💀 THE HISTORY OF SLENDER FAMILY 💀

1 0 0
                                    

May isang mag-asawa nasi Ellena at Simmon. May isa silang anak na babae na sobrang pinakamamahal nila at sya ay si Rina. Nang lumaki na ito at nagkaroon ng kasintahan na ang pangalan ng lalaki ay si Hektor. Nagkaroon sila ng anak at ito'y isang sanggol pa. Si Rina ay may lola na ang pangalan nito ay Cecilia. Sila ay kilala bilang isang pinakamabait na Slender Family. Marami ang pumupuri sa kanilang kabutihan. Silang buong pamilya ay masaya at matiwasay ang kanilang pamumuhay. Ngunit nang dumating ang mabagsik na gyera dito sa lugar ng San Louis, agad silang pumunta sa simbahan at humingi ng tulong kay sister morissette. Itinago sila ng mga madre at pare sa isang bodega ng kumbento ngunit nahuli sila ng mga rebelde at pinatay si sister morissette gamit ang maso kasama na ang isang pare at iba pang mga madre.
Pinaghiwalay sila rina sa kanyang mga magulang at pati na sa kanyang kasintahan nasi Hektor kasama narin ang sanggol. Hiniwa ng mga rebelde ang bibig ni Ellena at itinapon ang kanyang katawan sa isang abandonadong asylum. Si simmon naman ay tinakpan ang mukha nito nang isang puting tela at binigti sya ng buhay sa itaas ng puno saka ito nawalan ng buhay. Si Hektor na kasintahan naman ni rina ay inilibing ng buhay sa isang kabaong at ang sanggol nila ay pinagsaksak ng kutsilyo hanggang sa namatay din ito. Ang lola naman nito nasi Cecilia ay pinukpok ang ulo gamit ang baseball bat. Hanggang sa huli, nilaslas ng mga rebelde ang bibig ni rina at pinutol pa ang kanyang dila gamit ang isang matulis na blade. Ang bangkay niya ay itinapon sa isang madilim na cellar bago sinunog ang kanilang bahay. Mula noon, marami nang mga nangyaring kababalaghan at mga pagpaparamdam ng kanilang mga di-matahimik na kaluluwa dahil sa walang awang pagpatay sa kanila. Hanggang ngayon, buhay parin ang mga usap-usapan tungkol sa pamilyang ito at marami parin ang nakaramdam ng takot sa kanilang malagim na kuwento.

SLENDER: THE HOMECOMING OF EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon