Ikatlong Pahina

97 5 0
                                    

"Come on! Nubeyen! Ang pangit!" Bulyaw sa amin ng baklang coach namin "Let's begin from the start and a one and a two. And one, two, three. Go!"

Bumuntong hininga na lamang ako sabay ankla sa braso ni Navy. Yeah, were having a rehearsal. At yung baklang sigaw nang sigaw, yan yung coach namin. Si coach Daisy.

Siya ang nagtuturo sa amin maghanda para sa gaganapin pageant next week. Ambilis nga nang panahon, all day ito ang ginagawa namin ni Navy. Gusto ko na nga magback out sa totoo lang dahil sa hindi ko masikmura si Navy lalo na yung coach na nabigay sa amin kaso wala naman din akong magawa. Required to sa lahat ng subject at kapag umatras ako, yari na ang grades ko. Bwisit kasi yang si Ma'am Jakjakay, pala decide hindi man lang ininform yung isasali. Nakakagigil!

Pasalamat na lang din ako at excempted na ko sa quiz, activities at exams namin at ang masaya pa diyan ay wala ng special project! atleast iwas stress para sa akin.

"Anubey! Nakakainis na Sunshine ha!" Gigil na suway ni Coach Daisy sa akin "Make the forte, sway your hips! Ke gandang babae hindi marunong sumunod! Naloloka ang beauty ko!"

Napaikot na lamang ako ng aking mga mata sa kadramahan niya.

"Opo" Hindi na ko nakipagtalo. Ano naman kasing sense di ba?

Nagitla ako ng hawakan ni Navy yung bewang ko, sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko nginisihan lang ako. Suntukin ko to eh!

"Bitawan mo muna siya papa Navy. Tuturuan ko muna siya ng solo." May pagkamalanding sabi ni Coach Daisy kay Navy.

Tumango naman si Navy sa kanya bago umupo sa tabi at pinanood kami, nakita ko pang kumuha ito ng mineral water at ininom, at ang gago! Kinindatan ko! Tusukin ko yang matang yan!

"Eyes here, Sunshine"

Bumalik ang tingin ko sa baklang coach, nakataas ang isang kilay nito sa akin habang naka cross arms. Antaray lang!

"Bumalik ka dun sa pwesto mo, as in now na!" Gigil nitong utos

Muli naman napaikot ang aking mga mata at parang tinatamad na naglakad sa kemeng stage namin.

"Hold you hips, darling" utos niya sinunod ko na lang.

Masayang tumango si Coach.

"Smile darling" napilitan pa kong ngumiti, "Be proud of who you are"

Sinunod ko na lang siya, ngumiti pa ko ng pagkatamis tamis kahit na asiwang asiwa ako sa ginagawa ko, dagdag pa yung paghubad baro ni Navy ng pantaas niya! Nanonood sa akin si loko!

"Good baby" Coach Daisy commented "Now walk. Walk like a queen!"

I irritated walk to the stage. Inisip ko na akin ang buong entablado. Ilang minuto akong rumampa at nagpose ng kung ano ano sa harap ng coach namin ni Navy bago ko tinapos sa isang ikot, don ko narinig ang maganda at swabeng palakpak ni coach.

"Bravo! Bravo!" Masayang puri niya sa akin, napakrus na lang ako sa kanya at napaikot ang mga mata "Magaling ka naman pala, iha, bongga yung finalè mo pak! Ang ganda ng flip at pag-twirl mo!"

Ofcourse I am that good!

"Thank you po" I shyly smiled. Oo na! Gustong gusto ko talaga ng mga papuri

Nakita ko namang ngising ngisi si Navy sa akin, inismiran ko nga!

"Sige na pahinga ka na!" sabi niya sa akin, tumango lang ako "Papa Navy! Come here na baby! Your next!"

Nakangisi namang tumango si Navy bago pumunta sa kemeng stage namin, ako naman ang pumalit sa kanya na magpahinga, uminom na rin ang ng mineral water dahil fell ko na dehydrated na ko kakapose dun sa rehearsal na yan! Jusme!

LIBRO (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon