gagawin 'yang iniisip mo," Singhal ko at napairap na lamang siya.

"…tsaka hindi naman basta-bastang lalaki si Lucas para sa'kin, dahil mahal na mahal ko 'yon kahit gano'n siya. I'm a hundred one percent sure na our love is pure and true. Kahit pa siguro dose-dosenang babae pa ang maghubad sa harapan niya, hindi niya ako pagpapalit sa mga 'yon." Taas-noo at buong pagmamalaki kong sabi, at napailing na lamang siya.

"Nakooo, maniwala ako sa'yo! H'wag kang iiyak-iyak sa'kin kapag kinain mo lahat ng sinabi mo, ah! Walang true-love true-love sa ganiyan, sinasabi ko sa'yo." Sagot naman niya at napabusangot na lamang ako.

"Ewan ko sa'yo, Cherry. Napaka-bitter at KJ mo talaga! Kung 'di ka naniniwala sa true love, pwes ako, oo."

"Ang corny niyo talaga dalawa. Hays, ewan ko sa inyong mag-jowa. Minsan, hindi ko na kayo maintindihan." Singhal pa niya at isinandal ang likuran niya sa couch at muling bumalik sa paglalaro ng Mobile Legends.

Hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito si Cherry. Simula pa noong iniwan siya ng kano na naka-date niya dahil may kabit ito, tila naging mas mapait pa siya sa ampalaya kung magsalita. Sobrang bitter, at sa sobrang pagka-bitter niya ay pati si Lucas ay pinanghihinalaan na niya na may kabit din.

Well, simula't-sapul pa naman ay hindi na siya boto kay Lucas. Pero syempre I'm her best friend at kung saan daw ako sasaya ay doon din siya, kaya kaya wala na siyang nagawa kun'di tanggapin nalang si Lucas bilang boyfriend ko.

One-Night With A Stranger [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon