Chapter Twenty

4 0 0
                                        

"Nagkaroon na naman daw ng gulo kanina?"usisa ni Ruella sa dalawang kaibigan bago kumagat sa tuna sandwich na hawak nya. Nasa garden na naman sila noon dahil gustong iwasan ni Izza ang dalawang manliligaw daw kuno.

"Sa lahat naman ba kasi ng araw na male-late ka ba't kanina pang umaga. Di mo tuloy na abutan ang rambulan ng dalawa. Kamuntikan na nga silang ma-guidance eh. Mabuti na lang naawat sila agad. Naku! Parang gusto pa sanang sakalin ni president si Watson eh," mahabang litanya ni Cecile sa pagitan ng pag-nguya ng piatos. Napatingin si Rue kay Izza,ang isa naman ay halatang masama na ang timpla. Magkasalubong na ang mga kilay at halos panggigilan ang hawak-hawak na coke in can.

"Hindi ko na nga alam ang gagawin eh. Lagi nalang silang nagkakainitan,"anang si Izza at napabuntung-hininga.

" Talaga bang nanliligaw sa'yo ang dalawang yun? Nagtapat na ba si president sa'yo? Eh si Watson? Parang trip-trip lang naman ang sa isang yun eh,"ani Rue.

"Halata kaya si president. Lagi na lang kasing may ibinibigay na kung anu-ano kay Izza. Si Watson naman,ang aga pa nag-aabang na kay Isabelle sa pintuan ng room natin. Minsan, mas maaga pa nga kay Luis. In fairness,mukhang determinado din para sa'yo girl," anamang si Cecile at ang yakult naman na dala ang tinungga.

"Sino ba ang mas matimbang? Yung taong mahal mo na minsan ka ng nasaktan? O yung taong sinusubukang magbago para ipakita na mahal ka?" tanong ni Ruella sa kanya.

"Wow! Ang lalim ha. Galing pang underworld? Mukhang may pinagdadaanan ka din ah. Hugot-hugot lang pag may time,sis?"anang si Cess kay Ruella,nagkibit-balikat lang ang huli. Napa-isip tuloy si Izza sa sinabi ng kaibigan.

------------------

Oras ng uwian, nasa gate na nag-aabang ang grupo nina Watson. Kasama nito ang kanang kamay na si Steve pati na rin si Aaron at isang hindi nya pa kilala.

"Hey! Sabay na ko sa'yo. Tol,mauna na kayo sa tambayan,ihahatid ko lang si Izza sa bahay nila. Bring the car with you,mag-tataxi na lang kami," bilin nito sa mga kasama at agad na kinuha ang bag ng dalaga at sya ang nagbitbit. Hinayaan na lang ni Izza baka mag-tantrums na naman ang lalaki. Mabuti nga at marami pang inaasikasong bagay sa student council office si Luis at pinauna na syang umuwi. At baka kung nagkaabutan na naman ang dalawa eh panibago na namang gulo.

"Huwag na tayong mag-taxi, lakarin na lang natin. Ang lapit-lapit lang kaya ng bahay," anya sa binata.

"Ayoko sanang naiinitan ka eh. The weather seems to be hot today, wala ka namang payong. Bukas magdala ka ha," anang binata sa kanya, nakangiti ito. "By the way, how about your two friends. Ba't hindi mo sila kasama?"

"Well, si Cess inihatid ni Shane pauwi at si Rue, magpupunta pa daw ng bookstore eh. Baka may bibilhing libro," sagot nya.

"Natural! Alang namang bumili ng kung ano yon don eh libro lang naman usually nakikita sa bookstore, right? Ang talino mo Izza pero minsan umaandar pagka boplaks mo," nasabi ni Watson at napa-iling. Napahinto ang dalaga sa paglalakad at masama syang tiningnan.

"Boplaks ako ganon?!"inis nyang turan at akma na sanang kukunin ang bag nya kay Watson.

"Ikaw naman, binibiro lang eh ang daling mapikon. Joke lang," nakangising sabi ni Watson at akma na syang aakbayan ng pandilatan nya. "Sabi ko nga eh, bawal eh. Ikaw talagang braso ka paminsan-minsan gumagalaw ng kusa. May sapi siguro to," anang binata sabay tampal sa braso nya. Napailing na lang si Izza, ang dami kasing kalokohang nalalaman itong si Watson. Minsan gusto nya mang magalit ay napapangiti na rin sya kahit paano. Nakarating na sila sa bahay nya at tiyak nasa loob na ang mama at kuya nya. Gusto nya sanang imbitahin paloob ang binata kaso ayaw naman nyang usisain ito ng ina at kapatid.

"Sige Watson, salamat talaga sa paghatid ha. Pasok na ko," paalam nya sa binata. Nakita nyang ngumiti ito.

"Wala yon,basta ikaw. Malakas ka sa kin eh,"anito at tinitigan sya.

"Okay na ko dito. Sige na," taboy na nya sa binata ngunit nanatili itong nakatitig sa kanya at di umaalis. "Watson? Okay ka lang ba?"naitanong nya dito kapagdaka.

" Izza, I love you...,"biglang sabi ni Watson. Hindi sya prepared kaya ang nagawa nalang nyang sabihin ay...

"Ha?"

AT FIRST SIGHTWhere stories live. Discover now