Chapter 1

176 8 0
                                    


Someone's POV

Teka nasaan ako?...

Habang naglalakad ay di ko maiwasang luminga sa paligid hindi ko talaga alam kung nasaan ako...

Nahagip ng mga mata ko ang dalawang bata sa ilalim ng puno pero hindi ko makita ang mga mukha nila.

Ang batang lalaki ay umiiyak habang inaalo ng isang batang babae medyo lumapit ako sakanila para marinig ang kanilang usapan.

"Gelo inaway ka na naman ba ng nga batang yun?"sabi ng batang babae habang hinihimas ang likod nito

" O-o ehh...s-sabi nila w-wala daw akong mommy ehh tapos pinagtawanan nila ako...*sniff*"sabi ng batang lalaki

"Anong problema nila kung wala ka ng mommy...saka kahit naman wala na ang mommy mo ay nandiyan parin siya palaging nakabantay sayo...saka kasama niya na si God diba siguradong masaya na siya dun"sabi ng batang babae na pinapagaan nito ang loob ng batang lalaki.

" Nami-miss ko na si mommy..."sabi ng batang lalaki

"Gusto mo ako muna ang maging panandalian mong mommy? Kakantahan kita ng lullaby, kukwentuhan ng masasayang storya , yayakapin ka kapag may problema ka at papagaanin ko yang loob mo"sabi ng batang babae sa pananalita nito ay hindi mo aakalaing bata pa ito dahil nga sa matured na itong magisip.

" Ayos lang sayo yun?"sabi ng batang lalaki

"Oo naman basta mapagaan ko yang loob mo saka diba best friend forever tayo dapat tulungan natin ang isa't isa"sabi ng batang babae

Ramdam mo sa kanilang paguusap na matalik talaga silang magkaibigan...

" Tara na baka hinahanap na nila tayo doon kailangan na natin umuwi"sabi ng batang babae at inalalayaan ang batang lalaki sa pagtayo

Akmang tatawid na dalawang bata sa kalsada ay hindi nila na pansin ang papadaang sasakyan.

Gusto ko man silang habulin at iligtas ay hindi ko maihakbang ang mga binti ko sa di malamang dahilan...

Nakita ng batang lalake ang sasakyan na paparating ay agad niyang tinulak ang batang babae at...

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa ayaw kong makita ang nangyari...

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata nakita ko na nasa kwarto ko muli ako.

Isang panaginip lang pala, pero di ko maiwasang isipin kung bakit araw-araw ko yun napapanaginipan...

'Knocks'

"Kuya angelo bumangon ka na diyan at magaalmusal na daw saka malalate na tayo iniintay ka din ni uncle sa baba"sambit ng aking kapatid sa likod ng pintuan ko

Hindi na ko sumagot at bumangon na ko sa kama pero di parin mawala sa isip ko ang yung napanaginipan ko para bang parte na ito ng aking isipan.

Pagkatapos kong magayos ay bumaba na ako nakita kong nasa hapagkainan na sila uncle at diana ng makita ako ni uncle ay ibinaba niya ang kanyang binabasang newspaper at tumingin sakin.

"Angelo sigurado ka ba talagang dito ka na magaaral at hindi na sa canada?nakakapagtaka na nagbago ang isipan mo kahapon ng nakaraan lang ay pinipilit mo kong magaral ka nalang sa canada" sabi nito at suminsim ng kanyang kape.

"I don't know uncle naguguluhan din ako sa sarili para bang pag pumunta akong canada ay may maiiwan ako dito" hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sakin simula ng mapanaginipan ko iyon araw-araw ay para bang may nakapagpabago ng isip ko at mag-stay nalang dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love You Till My Last BreathWhere stories live. Discover now