Paunang Pahina

66 3 1
                                    

Debayn: This tula is for the people who loved someone that God destined for someone else. Hindi mali na nagmahal tayo, walang mali sa pagmamahal. Ngunit if that person leave us when we're already into them, then I guess they're not really for us. Isa lamang silang aral na dapat nating matutunan. So, better wipe out your tears and start again. :)

Hope you'll like it!




"Puso ang pumili"
Written by: Debayn


Tila'y isa kang maliwanag na tuldok sa kalangitan,
Sa tuwing gabi'y sumasapit kagiliw-giliw kang pagmasdan,
Sa bawat pagpikit at dilat,
Sa pagpatay at sindi,
Pintig ng puso ko'y pilit kang sinasabayan.


Bumubuo ng linya mo at linya ko..
Mga mata'y hindi malingat sa'yo,
Unti-unti sa labi'y gumuguhit ang ngiti,
Ganito pala ang umibig?

Ka'gad ay natauhan, sapagkat ang bituwing nagbibigay saya,

Ay biglang natakpan ng mga dahon at sanga..

Ibubulong, makikita ka pa kaya?


Hindi ko naisip na maaring dumaan ka lamang,
Bulaklak ng ala-ala ay iyong iniwan
Hangin na nagbigay lambing,
Mga mata'y nilagyan mo ng ningning..
Tanging tanong, bakit hindi ka nanatili?


Umawit ang tadhana,
Sabi'y bulalakaw ay sasaglit
Nakasulat rito ako ay mabibighani,
Ngunit ang lahat ay isa lamang sandali..
Tandaan,
Tamang bituwin sa pagbagal ng oras darating.



Ulap ay nagsimulang umiyak,
Animo'y pilit binubuo ang biyak
Iyan ang kwento ng mali..
Subalit,
Mananatiling tama dahil puso ang pumili.

The Poetry Of Her Where stories live. Discover now